Luzon Recruitment Teambuilding 2016

Yes, Luzon. Masyado na kaming madami if isama pa ang Visayas and Mindanao. Or ang 52 states ng US. Hindi kami magkakasya sa hotel.

Our venue was in Emiramona Hotel in Tagaytay, and kay sarap umuulan pa ng malakas so saktong-sakto kaming magkasakit and all.

Stopped over at Mcdo Petron to eat breakfast and I was so giddy because it was a free breakfast! Ready na ready ko nang ilabas wallet ko but buti nalang sinabi ni Ms. Pretz na free ang aming breakfast. Yay! Iba ang saya ko talaga kapag Mcdo. Ayoko kasi talaga ng Jollibee and iba ang addiction ko sa hashbrown and sausage Mcmuffin Hahaha! Actually, may dala akong camera para gagawa ako ng video pero hindi ko siya nagamit. Sayang. Hahaha

13938139_10157276907995065_8398718171869718717_o
Ms. Joan, Rae, Arjoy, Nance, Ms. Pretz, Sir Kim, MC, Ms. Inna, Shie, Cy, Gigi, Anje, Lyra and Jas

14051798_1275217845830797_6833303033952874844_n

We arrived at Emiramona around 12? Hahaha! I don’t remember. There’s an indoor pool and a function hall buti nalang covered lahat so magagawa namin ang activities even if it’s raining. I like our first activity, LUNCH. Haha then we headed to our rooms and started taking pictures and indulging our excitements sleeping because the rooms are really cozy fozy buzzy! We had a tv, coffee, closet, etc. But the cable wasn’t working.

14046010_1275217735830808_6537891568771278501_n

14079462_1390954684266567_1932461819756425560_n

14100343_1390964127598956_7911058231713508916_n

14079518_1390964140932288_8618382881636019844_n

14088664_1390963677599001_3863938302150033337_n
Parang wala akong suot na shorts

14021673_1390963254265710_7869185256037164067_n

14051823_10205680571053194_1926978792283085575_n

Medyo marami kaming pictures so brace yourselves.

Next activity was the getting-to-know. Since kaming mga Luzon sites were really not formally introduced to each other kilala lang namin ang isa’t isa because of emails, they made an activity wherein you have to arrange yourselves into specific categories and infair, halo-halo talaga kami. Hahaha it was a bit fun pero bitin kasi yun lang naging activity plus yung pagsway sa eggplant para tamain ang eggs. Hahaha! After, a few minutes break tapos mga kanya-kanyang presentation na per site. And then may mga awarding ganyan. Nagulat ako tinawag ako for the Most Valuable Recruiter for Sucat. Yay, thanks mentors!❤ (may Sodexo GC pa nyahaha)

14045905_1275217232497525_27286693340219574_n

14022298_10154331742823567_48762572866192763_n

Siyempre, hindi kami nanalo. Kami pa last na nag-perform so mas nakakahiya. Pero ang galing ng Fairview. ACTUALLY URAT AKO KASI YUN YUNG IDEA NA SINUGGEST KO TAPOS SABI WAG DAW WORK-RELATED. Hugot scenes via recruitment process, parang yung sa Banana Split.

AYUN, NANALO SILA. MAY 5K SILA. GRR. WAG DAW WORK RELATED AH? Putangina.

Nagkalat lang kasi kami. Nag-practice pa kami minutes before tapos, ayun. Anyway, after the bitin program kumain nalang kami – tapos picture taking…

14064008_1275225292496719_6471749672029736255_n
Ang babata ng mga boss namin noh? Haha wala atang sobrang matanda sa amin (Site Heads lower right)

14067432_1275228942496354_4394817868162796203_n

14117835_1275229222496326_1626357850534392520_n

14051678_1275217442497504_8638640995882617991_n

14063717_1275217372497511_3979898085391739969_n

14068445_10157278609355065_8788004569561581101_o
Alphaland & MOA❤
14095900_10155379204254852_3511459353708424951_n
My Sucat lovies🙂
14053920_1794122707498625_4862871961418245036_o
Sucat, Alpha and MOA❤

14079705_1390964324265603_9203036749205445075_n

Tapos nag-inom nung gabi. Nakakaloka yung Never Have I Ever namin. Hahaha. Well, what happens in room 301, stays in room 301😉 Maraming basag, mostly mga Alpha team basag. Hahaha! Marami din kaming nalaman sa isa’t isa and may mga kinilig *ehem* HAHAHAHA tapos meron akong sinabi sa Never Have I Ever…. NA AKO LANG UMINOM. Putangina talaga. Hahaha akala ko may iba rin na iinom. Nagulat silang lahat. SECRET😉

14123577_10157298386220065_1905144854_o

14123577_10157298386325065_1753552709_o

14034783_1275228745829707_4761682711663268349_n
Ubos pala dalawang bote ng empe tska ewan ko ilang bote ng Red Horse haha

Nakakatawa itong part na ‘to. Inaantay kong ubusin namin ni Bon yung Red Horse kaya lang sa sobrang wasted na nga ng Alpha, hindi na nila ako binalikan. Hahaha so nagaantay ako sa stairs parang tanga with Gigi and Arjoy. And then bumalik na kami sa rooms namin.

Habang kausap ko si Ejay sa phone, nakakaidlip na pala ako. Take note nasa labas ako ng room nito. Hahaha! Nakakatawa! Buti hello siya ng hello, kung hindi, hindi ako magigising. :))

Wala lang. Na-share ko lang weekend ko. Mga 12nn ng Sunday na rin ako nakauwi. Lakas ng ulan. Hahaha.

 

Samsong and Debanda: LANY

LANY stands for Los Angeles New York, places I have never been to. I have never even ridden an airplane. It’s pronounced as ‘Lay-Nee’.

I discovered them through my music master friend, Migz. Hahaha!

If you’re desperately looking for a dream/electro/indie pop, here’s the appropriate band for that hunger. Made up of three ‘quite’ hot members namely Paul Jason Klein, Jake Goss and Les Priest.

They were discovered as solo artists then they continued playing in music festivals based from my research hahaha.

I like how their songs were arranged because aside from feeling nippy all throughout while listening, and for me it’s not baby making music I think it’s more of falling in love with the idea of love making. Hahaha hope you got my point. Also, it’s like a mix of 80s and 90s love tunes🙂

Not only you can consider their arrangements a little mushy but it’s not always about love. They sing about friendship, travel and heartache but you would really not feel the heartache. Hahaha!

So anyway, here are the videos, lyric videos and favorite lines are provided for each video below.

My top song:

Ain’t never felt this way
Can’t get enough so stay with me
It’s not like we got big plans
Let’s drive around town holding hands

I’m too good at leaving love
I’m too good at leaving love
I don’t wanna be

Let it go, I just can’t forget about her
How do you know, if you can really be sure?
But I can’t move on, I’m sorry that I loved her first
She’s the only one, she’s the only one, I want

 

I would also recommend them while working (especially, if you have a lot of computations in your work). Lels.

Photos from Google
Videos from YouTube

Utak Misyonaryo

Tuwing naiisip ko ang mga ginawa mo sa akin

Ang paghawak mo sa aking kamay

Ang pagtingin mo sa aking mga matang walang humpay

Ang paghalik mo sa aking patay na labi upang mabuhay

Ang pagsulat mo sa aking utak na mabilis mapanis parang laway

Nandidiri ako

 

Nandidiri ako sa mga ginawa mo

Hindi ko alam bakit kita pinatulan

Pangarap ko sana ari mo’y maputulan

Na wala nang masubo ang asawa mo

Na wala nang anak na mabubuo

Ngunit huwag kang magtaka

 

Huwag kang magtataka kung bakit malungkot ang buhay mo

Kung bakit hindi sang-ayon sa iyo ang mundo

Kung bakit hindi mo mahanap ang susi at kandado

Kung bakit walang magandang naidudulot ang pagtiyatiyaga mo

Kung bakit lahat ng kamalasan ay iyong natatamo

Hindi ka na nahiya

 

Hindi ka na nahiya sa bawat oras na sinayang mo

Oras para sa pamilya ko, sa pamilya mo

Oras para sa mga tunay kong kaibigan

Oras para sa nagiisang misyon ko sa buhay

Oras para sa trabaho ko

Dahil ako ang trinabaho mo

 

Dahil ako ang trinabaho mo at sila rin, at ginago mo at tang ina mo po

At ilang babae pa ang tratrabahuhin mo?

At ilang babae pa ang ipapakabit mo diyan sa sinturon mong hayok?

At ilang babae pa iiwanan mo para lang dumami pa ang matikman mo?

Sayang lang ang utak mo

 

Sayang lang ang utak mo at talento mo

Pagdating sa pananakit at pagaangkin ay isinugal mo

Pagdating sa paghawak ng suso at pagtingala sa langit nilaban mo

Sayang lang ang pamilya mong binuo

Dahil bukod sa pagwawasak ng sarili mong pamilya

Winasak mo na rin ang pagkatao nating pareho

 

Matalino ka sa ibang bagay

Sana ginamit mo

Matiyaga ka sa ibang bagay

Sana yoon nalang ang itinuloy mo

 

Dahil ang propesyon at edukasyon pwedeng mawala

Pero ang utak mong misyonaryo

Kahit lagyan mo ng saya

Kahit lagyan mo ng anghel

Kahit lagyan mo ng sabaw

Kahit lagyan mo ng iisa

Kahit lagyan mo pa ng babaeng nakapulang damit

Ay hinding-hindi na magbabago

Nakakasuka, nakakaawa at nakakatawa

 

Lahat ng isinulat mo “para sa akin” ay kaputahan

At itong isinusulat ko para sa’yo ay katotohanan

Hindi bilang ganti kung hindi bilang leksyon

Dahil ikaw mismo ay puta at wala nang direksyon

School Is Cool Kuno

Blurry photo award goes to…

Masaya ba pumasok ‘nak? Tignan natin after ilang years kung ganyan parin ngiti mo.

“Mommy, 5 more minutes.”

“Mommy, isn’t it suspended?”

“Mommy, my report card isn’t ready yet.”

At ang malala…

“Mommy, Mason and I will do a group project at their house.”

Samsong and Debanda: SUD

“Sino ‘tong cute Afro guy playing the guitar?”

As I told myself when I was browsing through OPM bands in YouTube last summer.

“Ano ‘tong kantang to na pang sexy time at bagay sa maulan na panahon?”

As I told myself when I was on the verge of building a snowman.

I learned about SUD from Huling Hugutero’s post.

I think they’re booming right now because of PBB since Sila is the main track for the kalandian levels they have in the show.

Di ka man bago sa paningin

Palihim kang nasa yakap ko’t lambing

Sa bawat pagtago

Di mapipigilan ang bigkas ng damdamin

Buti may tutorial ng Sila sa YouTube kaya lang hassle, hindi ko parin pala napapalitan strings ng gitara ko. 

Anyway, aside from Sila, of course you have to listen to other three songs: Profanities, Smilky and Safer.

Fuck girl you got me saying

Bad words and I ain’t playin’

When I see your ass is on

The floor it turns me on

Under your eyes in the city lights

Under your eyes in the city lights

Playing harmonies on your skin

Ooh, your silk-like hips

You just came here to stay

You get away and disappear

Falling all of those tears

You really would not expect an alluring voice sobrang linis ng boses na akala mo hindi Pinoy when looking at their vocals, Sud Ballecer. I mean, ganun naman talaga diba kapag singer? Aanhin mo naman ang kaguapuhan kung hindi maganda ang boses? So, good thing with Sud, he gots the look and the voice. Then you tot up a team with Carlos dela Fuente on sax, Jimbo Cuenco on drums, Marc Reyes on bass (cutiepie), and Gelo Acosta on lead guitar. Yung iba, hindi ko na kilala. Serry nemen.

Sud
Source: amplify.ph

Aside from the music, their composition is quite different from other OPM bands because it’s a mix of melancholy, sexy time and just basically for grooving/road trip/muni muni moments.

I haven’t seen them live though. I really want to. I’m checking 19 East’s gig guide and they don’t have anything scheduled for SUD this August. I only watch in 19 East because that’s the nearest here in the South. Once, I almost tried attending a Saguijo gig but Migz cancelled. Sayang.

Bagay na bagay ang music nila for this bed and cuddle weather😀

Kakaiba Zambales

Lahat naman tayo may pagkakaiba. Sabi nga nila, we’re unique in our own special way.

Pero ang alam ko hindi tayo pareho ng tatay kasi pinanganak siya sa Zambales at apelyido ay lagayan ng leche flan. Wait unless may anak siya sa labas na hindi ko alam. And walang konek ang Zambales sa post na ito.

So dahil selfish ako ulit and wala nanaman kaming ginagawa sa trabaho sarap petiks pero bayad, ito yung mga weird things na sabi ng ibang tao, weird nga daw talaga ako at some point okay. Pwede ko rin siya i-describe as, Stranger Things? Ma-promote lang ang isa sa mga paborito kong tv series.

  • Hindi ako sumasakay sa left side ng escalator. Nanghihina ako kapag nasa left side ako. I don’t know, maybe because right handed ako? Hahaha! Basta hindi ko kaya. Kahit sa mall, kunwari diba nasa left side ako tapos nandun yung railing, hindi ko kaya kasi takot ako sa heights. Kung nasa right ako, keri ko. Pero gusto ko na hinahawakan ang left hand ko for landi purposes hahaha
  • Speaking of takot ako sa heights, mahilig naman ako sa mga matataas na lugar basta gumagalaw. Let’s say for example, rollercoaster, zipline, slides ganyan. Pero kung still lang like ferris wheel, nakatayo ka lang, etc. hindi ko kaya. Kailangan gumagalaw or tatalon ako. Or kapag on top ako bwahahah jk
  • Kahit anong timpla mo sa juice, sobrang tamis – sobrang pait – sobrang tubig, okay lang sa akin. Kaya nga kahit mapait o matamis ang relasyon, keri lang. Weird taste buds ko. Minsan kahit anong lasa ng juice nakekeri ko. Hindi ko alam kung bakit.
  • Kapag kumakain ako, kailangan sakto lahat. Kung may kanin pa ako, kukuha pa ako ng ulam. Kung may ulam pa ako, kukunin pa ako ng kanin. I’ll never stop, never give up.
  • I hate chocolates. Period. Like as I always say, kung meron mang chocolate kailangan may cream or vanilla with it. I like everything white uy ano nanaman yang kabastusang iniisip mo. Siyempre, yun din HAHAHAHA
  • I can eat unlimited fries without getting full and without drinking water. Cookies din pala.
  • Lahat ng household chores basta may tubig, gustung-gusto kong gawin. Hindi ako tinatamad. Kahit maglinis ako ng banyo wag lang yung super dumi mah heart mah soul pls
  • Hindi ko kayang walang ponytail sa right hand ko. Parang earrings din. Feeling ko nakahubad ako kapag wala iyon. Di bale nang walang panty, basta may ponytail. At dapat brown or black siya at Goody ang brand. Yun lang kasi yung ponytail na kaya humawak sa buhok ko. Makapal kasi buhok ko, sing kapal ng mukha mo.
  • Tamad talaga ako sa mall. Hindi mo ako pwedeng kasama lalo na kapag magiikot tayo buong araw. I’ll really just get bored. Mostly, ang ginagawa ko sa mall ay manuod ng sine, kumain, bilyar, tambay at kape, magbasa sa Powerbooks. Yun lang. But never expect me as a girly girl na humaling sa shopping ganyan – kahit window shopping pa yan. Nakakatamad!!! Tamad talaga ako maglakad. Gusto ko chill lang.
  • Speaking of chill lang, personality ko nga ay chill lang. Kahit siguro nagkakagulo or nagkakagera, chill lang ako.
  • Kaya ko lumabas ng bahay na walang make-up pero dapat, may nilagay akong lip balm kasi nga, chappy lips ko. As in kahit pupunta ako sa party ganyan. Hindi nga rin kasi ako mamake-up na tao.
  • Feeling ko I’m at my best beautiful face kapag bagong gising kasi, basta. Hahaha! Sikretong malupet!
  • Hindi ako nagsisimba. Mas naniniwala ako sa personal relationship with God kaysa pumunta sa simbahan na nasa loob ka lang naman ng building at paulit-ulit yung binabasa ng pari. Mas gusto ko actions in terms sa pagiging God-like DotA lang haha, helping other people. Kawang-gawa.
  • Gusto ko lasa ng beer. Never ever na ako ulit iinom ng hard. Naaamoy ko palang, nasusuka na ako.
  • Hindi ako masyado magaling uminom ng tablet. Hindi talaga ako umiinom ng gamot. Kapag malala na ang sakit ko, doon lang.
  • Nalaman kong buntis ako, 5 months na.
  • Gustung-gusto kong gumala sa CAMANAVA area. Hindi pa talaga ako nakakapunta doon. Anyone who wants to make my wish come true?
  • Gusto ko rin pala pumunta sa  Tondo. Basta, sa magugulong part sa Pilipinas na may mga nakawan, patayan. Ewan ko talaga kung bakit. Baka past life ko, baril ako ganyan
  • Kapag nakakakita ako ng aso, gusto ko ampunin. Kahit stray dog pa yan. Kahit may dumi sa katawan. Kahit pilay.😦❤ Mabilis rin ako umiyak sa mga dog movies. Hindi ko actually kaya manuod. Last movie I watched was Hachiko and hindi ko talaga kinaya. Kahit mga posts sa feed ko sa Facebook, hina-hide ko kaagad. Pero gusto ko manuod ng The Secret Life of Pets! Cartoon naman kasi.🙂
  • Hindi ako kumakain ng atay. Lalo na patay.
  • Nakakita na ako ng multo. Dalawang beses na. Isa sa Tanay, kasi inikot namin lakas trip naming magkakaibigan nung time na yun, stations of the cross. Ang itsura niya is bata, may hawak na doll pero natatakpan ng mahabang buhok niya yung mukha niya. Everytime titingin ako sa kanya, palapit siya ng palapit. Second time nakakita ako is sa bahay, lumalapit sa akin na white lady habang nagdadasal kami ng rosary nung uso pa sa pamilya namin mag rosary tuwing October chenes
  • Ayoko ng anything menthol. Yosi na menthol. Ayoko rin yung candy na may laman sa loob. Ewwww. Pero gusto ko ng candy na maanghang kasi
  • Mahilig ako sa maanghang. Basta masarap
  • Masarap ako. HAHAHA jk. Wala na akong mailagay

Ikaw? Ano mga ginagawa mong tingin mo weird para sa ibang tao?

Lahat ito, based sa mga kaibigan ko. As in sinabi nilang, “Ang weird mo!”

Maganda naman na weird. Hindi na sila umapila.

Where Are My Cookies? (Second Supply)

Thanks for the inspiration of your Happy Volume, Miera!

I think it’s in the cookie jar. So aside from my work right now being a recruiter and being a freelance writer na matumal ang projects lately, there’s still another activity that I’ve been wanting to do. I started searching for Airsoft venues and circuit training venues but I think it’s going to be expensive. I tried consulting an office mate regarding the Hit gym in BF (well they have other branches but this is the nearest to my place) where you have P2,000 unlimited for 1 month. I’d say it’s very affordable but when I asked my mom that I plan to do this exercise aside from swimming every Sunday sa clubhouse na umuulan naman so wala ring kwenta talaga plans ko ever she mentioned that I keep on forgetting we have a membership in Slimmers since bata pa pala ako and unlimited siya. Why do I keep on forgetting it? Siguro, mas masarap kasi kumain. So kumbaga, at some point, nadedevelop ang aking healthy living and willingness na magbawas ng timbang.

I think it’s still in the wax paper about to be baked. Well, now that I’ve learned my lesson when it comes to love, and now that I want to really stop turning on my landi mode, here comes another guy na I swear to God, and this is the first time hindi ako lumalandi pabalik. I thought, well, after all that I’ve been through, I deserve to be valued so at least alam naman niyang kailangan niya ako paghirapan. It’s the first time in 3 years na may legit at matinong nanliligaw sa akin. Huhuhu. Siguro kaya din dumating siya kasi hindi ko na ginawang priority ang lalake – nakakapagod na mga bes. Kumbaga dumating siya kasi natuto na ako sa lesson. We’ll see. As of now, I’m still enjoying my time with my daughter, work and friends. I think I need more time to figure things out when it comes to going into another relationship. Pahinga na muna ako. Diyan lang siya. Willing to wait naman daw, asus narinig ko na yan. We’ll see. Eh di kung matiyaga si koya, why not? Pero hindi ko na talaga gagawing priority ang lovelife. Like I said, natuto na ako. There are a lot of things I should be more focused on like fries, pizza and sushi.

I think it’s still in the store. I attended Ninong’s lecture last night as well as with the rest of my extended family and boy does it feel so good! It’s been I think, a month that I haven’t seen them so again I felt rehabilitated again❤ Whenever I’m with them, priceless talaga yung kasiyahan ko. Hindi ko alam kung bakit pero kahit hindi ko sila kadugo, ang sarap ng pakiramdam may mga kabarkada kang matatanda at bata at the same time, family talaga treatment namin sa isa’t isa. Nakakatawa mga conversations namin kagabi feeling ko namiss rin nila ako.

Na-mention ni Ninong na namiss na niya yung pagiging bata ng mga anak niya.

Ninong: Masarap may anak. Nakaka-miss lang kasi ngayon malalaki na kayo *while making gigil sa mukha ni Angel* Minsan, gusto ko kayong yakapin at halikan kaya lang Gel ang dami nang dinaanan na mga babae yang labi mo eh. Buti nung bata ka pa

*bigla akong sumingit*

Anje: Buti nung bata ka pa, labi lang ni Anje. Ngayon, wala eh.

*sabay apir si Ninong sa akin*

Ninong: Gusto ko yang banat mo Anje! Hahaha! Nung bata si Anje lang talaga hinahalikan mo eh. Ikaw naman kasi Anje, nilandi mo agad si Angel.

Anje: Hala siya. Si Gel nauna.

Angel: Anong ako ang nauna? Sinabihan niyo kasi kami na wag sumama sa mga usapang matatanda, sabi niyo mag Tekken lang kami ni Anje dun sa sala. Ayan. Nagumpisa tuloy sa Tekken.

Anje: Pokemon po nilaro niya. Hahaha

Diba? How can you ever see such a family, na kahit nanay ko nga nandun pero okay lang yung mga ganyang usapan?

I remember napagkwentuhan din namin yung situation ni Ate C (won’t mention the name), and then si Ninong and sila tita ay hiningan kami ng mga advice. Yes, kapag mga ganitong times hindi lang matatanda binibigyan nila ng chance magbigay ng advice, kung hindi mga bata din. Ganun ka-open yung family and yung friendship namin sa isa’t isa. Hindi lang puro kalokohan. Marami talagang matututunan.🙂

I think I ate the cookies. Thanks to Globe they gave me a free trial of Spotify Premium kaya one to sawa ako the whole month! Since yesterday morning, wala na kaming ginawa ni Alessandra kundi kumanta ng mga Disney songs while reading the books. Nakakatuwa. At least lessened yung viewing time niya sa YouTube – more of reading and singing lang siya. Actually, yun talaga isa sa mga goals ko, malaman nya mga Disney 90s songs as well as the stories so every night iba-ibang stories binabasa ko sa kanya. Of course, priority ang The Lion King and The Little Mermaid – siyempre, Hakuna Matata and Part of Your World. Both my ultimate favorite.

More additional eating cookie feelings:

Mag-promote lang ako ng mga bloggers na nagpapasaya sa akin personally or kahit sa posts nila.

  • My office mates❤ whatever stress we encounter, we still have each other’s back
    • Cy -Bilib ako sa babaeng ito. Sobrang you can count on her whenever (Please update your site hahaha)
    • Shie– Kahit minsan nasusungitan or binunbully ko, mahal niya parin ako
  • Bloggers
    • Mike na nabuhay muli at kinausap ako galing sa “ermitanyo” mode kuno na ilang araw lang. Hindi niya ako natiis. Hahaha! Pero masaya parati ang usapan kahit alipin na ang pakiramdam niya sa trabaho niya. Lahat naman tayong nagtratrabaho ay alipin, kaya mo yan beshie. (promoting his site kahit matagal na siyang hindi nag-uupdate haha) Excited na ako sa paguwi mo at sa dami mong dalang pasalubong. Yay!!
    • Also, Jim kasi kahit super busy namin eh nakakatuwa na ako parin kinekwentuhan/tinatakbuhan niya when he feels blue. Minsan nakakatawa kasi kapag ako malungkot, masaya siya. Kapag ako naman masaya, siya malungkot. Tapos ang sinasagot ko lang sa kanya, “Gawin mo besh yung sinabi mo sa akin na gawin ko nung problemado ako.” Haha! Binalik ko lang sa kanya. Love you besh! (promoting his site kahit hindi na rin siya naguupdate)
    • Ang supportive na si Kim sa aking mga posts sa Instagram! It brought happiness kasi like ng like si ate girl, thank you!🙂
    • Sa mga masusugid na mga bes na patuloy nagbabasa ng aking entries, sobrang saya ko dahil sa inyo! Kat, Gay, Jolens, Meg at Luna.
    • And may na-discover akong super galing magsulat, The Journal of Disposable Thoughts
    • Isa pang nakakatuwang experience, eh kilala pala ng ex ng pinsan ko si Pots. Kung hindi dahil sa Instragram, hindi ko malalaman! Ang liit ng mundo!
    • Kahit konti lang kayo, hindi matutumbasan yung binuo niyong maraming kasiyahan at friendship sa buhay ko. No joke ito.
    • Yes, masaya kasi I’ve built real and happy friendships with them – bloggers sila!😀 Please follow them kasi mapapasaya ka rin nila tulad ng ginawa nila sa akin😀
    • And nag-link ako sa mga blogs nila kasi sobrang mababait talaga silang tao. Isang patunay na hindi scam ang WordPress, charaught! Hahaha! I’m very lucky to have even met them via passion sa blogging
    • Kung may nakalimutan mo akong i-mention, pasensya po. Nandito naman po kayo sa puso ko🙂

So ang saya saya ko nanaman.😀

Siyempre, thank you Lord!❤

So I hope to share more to you and give you alatta sunshine –  until my next post, until my cookie supply lasts!

Cheers,

Anje

Choker ni Batman

Lahat ng sasabihin ko ay based sa pagsuot ko ng nauusong choker ngayon, na uso nung 90s at nung late 1700s. Na nakikiuso naman ako. Pero napulot ko lang ‘tong choker na ‘to sa bahay eh. Ewan. Baka sa mga ate ko ‘to nung 90s. 2001 kasi ako pinanganak bwahaha asa naman.

5-hm.w529.h352

Naisip ko lang na maraming bagay ang nakakasakal. Minsan tao din.

Tulad ng pagkain. Naisip ko, ano ba yung mga pagkain na sa una akala ko macho-choke slam char ako dahil sa lasa, but in the end nagustuhan ko – at hinahanap hanap ko pa! Bukod sa luto ng Diyos chos

At pinilit ko talagang mai-konek sa suot kong choker na wala naman akong selfie.

Wait bago ang lahat. I have a maikling conyong kwento about a choking incident. Side kwento lang or segue.

Naalala ko, nasa Marinduque kami noon tapos nakatambay ako sa kotse namin I think I was 3 years old that time tapos kasama ko isa kong pinsan at tatay ko. Hindi ko alam bakit kami nakatambay at malayo sa may ilog pero mukhang may inaantay ata kaming pagkain? Not sure, check niyo nalang sa 1993 na CCTV or sa 1993 na GoPro. Well, so ayun nga. Binigyan niya ako ng Maxx na red and voila! Na-choke ako. Hanggang ngayon, hindi parin ako kumakain ng Maxx na red candy, yung chicken sa Max’s syempre iba naman spelling eh. Kasi nga, na-choke ako! Akala ko mamamatay na ako sayang Anje eh di sana walang epal ngayon sa WordPress feed ko, sabi mo noh?

Back to the pagkain kemerloo.

Ito ang mga pagkain na I think masarap pero unusual lalo na sa mga iba diyan na laking aircon.

  1. Coke, ice cream at pandesal – Salamat sa aking extended family dahil isang araw, nagiisip kami ng pwedeng i-meryenda tapos naisip nila ito. Masarap siya. From then on, gusto ko na kumain ng ice cream na nasa pandesal. Before naman kasi gusto ko ice cream sandwich eh kaya lang mga ice cream sandwich eh hindi naman talaga pandesal diba? Like yung mga Korean ice cream sandwich which is soooo good.
  2. Galunggong at banana ketchup – Hindi talaga ako mahilig maglagay ng condiments except with chicken, lumpia or basta yung mga fried. Normally naman mga nilalagyan natin is meat diba, not fish. One time kasi nagbakasyon ako sa “hacienda” namin sa Tanay tapos since 2 months yun, choosy pa ba ako sa kakainin ang importante lang naman eh makasama ko mga pinsan ko at mag-swimming pak tapos nag-ulam sila Tita ng galunggong tapos nagulat ako sa mga pinsan kong gubat na nilagyan nila ng ketchup. Nakakadiri siya sa una pero, napilitan nalang din ako. Minsan hinahanap-hanap ko rin yun. Bukod yung taong gubat ako, mga pagkaing gubat.
  3. Corned beef at sabaw – I don’t know how possible this is but yes, oo. Masarap pala sabawan ang corned beef? Nadiskubre ko ito sa extended family ko lalo na ang Jewel in the Palace namin na si Tita Belen. Lahat ng niluluto niya masarap. Na-try na rin ito ng mga high school friends ko (pero yung sinigang pala niya).
  4. Magpapak ng noodles na hindi luto – Yes, gawawin ng batang 90s though nung hindi ko trip ito kasi parang skwatskwat ng dating pero masarap pala siya. Tapos, iinom ka ng Milo after. Super sarap! Huwag lang siguro siya iluto sa Milo.
  5. Kwek kwekRhymes with pekpek. Masarap siya guys – yung kwek kwek pls. Thrice na ako nakakain ng kwek kwek, salamat sa mga madaliang pagluto. Masarap pala siya!!!
  6. Dugo – Hindi ako kumakain ng atay pero yung dugong iniihaw (actually kahit anong inihaw gusto ko) ay bet na bet ko!!
  7. Lasog na fries – Kahit anong klaseng patatas ipakain mo sa akin sige game ako. Kahit yung galing pa sa basurahan… ng mayayaman dapat.
  8. Taba ng bangus – Di bale nang macholesterol, nasarapan naman. Parang di bale nabuntis, nasarapan naman.
  9. Peach mango pie, Jolly spaghetti, Chickenjoy, Burger Yum – Di kasi ako fan ni Jollibee. Talagang Mcdo ang forever ko pero nang dahil sa caravan, araw-araw Jollibee food namin, hindi na ako magrereklamo. Natutuwa ako at masarap naman siya. Tawid gutom. Charaught!
  10. Poke mo – Hindi ko talaga kaya guys. Mah heart, mah soul I kenat. Joke lang. Hindi ko ito kinakain. Baka ikaw ate girl, kumakain ka?

Ang mga hindi kaya ni Batman (ako) na kainin ay ang mga sumusunod:

  1. Saging tapos kanin
  2. Saging kape tapos kanin
  3. Saging na hindi galing kay Adan HAHAHAHA
  4. Magsasaw ng kahit ano sa suka YUCK TALAGA SORRY. I eat chicharon like plain lang ganyan
  5. Puto. Kumakain ako ng pandesal terno sa dinuguan
  6. Gabi. Kung Gabby Alipe sige kainin ko pero di ko gets thrill kapag kinakain ito ng mga tao.
  7. Ginataang something – basta yung iba iba halo. Wala siyang lasa for me.
  8. Hindi pagkain ito pero kahit sa malayo, sensitive ako sa pag-amoy ko Ferrous Fucking Sulfate. Uminom lang ako nung kailangan ko nung buntis ako but damn god never again.
  9. Dark chocolate or kahit anong pagkain nababalot sa chocolate or kahit anong dessert na mas dominant ang chocolate. Kahit titing chocolate, no thank you.
  10. Somewhat sometimes kindlikesorta tocino. Basta hindi siya yung hahanap-hanapin ko. Pero kung yan nalang ang ulam, sige pagbigyan. Wag nang choosy. Wala na ngang lovelife, wala pang pagkain? Nganga nalang ganyan?

So ikaw, ano yung mga kinakain at hindi mo kinakain?

Straight ka ba? Hahaha! Choke lang😀

Punjdates: Volume 1

Puro Volume 1 keme nanaman ako tapos hindi nanaman masusundan. Baka yung pagaanak lang ang masundan.

Bad weather leads to lazy weather so I’m going to give updates while you lay down your asses doing nothing (at least for some who didn’t want to go to work today hehe)

I’m just going to be a little bit selfish to share you things that I have been doing the past days.

Movie

Badtrip. I really wanted to watch Bourne and Suicide Squad but, I ended up watching How to Be Yours… IT WAS GOOD! Hahaha! I was expecting it would be a typical story but no, the ending got me, “Shocks, ang cute! Hindi ko ineexpect!” Gusto kasi yung mga unpredictable movies or scenes so, okay siya for me🙂

I find this movie very unique because usually, with other movies, it’s always the girl who’s in pain or broken, at least Star Cinema is not a feminist. Hahaha. This movie lets girls value the love of their guys – and how much they can also sacrifice. Ladies, hindi tayo parati ang nasasaktan okay? Nasasaktan din mga lalake.

This is my favorite scene:

Source: pinoyexchange.com

I watched it with my officemates and walang tao masyado sa sinehan. Like, 3 rows lang kami. Isa sa harap, kami tapos yung couple na gumagawa ng milagro sa likod.

20160805_210124.jpg
SM BF lang kami para malapit sa office haha

Coffee, anyone?

TV Series

Netflix has been such a good go to when I-can’t-find-anything-good-to-watch to kill boredom. AND, if you’re really looking for quality series. So aside from Narcos,  American Crime Story, Mr. Robot and The Knick (HBO pala yung The Knick serry nemen)… Here’s one more:

(I want you to watch the trailer first)


I’ve told people in my life a thousand times that I am really not into sci-fi documentaries or movies, but this series really got me. I just finished  episodes 1-4 yesterday and boy does it really make you count chickens. 80s era, and I like the introduction! As much as I want to say more, I don’t want to spoil you. You all have to find it out yourselves😉

If you would ask me who’s my favorite character a bit of pedophilia:

 Gaten Matarazzo as Dustin Henderson❤ He’s only 14 years old!!! He’s so cute!!! (now I want to have a baby boy any volunteers? Charaught)

Also, filling up my watcher’s apetite while waiting for HTGAWM and Game of Thrones.😦

Music

I’m LSS with this song and you might want to get LSS with it as well. (Sabi nga ni Kat, catchy siya – I agree)

I’m a Halsey fan and collaborating with The Chainsmokers just made it more awesome. This song makes you think about the person you like may pagka-kilig factor talaga siya. Lalo na kapag hindi mo kausap crush mo tapos namimiss mo siya, pak ganern.


Work

Well not really about work. Actually, we’re not having good foot traffic of applicants because of the weather so I’m here right now, blogging and waiting for few interviews though we’ve also been focusing on our presentation for our team building this coming 20th. Makati, Pasay and Sucat are counted as one group and we practiced last Sunday so here’s a photo of us (but incomplete because some did not attend the practice).

img_20160807_193731.jpg
Marco, Gigi, Shie, Ms. Inna, me, Gelo, Louise, Arjoy, Arianne, Nancy, Cy, Ms. Pretz and Shel [Credits to Marco for this photo]
Cy suprised us with kisses! I don’t like chocolates though but this is such a sweet way of taking out all of our stress lately. Thanks Cy!❤

20160803_101857.jpg
Oh diba, kahit sa work, WordPress parin ang nasa work pc ko

Alessandra

She’s going to have another field trip on September! Good gracious hindi sa Manila Zoo! as of now hindi sa Manila Zoo pero in time shit nakakatakot.

Oh by the way, did you know she’s a bully? I don’t know if she got “the bullying” from me but every time I arrive home kissing and hugging her, she makes a snake action with her hands and puts a lot of “Ssss” sound which isn’t really funny. I think she’s an exception and I can’t get mad at her. What if she starts going home late and tells me she’s going to do a “group project” and then I tell her she’s grounded then she does that snake action, how how how do I deal with it? Hahaha! Kalokang bata, so pilya!

I bought her big puzzles of her favorite Disney characters and I couldn’t be more proud! I just gave her the puzzles and I swear to god, she immediately finished the puzzles all by herself  don’t wanna be all by myself anymoooooooore – walang turo-turo fishball ganern

20160807_211658.jpg
She has to hold a tissue roll and be independent because we’re both sick😦

Friends/Family

How sweet of my extended family bringing me chocolates nanaman na hindi nga ako mahilig sa chocolates but it’s the thought that counts, sige na nga. Hahaha! Feeling ko miss na nila ako kasi matagal na akong hindi nagpapakita.

20160807_110126.jpg
Especially kay Ate Anne, thank you❤

 

Funny talaga everytime I have conversations with the squad.😀

screenshot_2016-08-01-20-21-38.pngscreenshot_2016-08-01-20-21-43.png

Pokemon Go

Enjoy na enjoy ako maglaro mga bes

screenshot_2016-08-06-21-01-01.png

Kailangan ko na siguro mag-delete ng maraming porn sa phone ko. Bwahaha

Dumalaw si Chunick sa amin last Saturday tapos ganito naging conversation:

Me: Omg babyboy salamat binisita mo kami!!!

: Hindi, may Pokestop kasi dito eh.

Wow. Thanks sa friendship.

Balasaur, Drogachu at Katotohananigglypuff

capture_decran_2015-09-17_a_17.08.04

Dahil uso ang barilan, patayan at Pokemon…

Dahil punung-puno na ako sa kagaguhan ng utak ni De Lima at wala akong paki kung mabasa ito ng mga kaibigan kong sang-ayon kay De Lima at kung magsamba sa kanilang administrasyong Aquino, ay kala mo’y kababait na tao ito ay opinyon ko lamang at kung opposed ka sa akin, eh pwede mo nang isara ang browser. Ganung ka-simple.

Taglish muna tayo sa part na ito kasi nakakagigil and tuluy-tuloy kasi thoughts ko wag lang u-thoughts. Like what I’ve reposted (kuya Apo’s blog entry about his open letter to De Lima), maglalagay lang ako ng mga additional or similar views ko about dito.

Mas gusto ko na piliiin yung taong aksyon agad, may prinsipyo at walang tinatagong kaplastikan. Lalung-lalo na ang taong kayang mamatay ipaglaban lang ang kaginhawaan ng bayan.

Hindi porkit pinatay ang isang tao eh tinanggalan na natin siya ng karapatan ipaglaban ang sarili niya. Ang tanong ko sa iyo: Ano karapatan niyang patayin ang sarili niyang katawan? Human rights? Ha? Right to get high and make money out of illegal drugs, ang saya.

Gusto ko ‘tong patayan. Let’s get straight to the point. Wag na maraming facts at iba pang kemerloo. Layman’s terms dapat. Magpapakalalake ako ngayon at hindi magiinarte na parang babae.

Common sense naman and let’s look at the bigger picture (say cheese para sa picture!)

Kapag pinatay ang drug pusher/user/drug lord, matatapos na ang pagkalat ng drugs. Kapag natapos ang pagkalat ng drugs, matatapos na masira ang mga utak ng mga tao. Kapag nasisira kasi ang utak ng mga tao, marami itong pwedeng gawin tulad ng: pumatay ng ibang tao, mag-utos pumatay ng tao at magpakamatay.

Tanong: Ano ang magandang dulot nito?

“Pwede naman sila ilagay sa rehab eh.”

Anak ng pating na nag-shabu naman oh. Babawasan mo pa tax ko? Magbabayad ako sa mga gagong nag-adik at mga gagong pumili na sirain nila buhay nila? Magbabayad ako para ayusin nila buhay nila? Eh sinira nga nila, ako pa magaayos? Hindi ako fixer. Lalung-lalo na hindi ko accountability ang kagaguhan na ginawa niya sa buhay niya. Mababawasan ako ng 3k every cutoff magtino lang sila? Oks lang kayo mga bes?

Tanong: Ang taong kinukulong o nirerehab ay fully bang nagpapakatino? Or “nagpapakatino” kuno sa kulungan – eh kasi nga, nalalagyan din ang mga warden at mga taga-bantay nila.

Tanong ko ulit: Kung marami kang ikukulong at ipaparehab, bes medyo dadami lang yung korupsyon sa kulungan. Ang saya, hanggang kulungan nababayaran mga tao. Natino nga sa paggamit ng droga, pero in general tumino ba ang pagkatao? Hindi mga bes, hindi.

“Paano naman yung mga willing magbago?”

They should’ve not taken drugs in the first place. Second chance? Ang taong gusto talaga ng pagbabago sa sarili ay una palang – alam na ang tama at mali. Kung alam mong mali naman pala mag-droga, bakit kailangan pa ipaabot sa rason na, “Willing naman po ako magbago.” Ang pagbebenta o pagiging lulong sa droga – yung ito palang mali na, nasaan yung thought ng willingness to change? Nagbibigay lang yang phrase na yan para ma-justify yung ginawa? Ka-ululan.

Kung ang isang bagay ay nagmula sa pagkakamali, una palang magiging mali na lahat yan.

“Nasaan ang mga ebidensya sa nakalista?”

Siguro hindi ganyan katapang humarap si Digong sa buong bayan para ipahiya niya sarili niya. Hindi yan magsasabi o maglalabas na walang ebidensya.

“Hindi maka-Diyos ang gawain na ito.”

Please define ang maka-Diyos. Sa pagkakaintindi ko, ang pagiging maka-Diyos ay pagmamahal sa ibang tao. Bigyan kita ng scenario, para gumana yang analogykemerloo mo sa utak mo.

Mamimili ka lang sa dalawa:

  • Mamamatay ang konting porsyento ng mga taong dumadagdag sa krimen araw-araw at maraming masasalbang buhay dahil wala nang mga adik
  • Hindi papatayin ang mga adik, ipapatawad sila at kung ano man proyekto para man lang mabuhay sila pero mananatili sila sa selda nako po yung baon ko po nila pero nagkakabayaran parin ng mga droga tapos hanggang sa dumami na sila, kakalat ulit ang droga

So kung ikaw ang Diyos, ano mas pipiliin mo? (And since sobrang mapagmahal ka), siyempre siguro yung mga taong maraming masasalba diba? Siyempre, kahit pantay-pantay ang tingin sa atin ng Diyos, binigyan niya parin tayo ng kakayahan mamili ng mga desisyon natin para din may hangganan tayo at hindi mang-abuso.

Diba, it’s always the greater good. Bigla ko naalala yung kumakalat na video dati sa YouTube – not sure if you remember this though yung tatay, he sacrificed his son na maipit ang train para lang hindi malaglag ang mga tao sa train.

Hirap kasi sa mga Pinoy, may ginawa na nga, may reklamo pa rin. Walang ginawa, reklamo parin. Eh kung kayo nalang kaya gumawa?

Tanong: Ano pa ba mapapakinabangan sa buhay na adik? Isa-alang alang na rin natin mga adik na nasa kalye – mostly mga taong grasa na nasobrahan na rin sa droga. Ano pa bang silbi nila? Eh sira na mga jutaks nga nila. Harang sa daan, gastos sa pagpapa-develop ng rehabilitation center naks siyempre pala kapag nangyari ito, marami nanaman sila makukurakot.

Huli kong tanong sa mga naiinis sa mga patayan: Handa mamatay ang presidente natin, yun pa lang ulam na. Eh ikaw? Tanong mo nga sarili mo, handa ka ba mamatay para sa ikabubuti ng bayan? O puro satsat ka lang din? Kontra sa ganito, kontra sa ganyan. Magsama kayo ni De Lima at mag-shopping ng maraming scarf. Try niyo sa kulungan, baka marami doon. Total lahat naman dun kayang bayaran.

Isipin niyo, ilang araw palang siya gaano na kadami mga ginawa niya. At ito pa, hands-on. Siya mismo pumpunta sa mga lugar para magbigay ng mga speech. Naranasan niyo ba ganyang ka hands-on na presidente?

And just to add, I don’t think na drugs lang main problem ng ating bansa. There are more things we have to focus on like yung ayusin mo trabaho mo, lovelife mo, finances mo etc. Kidding aside, marami pang problema ang bansa na sa loob ng ilang araw, umaakyson na siya at hindi puro sisi sa nakaraang administrasyon at hindi rin puro satsat.

Please see below:

“Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.”

– Original Panatang Makabayan

Handa mamatay ang presidente natin, yun pa lang ulam na. Eh ikaw? Tanong mo nga sarili mo, handa ka ba mamatay para sa ikabubuti ng bayan? Ako oo. Pero joke lang Lord, wag muna ngayon busy pa akez. Hehe

Kung may mga tanong pa kayo or gusto niyo makipagaway ng opinyon charaught lang di naman ako papatol ng sobrang malala, mag-comment lang kayo sa comments section.

Featured photo from Pulp Fiction (1994) | Source Google