Limang Krisis

Maraming klase ng krisis, at ang mga sasabihin ko eh…
1. Krisis sa ref namin.
Sino ba ang matutuwa na sira ang ref niyo? Dalawang araw na! Ngayon ko lang nalaman ang halaga ni Mr. Whirlpool. Taena. At ang kinakatakutan ko? [naaalala ko yung prof namin sa Filip, si Ms. Catacutan hahaha], na matunaw ang isang box ng Snickers na padala ng erpats ko! Anak ng shower naman! Hindi ko yata kayang kumain na tunaw na Snickers. Ang paborito kong tsokolate. Ito pa yung malubha eh, nagbabaha pa sa indoor kitchen namin! So kabilang na yung tumutulo sa kwarto ko, at kabilang na yung utak kong may tulo, bahang-baha na dito! Treatment ko nga ang tubig pero hindi ko sinabi na ubusin ang kagamitan sa bahay namin gamit ang punyetang tubig!
Good news. Nag-order na si ermats ng ref. Dadating na yata bukas. Hay salamat.
Baka bad news. Baka naman pagdating nung ref eh tunaw na ang papa Snickers ko. Huhu :(

2. Krisis ng kuryente
Okay din prof ko sa Natsci eh. Kailangan daw mabawasan ng P500 ang bill ng kuryente namin. At kapag nabawasan yun, exempted kami sa finals. WOW pare bigat!
Ang ang nakakaasar? Kinabukasan, binalita sa radyo na magtataas ang singil ng kuryente.
ISA PA. WOW PARE. BIGAT.

3. Krisis sa aking pangalan

Hindi ko alam bakit may mga tao paring nagkakamaling i-spell ang dakila kong pangalan! Dalawa lang naman ang tamang spelling eh! ANJE at UNJEH. Mahirap bang tandaan yun?! Naalala ko tuloy sa Zobel, nakailang-reco na kami’t lahat, may mga batchmates parin akong hindi marunong i-spell ang pangalan ko. At, akala ko mawawala na sa college yun, pero hanep mga panget! May ANGE parin! Anak ng shower kayo!!

4. Krisis sa pagka-Berde

Hindi na talaga matatanggal ang trademark kong yan. Konektado sa maling pagka-spell ng aking pangalan, kung anu-ano ang mga sinulat ng mga blockmate ko sa akin. [nagka-activity kasi kanina sa Dynarel, bibinyagan daw o i-dedescribe ang blockmate, chever chever basta ganun]
At ito ang kanilang mga sinulat: (yung iba, pare-pareho lang)
funny/kind = TOTOO, TOTOO. HAHA. | Ange the green = maling spelling, kakasabi ko lang | the green archer | anje the happy -go-lucky | helpful and advicesable person = TOTOO, TOTOO! HAHA wrong spelling pa amp | the kind | Anje the green | Anje “the goddess” | Unjehbs | Anjerware Anjies | approachable = wah, pag uutang sila haha | Anjelibog! blogger = tumama na din | Unjeh the blogger | Anje Anjeloserrr! Anjeloserness of losers HAHA = malamang si Dherick naglagay nyan, amp | Like a virgin = si Chibz nagsulat nito | Anje the green headed freak = kailan naging berde ang kulay ng ulo ko? | Anje the green!! | Anje the green-lover | Anje the berde | Green? = aba nagtanong pa | Greenergy = mga apat nagsulat nito | Sweet… sweet GREEN | simple conservative = TOTOO! WAHAHA | Anje “green-minded” “lasalista” | greenminded | UNJEHWEAR THE BLOGGER = mali pa, si Sam nagsulat nyan | green | Anjebs

Pansin nyo? Kulang na lang ilagay nila yung Greek, Hebrew, Chinese, Japanese at African word ng GREEN? Amp.

5. Krisis sa pag-ibig
Sa sinabi ko nga sa huling post ko, pag tinignan mo ang YM ko ngayon tapos yung mga stat ng mga tao, HEARTBROKEN. EMONESS nanaman. Haha. Tapos ang stat ko ngayon, “Why is everyone HEARTBROKEN?!”, nag-react naman si Sam at Nando na hindi naman daw. Haha. Sabi ko, mostly lang :) tapos tinanong ako ni Sam kung heartbroken ba daw ako, sabi ko wala akong paki. :))
Hindi lang yun, mga kaibigan ko talaga, seryoso. Sinira o nanira ng puso. Hayyyy. Mag-aral kasi muna! (yuck, parang totoo lang. haha) inuman na lang!

3 YEARS & 4 MONTHS counting na kami ng twin soul ko <3 0=)
Libing kanina ni lola Juliana :( hindi ako nakapunta pero ipagdadasal ko naman
Nagpapasalamat ako kay Karla sa pag-adjust kagabi ng layout ko para sa multiply. :)
At umuulan. Shower talaga. Anak ng shower.

Advertisements

6 thoughts on “Limang Krisis

  1. <>@Jenny:<> HAHA! sinabi mo pa! hindi ko na mabilang! benta talaga yung pag tinignan mo yung stat ng mga tao the whole week! whoo! pero, syempre tayo hindi first love rocks! dba dba? :>

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s