Tsi-tsinelasin kitang hayop ka!

Hindi ko alam kung bakit ang daming nagkakandarapa dito.
Oo, alam kong matagal na ito. At wala ako nito.


Una ko itong nakita sa magasin, Pink yun issue ng April 2005. Si Bianca Gonzales yung cover girl. Nagandahan ako, pero hanggang dun na lang. Naisipan ko rin bumili, pero hanggang dun na rin lang.

May isang pangyayari. Isang kwento ng aking kaibigan. Habang nasa Town daw sila, naka-uniform pa sila nun, so malamang, kilala naman ng mga tao ang uniform ng Zobel diba. Anyhoo, pinagtatawanan daw siya at ang mga kasama niya na parang ganito, “Ngek, bakit naka-tsinelas lang sila? Diba mga taga Zobel yan? HAHAHA.” aba. Akala mo kung sino. Haha. Hindi nila alam, P900+ ang halaga ng suot nila. Hayup. Pahiya na siguro yung mga yun ngayon.

Pag tinatanong ko yung mga tao bakit gustung-gusto nila ang Havaianas, sinasabi nila malambot daw sa paa. Oo, sang-ayon ako dun.

Pero sa dami na ng gumagamit ngayon, nakakairita nang tignan. Ako kasi yung tipo ng tao na pag masyado nang maka-masa ang isang bagay, pinandidirihan ko na. Tulad lang ng mga banda tapos yung mga kanta nila, yung tipong patok na patok sa kanila, eh para sa akin laos na, laspag na o sobrang nakakasawa nang tignan. In short, posers.

Pwede mo ring sabihin na posibleng poser din ako dahil mas prefer ko ang mga nasa baba, kaya lang, mas konti naman ang mga gumagamit at hindi nakakadiri! Hindi ka mukhang total poser. Haha.


Mas prefer ko pa sa inyo ang Ipanema, Billabong, Roxy, o Quiksilver.

(huwag niyo lang ilalapit ang mga yan sa alaga niyong aso, dahil ang isa kong Billabong eh kinain. Punyemas. Naawa sa akin at may tinira pa, kinain niya lang yung potaenang strap.)
Oo, Ipanema at Billabong lover ako eh. Hindi naman sa ayaw ko ng Roxy pero masyadong FOR GIRLS talaga. Gusto ko yung medyo maangas. Haha.

Ito pa yung nakakatawa, ang dami na ring nagbebenta ng mga fake board shorts, shirts at trucker caps or caps. Gulat nga ako pati jacket meron na eh. Whew. Wadapak. Tapos malamang, ang dami nang posers ang nagsusuot. Kakalungkot. Tsk tsk.

Minsan naman pag nakasakay ako sa bus, tinitignan ko yung mga suot ng mga tao. Ang dami na nga talagang naka-Havaianas. Or Havs, ang tawag namin. Parang ewan ko kung peke mga suot nila, wala kasi sa itsura nilang sosyal sila.

HAVANA. HAWAIANAS. Ang daming eklavoo. Sa mga tiange. Haha. Fake kung fake.

Bottom line: Maging kakaiba ka kahit papaano. Hindi lang sa materyal na bagay, kung hindi pati na rin sa pananaw sa mga materyal na bagay. Maging praktikal. (parang praktikal ako. Haha. Ang gastos ko nga) Pero, I mean, hindi porkit yun yung uso, game ka na. Ako, binibili ko yun Ipanema at Billabong kasi quality ang habol ko, hindi dun sa popularidad ng footwear na yun. Tska ayoko talaga yung madami nang gumagamit! Nakakadiri! Haha (parang sinabi ko na rin yan kanina.)

Be unique. Be Practical. Be nondo. :| Be Happy. Sa Jollibee. :))

Advertisements

13 thoughts on “Tsi-tsinelasin kitang hayop ka!

  1. i don’t get it as well, is it just because of the price? like everything else, anyways, di lang naman dyan nangyayari yan, perfect example sa cellphone na lang, kahit di naman suited ang silbi ng cellphone sakanila binibili pa din kasi it costs more. . . prices of the commodities dictates fashion nowadays. i’d like to see the old times where the prices doesn’t matter. It’s in the “fashion” itself. hmmm, anyways among guys, cool na pag naka nike ka na tsinelas, eh ganun din naman ang silbi ng ibang mga tsinelas na nagkalat dyan, mas astig pa designs.. . ohhh, one more thing damay na din dyan ung mga brands eh, mahilig ang pinoy na mang imitate ng brand, wala kasi silang tiwala na maganda ang gawa nila. nyahahah, nicely done! sapul ang nakararami! ciao!

    Like

  2. <>@Xpact:<> Yeah. I guess they’re after the price because when you wear it, you’re rich. That’s the connotation for them. Yeah, but it’s a cellphone, not a slipper that can be easily destroyed via tumbang preso. HAHA. Yeah, well, the economy is digging its grave, damned prices. Oo nga! HAHA. Tulad na lang ng Islander. Pero, syempre, if you wear Nike, it’s different parin. HAHAHA. You know naman mga Pinoy, pero kailangan na nating masanay. Ganun talaga eh. Yan ang hirap sa ating mga Pinoy, mas mahal natin ang mga gawa ng ibang bansa. Eh bakit ba? Mas ok naman kasi ang quality. Hay, makapag aral nga ng BS-SHOEMAKER. HAHAHAHA :)

    Like

  3. Sabaw na sabaw na nga. Hahahaha :) Yun na lang ginagawa ko. Amp siya. Unpredictable masyado. Nagpapa-miss ata. Hahaha :) Pag madami kang quotes coming from me, that means I’m bored. :)

    Like

  4. Ganun talaga eh. Yaan na natin siya. Lalapit un pag kelangan na nya talaga ako. Hahaha :)Bored, oo lalo na pag review time na namin. Busy kasi self-review na ako eh. Hahahaha :)

    Like

  5. Hi Angie! what happened to your blogs??? new blog na naman ‘to ah… konting posts pa lang. I miss reading your blog as well. Nabusy talaga ako… please visit my travel blog kung may time ka. http://happysteps.netAng cute nga ng mga designs ng Ipanema… kaya lang wala silang high-heeled flipflops yata? Meron din nagsuggest ng Dupe, from Brazil din daw.

    Like

  6. <>@Cez<>: Haha. Pansin ko nga sa stat mo ngayon eh. Hmm. Eh di may something din sya for you kung ganun! HAHA. :) bored ka na nun? Nagrereview ka? Ako? Hindi nga ako makapag-gm pag nag-aaral ako eh. Pwera na lang pag katext ko si Gel. Haha.

    Like

  7. <>@Carey:<> It’s Anje! Not ANJIE! HAHA. :) Anyhoo, I deleted the others. Actually, I was active blogging in Multiply, but I missed Blogspot, so yeah there :) looks like you’re really busy. I envy you! TRAVELER! :)) Okay, I’ll link and visit it. :)Yeah, I LOVE IPANEMA. HAHA. Yeap, I have Dupe too. Forgot to put that :| Dupe and Havs are most likely the same :| have the same company daw eh. Not sure. Something like that :)

    Like

  8. naman, hindi lang naman sa cost yan, or dahil gusto lang nila magyabang na maganda ang mga tsinelas nila.take ipanema for example, would cost you thousands of pesosessess pero naman the quality astig. kahit yung havs, masarap isuot.teka,makabili nga.. lol

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s