Ang kahulugan ng paglalakad

Naglalakad na amats. Sabi ko hindi na ako iinom. Pero nagyaya si Dherick. Ganito ang nangyari.
D: Inom tayo. Sama ka.
Anje: Ako?!
D: *tungo*
Anje: Sige sama ako pero hindi ako iinom.
Asa pa. Dahil sa dakilang Extra Joss with Red Horse ni Chibz, at bigay na bote ni Lexa. Tatanggi pa ba ako? At ang nangyari? Karma’s a bitch. Sabi ko hindi na ako iinom. Ayun. Nung pauwi na ako, natulog ako sa bus. Gumising ako nasa Coastal na. Sabi ko sa sarili ko, “Nyak Coastal pa lang pala. Makatulog nga ulit.” Ayun. Wala akong malay.
Conductor: Ma’am, saan po kayo dapat bababa? Nakatulog na po yata kayo. Papunta na po kami sa paradahan ng bus.
Anje: Ahh. Southland. HAHAHAHA. Oo, nakatulog.
Conductor: Lapit lang yun Ma’am. Lakarin niyo lang po.
Hindi ko alam kung Moonwalk yun. Basta. Tinamad ako. Nag-jeep ako. Ang init eh. Ang saya palang mawala. :))

Mga murahan sa paglalakad. Umagang-umaga nagmumurahan na mga tao. Pano, yung bus na sinaskyan ko eh muntikan na masagasaan yung isang nagmomotor.
Nagmomotor: ANG YABANG MO AH!
Bus driver: GAGO KA!
Kanina naman, nung pauwi ako…
May taxi na tumatabi sa may paradahan, eh may lalakeng padaan.
Lalakeng padaan: *tinuro at inangasan*
Taxi driver: (malamang hindi ko nakita kasi nasa loob sya at mabilis yung sinasakyan kong bus.)
Yun lang. Bow.

Naglalakad na limewire
. Inumpisahan ito ni Angel. Magaling. May iPod video kasi siya. Take advantage din kasi nga daw may DSL na kami. Kung sa bagay, may point siya. Ayun, nagpapa-download na sa akin ng mga videos at mga kanta. Eh sorry siya hindi Limewire ang gamit ko. Hindi ko ma-gets yung Java shit sa Limewire na yan at hindi ko madownload-download. Next? Si Wrap. Kanina, binigay niya yung flash drive niya sa akin, nagtataka ako kung bakit. Yun pala, papadown-load daw. Sorry din siya, sa aimini ako kumukuha, konti lang tuloy nakuha ko. Haha. Masyado kasing advanced mga songs niya eh. Hindi pa lumalabas. At ang huli? Si Joanna. Nice Joanna. Nagpasend sa akin ng mga La Salle chever. Ayos. Dakilang naglalakad na ako na limewire.

Isa pa. Napapansin ko sa jeep na tamad talaga mga Pilipino. Yung tipong, yung inaabutan ng bayad para ibigay sa driver, ayaw pang kunin. Magpapakiramdaman muna sa mga iba kung kukunin o hindi. Sus. Hindi man lang nahiya. Will it take a lifetime for them just to get that effin coins? GRABE. Ganun na lang, kinakatamaran pa. Tapos reklamo kayo ng reklamo na walang kwenta ang gobyerno at walang pagbabago sa bansa. Eh ultimo kayo, tamad. Ultimo kayo, puro sisi at reklamo kaysa sa inyo mag-umpisa yung pagbabago. Taena. Ako lang ang may karapatang magreklamo dahil may ginagawa akong pagbabago! Haha.

Maikling silip sa aking buhay pag-ibig. Kanina sa Dynarel, may acitivity kami na sa isang short bond, yung left part, de-describe mo yung family mo. Sa right naman, magsusulat ka ng letter sa isang taong nakasakit sa’yo, o pinagalit ka. Basta parang ganun. Tapos sa letter na yun, sasabihin mo yung gusto mong sabihin dun sa taong yun. Kung paano ka niya sinaktan and stuff. Syempre, siya ang nauna kong naisip. Eh di yun. Mangiyak-ngiyak ako kanina nung sinusulat ko. Buti andun mga kaibigan ko.
Natatawa nga ako sa kanya kagabi kasi biglang nag-pm siya tapos sabi niya, “talaga lang ah. hahaha.” Ang sinasabi nya pala eh tungkol sa isang bulletin post ko sa Friendster. Yung, ‘Do you always tell your feelings or hide them?’ Parang ganun, tapos sagot ko, ‘YEP’ parang ganun din yata. Tapos hindi siya naniniwala. Mali sinagot ko kagabi. Dapat sinagot ko siya ng, “Eh kasi, I just share my feelings to those people who’d listen and understand what I feel. Ayoko mag-share sa mga tao yung parang isip-bata kausap at walang kwenta lang mga sinasabi mo. Mga insensitive.”
Diba? Sayang. Hindi ko naisip sabihin yun. Tama naman ako. Kaya wag siyang magtaka bakit hindi ako ganun sa kanya, kasi alam ko na pag may gusto akong sabihin sa kanya, binabalewala niya lang, o ayaw niyang intindihin o nagpapakaisip-bata siya o bitter siya. Ay oo, tama. Balewala na pala ako, so why am I still talking about it?
Tapos nung kinamusta ko si Lola kanina, kinamusta niya rin siya. Kung nagkikita pa raw ba kami and stuff. Sabi ko hindi na. O nagkakatext. Haha.
Tska sa tingin kong okay naman sya at masaya. Alam kong masaya siya palagi pero, ang sinasabi kong kasiyahan niya eh yung ibang taong nagpapasaya sa kanya. Okay na yun. At least diba masaya siya sa kanya kaysa naman sa akin tapos nasasaktan lang? Wag na uy. Magpakasaya na lang siya. Naka-naks. Iba na. Ganun lang yun. Parang nanaginip lang. Okay lang. Sanay na ako. :))
Tama sila, tama na yung pag-aantay ko sa wala.
May mas deserving para sa kanya, AT. HINDI. AKO. YUN. PERIOD.
Tama na ito, wag na muling pag-usapan. Move on horseshit, move on. :)

Akala ko MAIKLING SILIP? Mukhang lahat eh :))

At napasin daw nilang lahat, ang hilig ko daw sa mga immature?! OO NGA! HUWAYYY :( HAHAHA! Mukhang yung susunod, sobra naman sa pagka-mature. Lol. :|

WAAH, tama na Anje. TAMA NA.

Advertisements

14 thoughts on “Ang kahulugan ng paglalakad

  1. LOL. nakatulog rin ako sa bus dahil sa sobrang pagod at nagising ako dun na sa bus terminal…biglang na disoriented dahil ako na lang mag-isa naiwan sa bus. hehehe… sige na nga … ANJE na nga. :) thanks for dropping by my travel blog. and nope, am not rich. it just happened that i have 2 sisters living in europe at sila mostly tumulong sa pagpunta ko dun. mga blessings galing kay Lord, di ba. so there… anyway, i know you will have your time soon. ;)

    Like

  2. something-something. I still don’t know. Hahaha :) Inconsistent pa din eh. Parang ewan. Bahala na. Kaya ko pa naman tiisin ung loko-lokong yun eh.pangit talaga ng october. ngaun ko lang na-feel. Hahahaha :)

    Like

  3. <>@Carey:<> Saang bus terminal?! Nakakatako kaya. What if ma-rape ka? Pero actually, dapat hindi sila matakot sa akin kasi ako yung mang-ra-rape! AHAHA!Yhey, Anje talaga! Ayoko ng Angie parang taga-probinsya :)) sure sure, anytime :) that’s why. Okay, I have to meet your sisters. haha. wait lang, so live in Europe na? :) YEAH, HOPEFULLY. Actually, my US Visa is expiring this October :(

    Like

  4. <>@Cez:<> Hay. Mga lalake talaga. Okay lang yan. Go with the flow. Ako nga din eh.. There's this guy, he treats me different talaga from the other girls in the class, but I don't want to assume agad-agad eh. It's hard, but kilig moments eh! :)) hey! don't deny! I know you have kilig moments too! :”>See? HAHA. Everyone's hating it.. Ilang days na lang at matatapos na din yan. Don't worry. How's the exam? :)

    Like

  5. Yup, go with the flow lang talaga. We’re still fine pa naman eh. Pissed ng onti pero di na katulad nung past few days. I have lots of kilig moments talaga. Hahahaha :) Pero meron din inis moments. Hahaha :DThe exam was absolutely fine. I passed it and he passed it as well. :) Thank God for that.

    Like

  6. Yeah, that is so our motto! Haha :) Awww. What's important is you guys are getting along better :) Balanced lang yun! Inis at kilig moments! AT take note of this: Pag iniinis ka, it means meron talaga! :)) that's what I think. :>EH DI AYOS! PAINOM KA NA! :)) yiheee. Baka naman pinakopya mo. Lol.

    Like

  7. hahaha hey ahaha wooaahhh wOwwww.. so u cant really say NO to drinking huh? haha! see what happens when u drink?? hahahaha that’s a really funny experience haha! so is trauma isn’t striking u yet?? hahahaha. but good thing nothing bad happened to you. be careful next time!! and try controlling urself with beer :)) hahahahaha

    Like

  8. <>@Roanna:<> I really can’t :( HAHA. Yeah! Lesson learned: I have to be with someone when I go home. Not yet. HAHAHA. Dapat nga after class kanina we were gonna drink, I told them next week na lang :)Yeah, I will. Thanks :) Ok, not beer, just gin, rhum etc.. :))

    Like

  9. Yeah, motto natin yun. Hahahaha :) Better nga ba? Hahaha :) Ewan ko. Di na ako makatiis. Amp. Nakaka-miss. Hahahahaha :) I’ll swallow my pride na lang.Di ko siya pinakopya noh? Magkaiba kami ng room nun. As a matter of fact, mas mataas pa ung score nya sakin

    Like

  10. Di ko alam kung anong name ng bus terminal basta sa Thailand yun nangyari. Thank God nakauwi ako safely after using some survival Thai phrases when I asked for directions.Taga-probinsya naman ako ah… batang Negros ako. Anyway, am here in pinas na. Better use that US visa asap! :D I think you can apply for extension, tama ba?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s