Love to the fullest

Last week, nanaginip ako. Malamang. Tao ako eh. Nananaginip ako. Amp. Hindi yun yung point ko. Nanaginip akong kasama ko si Ayie. Nasa MOA yata kami nun. Ewan ko, eh mukhang MOA eh, eh di MOA! :)) Tapos may sunod ng sunod sa amin, yun pala kukunin yung bag ko. Basically, hold-up. Buyset. Eh di siyempre binigay ko. Dun na natapos yung panaginip. Siyempre paggising ko kinabahan ako kasi never pa nangyari yun. Yung ma-hold-up ako or manakawan. Whoo.

Kaninang mga 2 ng madaling araw, nanaginip ako ulit. Ayun, kasama ko ulit si Ayie. AT taran! Nasa MOA nanaman kami. Eh di lakad ever kami tapos may sunod nanaman ng sunod sa amin. Siyempre, ako naman binibilisan ko yung lakad ko. Hanggang hindi na talaga tumigil yung buntot. Tapos biglang sasaksakin si Ayie. ERRR! Sabi ko dun sa mananaksak ako na lang. Tapos hindi pumayag si Ayie, siya na lang daw. ERRR talaga :-s Insist ako ng insist na ako na lang, ayaw niya talaga. Sabi niya tumakbo na lang daw ako. Bago ako tumakbo, niyakap ko siya ng mahigpit. Tapos may sinabi ako. Sa ngayon, hindi ko na maalala yung exact words pero yung point naaalala ko. (Ang weird talaga ng panaginip. Syempre, sasaksakin na sya pero parang dun sa mananaksak, ok lang na mag-usap muna kami. Haha.) Ayun. Eh di yung point ng sinabi ko is parang ganito, “Wag mong kakalimutan na nandyan si GOD lagi para sa’yo tsaka mahal na mahal kita.” O DIBA. ANG DRAMA. :)) Yung scene after nun, nasa loob na ako ng ambulance tapos nakahiga siya. Nakabalot na siya nung puting kumot. Tapos nung tinignan ko, ang laki nung saksak niya sa likod. :(((((( Siyempre, iyak na ako ng iyak. Minumura ko na yung putang inang driver ng ambulance kasi ang traffic! Ang bagal niya dumiskarte! Hello! Tapos yung katabi ko naman na dapat ginagamot siya, NR amputa! Grabe.

Gumising ako ng mga 2:51 am. Iyak ako ng iyak. Seryoso. As in fucked up tears talaga. Tapos tinext ko siya. Tska na-freak out na rin ako kasi buong gabi hindi siya nagtext. Alam mo naman ako, SI MS. PARANOID. :| Sobrang ginusto kong hindi na ulit matulog! Ayoko nang matulog! Baka matuloy pa yung panaginip ko! WAH. :((

Pero siyempre, hindi dyan nagtatapos ang istorya. Marami rin akong na-realize na bagay. Ewan ko. Ilang beses na ba kami nag-break? Hindi ko alam. Tapos isipin mo yun, dati inaaway away ko siya, para akong gago. Tapos bawing-bawi nung nagkabalikan kami ulit kasi SOBRANG HINDI AKO YUNG DATI. Hindi ko alam kung sinaniban ako eh. I trust him na sobra. I understand him. I’m patient. Ewan ko ba. Then, I’m loving him more each day. Kaya feeling ko, yung panaginip kong yun, it’s for me to realize na I should love him to the fullest ’cause I might not know when he’ll be gone. Kasi diba, may mga tao na pag nawala yung minamahal nila, dun lang nila mare-realize yung worth nila. Hay talaga. Hanggang pagpasok ko ng school tulala ako eh. Hanggang ngayon tulala parin ako.

Nyetang panaginip. Hindi nakakatuwa! Pero at least, ang dami kong natutunan diba?

At hindi lang yun, na-realize ko sa panaginip na yun, na kaya ko na palang mamatay para sa kanya. AT pag ganun ang nararamdaman ko sa tao, naku, iba na yun. SWEAR. :|

GUMAGANON :D

Advertisements

3 thoughts on “Love to the fullest

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s