Hindi ako si Superman

Kaarawan ni Miera at Ginny kahapon.

Ayun. Kasama ako si Lexa, Joanna, Miera at Tere sa hip hop dance contest chever ng Benilde sa 25. HAHA. Nakakamiss sumayaw. Pero natutuwa ako kasi lahat ng gusto kong sayawin na kanta ay sasayawin namin! Matagal ko nang pinapangarap yung mga yun. Icebox, Feedback, Show Me The Money, Lipgloss, Make Love in this Club, (sana isali ang sinuggest kong Pass That Dutch). Basta pinaka-nakakaaliw yung Icebox. Yun yung intro namin. Haha. Wag mag-alala, popost ko yung dance video, papa-video ko yung dance namin. Wooohoo! Syempre, may bago kaming mga kaibigan kasi inepal namin ang grupo nila. Dapat talaga yung block nila yung sasayaw, eh kulang yata sila ng tao kaya ayun, sinali na kami ni Ms. Nung una ayaw namin kasi nga baka maarte sila and stuff, pero as the practices go by, nagkakandahawaan na kami sa mga kasabawan namin. Si Moki, Lindsay, Clarisse, Dora, Meg, Jojie, Bogart, Abu at Jerry. Ang saya nilang kasama. Wahoo! Mga CDA sila. Kapitbahay namin sila. Kami M405 sila M403. Ayun. Basta, natutuwa talaga ako at nagpapasalamat na BUSY AKO! Gustung-gusto kong busy ako para hindi ko maisip ang mga bagay na HINDI DAPAT PAG-AKSAYAHAN NG PANAHON! TANGENA!

Pinag-aralan namin yung steps nung Thurs. Tapos nag-practice kami ng Friday after class. Tapos nung Saturday din, whole day. Mga late na kami nakapag-umpisa. Whoo. Pero okay naman. Nakapag-catch up ako. Medyo nahihirapan ako sa Make Love in this Club pero kakayanin. AT AG MALUPIT? Nagpractice ako ng HIPHOP from 9am-4pm PAGKATAPOS, practice naman ng WALTZ 7-9pm para sa cotillion ni Virge. Oo, sabi ko nga baka sa debut nya mag-hiphop ako eh. Tapos sa contest, masayaw ko yung Waltz. Amp. As usual hindi dumating ang dakilang partner kong pinakamamahal na childhood sweetheart na si Micmac. HAHA. :) nag-attend kasi sya ng debut ni Joane. Understood naman yun. :) Next week masaya ang practice! Diretsong inuman at overnight! Whoo. Pero grabe ‘tong buhay ko ngayon. Sayaw – aral – interview – plano para sa beerday. Pagkatapos nga nito sasayaw ako eh. Pra-practice ko yung Make Love. Hirap talaga ako doon, taena.

Tapos natatawa kami ni Joanna sa mga pinagkwekwento ni Dherick. HAHAHA. Bahala ka sa buhay mo D! :)) malaki ka na! Mag-yosi at uminom ka nalang! Kailangan mo ng energy! Basta sinasabi namin ni Joanna sa’yo, MAHIRAP YUN! MASAKIT! :)) Wag kang mag-alala, magpapakalunod tayo sa alak sa Tagaytay! Doon mo nalang ilabas! HAHAHA :)

SA MGA GUSTONG MAKAALAM ANO ANG MGA GUSTO KONG REGALO o MAKUHA PARA SA KAARAWAN KO:

Shet, DISI-OTSO NA. HAHA :) EIGHTEEN WISHES ITO. :) May mga symbolisms din, pero ako na ang nakakaalam nun.

1. Makasama ko ang mga taong pinakamamahal ko. KUMPLETO. (Oo, from relatives to AVFI, to Edista, to Justice Friends, Zobel friends, Mf1J, sila Jumine, syempre si Ayie.)
2. Understanding.
(intangible reality some specific people has to give me. Kailangan nilang malaman na HINDI AKO SI PUNYETANG SUPERMAN! My golly!)
3. Brida – Paulo Coelho
(Book. Fan ako ni Paulo Coelho eh. Galing magsulat)
4. Love in the Time of Cholera – Gabriel Marquez
(Book din ito. Rinig ko maganda daw ito tapos magkakaroon daw ng movie.)
5. SIR FAC BELEY! 100 sa MANALOG! HAHAHA!
6. iPod video
(Cheap phone ko eh. Everyday ko pinapalitan yung songs. Kawawa naman ako. Huhu. Hahaha)
7. DJ Max ay mailagay sa PSP
(Kaka-addict)
8. The biggest puppy/dog stuff toy in the market right now.
(Whatever that is. May come from Bearhuggs, Blue Magic… etc. BASTA PUPPY or ASO! Pag nabigay niyo yan, ihanda nyo na mga panyo nyo kasi lalamutakin ko mga mukha niyo dahil sa tuwa!)
9. Lahat ng volumes ng Kikomachine. (Laughtrip eh. Para pag malungkot ako, may magsasayang naman ng oras para patawanin ako.)
10. A tall scented candle. (Dapat blueberry scent siya.)
11. New rubber shoes. Green and white. (Malamang yung pambabae, pwedeng Adidas or Nike.)
12. PEACE OF MIND. (Para mabawasan ang kasabawan. Mabawasan lang ah. Hindi matanggal. Haha)
13. Original DVDs ng Godfather 1 2 and 3, Scarface, American Gangster, at SAW 1 2 3 and 4. (Pabusog habang kumakain ako. Haha)
14. Connector from Desktop to Laptop. (Nasa desktop kasi lahat ng files ko. Hindi ko malipat. Kung flash drive ang gagamitin ko, nakakatamad!)
15. Bagong camera. Kahit ano basta maganda. (Sira na yung camera ko. Actually, hindi naman sira. May topac lang yung battery. Pero bagong camera na din para sure. WAHAHA.)
16. ALAK. (Any kind =)) basta maiinom.)
17. A long necklace with a green heart pendant. (Wala ako nung mga ganung kahabang necklace eh. Haha)
18. At syempre, LA SALLE jacket. (Yung Adidas ah. Yung mahal. HAHA.)

SALAMAT! Nagpapasalamat na ako kaagad! WAHAHAHA :)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s