Dahil ako’y isang Pinoy. LEZGO Pnoy!

Siyempre, magta-Tagalog ako. Bow. (pero yung bow, English)
Siyam na taon sa ilalim ng mga panloloko, pagnanakaw at pagpapabaya sa bayan natin ay natapos na rin.
Kahapon pa ako hindi maka-antay sa inagurasyon ni Pnoy subalit ang iba naman ay hindi maka-antay sa Eclipse at araw ngs sweldo. Seryoso. Bakit? Siyempre, iba yung dating kapag siya yung binoto mo tapos siya yung manunumpa diba? Ibig sabihin, talagang galing sa puso ang boto ko dahil yun ang kagustuhan ng bilyong Pilipino. Siyempre, iba rin yung pakiramdam na naging parte ka ng kasaysayan ng Pilipinas. Oo, napanuod ko rin yung kay Former Pres. Erap noon pero, siyempre hindi ko pa ramdam noon kasi bata pa ako nun. Paggising ko talaga kanina, hindi ako umalis ng kama. Doon lang ako nanunuod at hindi ko pa tinitiklop ang kumot ko. Sakto pagtingin ko sa TV, paalis na ng Times St. si Pnoy. Tapos yun na yung story ko. Ahaha. Buong araw ako nakatutok sa TV at wala nanamang ganang mag-aral. Pero siyempre, ilalagay ko dito yung mga pinaka-paborito kong sinabi niya. Pero bago yun, iba talaga ang Presidente natin. Kahit hindi pa siya Presidente, ay sumusnod na talaga siya sa batas. Yung mismo pagtigil sa mga stoplight, paghubad ng sapatos sa airport, yung pagiging matipid, at siyempre yung pagiging totoo niya. Nagyoyosi man siya o ganun man siya maglakad, wala akong paki. At least pinapakita niya yung totoong siya. So ito yung mga gusto kong sinabi niya sa talumpati niyang nakakatindig-balahibo, nakaka-iyak, nakakatuwa at higit sa lahat, naramdaman ko na talagang, may pag-asa pa ang Pilipinas.

  • “There will be no reconciliation without justice.”
  • “Kung sino pa ang naaapi, siya pa ang nagpapasensya.”
  • “No more wang-wangs, tong…”
  • “Kayo po ang boss ko.”
Nakalimutan ko na yung iba. Haha. Basta pinakapaborito ko yung una! As in <3
Dahil sobra yung inspirasyon ko ngayon, gumawa ako ng photo na ganito:
(kayo na bahala magpaliwanag bakit ganyan. hahaha. gets niyo na naman yan. Pasensya na kung simple lang. Nanunuod kasi ako ng concert sa QC Circle eh. Hahaha)

IPINAGMAMALAKI KO NA AKO’Y ISANG PILIPINO
Advertisements

One thought on “Dahil ako’y isang Pinoy. LEZGO Pnoy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s