Idlip

Miss na kita.

Miss ko na kung paano ka magalit sa akin kapag nililipat ko ang palabas sa Teletubbies dahil nanunuod ka ng PBA. Miss ko na kung paano mo ako tawagin ng pasigaw dahil ayoko pa kumain. Miss ko na kung paano mo ako pagsabihan na wag ako pupunta sa malamok, marumi o delikado na lugar. Miss ko na kung paano mo kalansingin ang kampanilya mo para ikuha kita ng tubig, tulungan kita papunta sa banyo o ikuha kita ng tisyu.

Miss na kita lolo.

Miss na kita.

Miss ko na ang mga luto mong adobo, sinigang, at menudo. Miss ko na ang pagsuway mo dahil nagcocomputer pa ako. Miss ko na ang pagsabi mo na umuwi na ako ng maaga at huwag na magpuyat sa bahay ng aking pinsan. Miss ko na ang mga joke mong corny at alam ko na kung kanino nagmana nanay ko, pati ako. Miss ko na makasama ka uminom ng beer kahit alam mo namang bawal sa’yo, pero para sa aming mga apo mo, game na game ka. Sayang, hindi ko naabutan kung paano ka magsigarilyo. Joke lang, rest in peace po. Beer pa more.

Miss na kita lola.

Miss na kita.

Miss ko na kung paano mo purihin ang ganda ko. Miss ko na isipin na sana hindi ka talaga nagsisinungaling nung mga araw na sinabi mo yun. Miss ko na ang mga paliban-liban natin na pagkikita pero marami akong natututunan. Miss ko na kapag pinapamanahan mo ako ng mga bag at hikaw dahil pareho tayong maraming butas sa tainga. Miss ko na kung paano mo sabihin kung gaano mo ako kamahal, at kung paano ka natutuwa sa pagmamahal ko sa iba.

Miss na kita ninang.

Miss ko na kayong tatlo.

Hindi ko alam kung lumipat ba ang kaluluwa nyo sa ibang tao. Hindi ko alam kung kasama nyo ang mga anghel. Hindi ko alam kung mayroong binigay sa inyong “special mission.” Hindi ko alam kung nakikita niyo ako at pinagtatawanan ang mga katarantaduhan na ginagawa ko. Kung nakikita ninyo man po, pasensya na po. Secret nalang natin yun. Alam ko naman walang nang paraan para ipagkalat ninyo. Huwag lang kayo dumalaw sa panaginip ng aking mga magulang kung hindi, patay ako. Kayo din, patay. Patay na talaga. Peace be with you po.

Pero ito lang ang alam ko. Namatay man kayo sa mundong ito pero buhay na buhay parin kayo sa puso ko.

Naka-nang!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s