Nalulunod Sa Isang Baso ng Tubig

Magpakatotoo ka.

Sabi sa commercial.

sprite-1-5l-napoj-gazowany

Mukhang ganun nga ginawa ko.

Noong June 2014, uhaw na uhaw na ako dahil kumain kami ng pulboron ng mga pinsan ko. Bigla bigla akong tumakbo sa kusina ng lola ko at may nakitang 1.5L na bote ng Sprite. Ibinuhos sa aking baso at nilagok.

Aray ko po.

Akala ko tubig.

Mantika pala.

Siyempre, anong magagawa ko? Sa sobrang uhaw ko, wala na akong oras para amuyin pa o tignan ang itsura ng laman.

Bakit ba kasi kailangan ilagay sa bote ng Sprite at bakit kasi kailangan ilagay pa dun malapit sa mga katabing TOTOONG inumin.

Kahapon naman, yung kinainan namin na karindirya sa may Manaoag, nag-order kami ng softdrinks. Yung tira, inuwi namin. Pagdating sa bahay ng kaibigan ko para kumain kami ng hapunan, sabi ng Ninong ko na inumin nalang namin yung natirang softdrinks. Ikinuha ni Angel sa likod ng van. May Sprite at Coke.

Sa pagkakaalala ko alam ko ang natirang softdrinks nalang ay Coke kaya nagtaka ako bakit may Sprite. Sabi ni Gel, katabi naman daw ng Sprite ang Coke sa van kaya kinuha nalang niya.

Uhaw na uhaw na rin ako. Nilagay ni Mama sa baso ko, at nilagok ko.

Salamat naman at tubig!

Sabi ni kuya Lino, “Teka, diba Coke lang ang alam kong iniuwi natin galing sa Manaoag? Bakit may Sprite?”

Putang ina lang. Ibinulong ko sa sarili ko.

Sabi ni kuya Lino, “Teka. Parang ito ata ang tubig para sa kotse.” Alam niyo guys yung sinasalin sa some part ng kotse kasi kailangan din lagyan ng tubig ang makina/kotse ba yun. Basta ganun.

Putang ina lang. Sabi ko ulit. Nabiktima nanaman ako ng walang yang bote na ‘to. At buti nalang, may kadamay ako kasi uminom din si kuya Lino.

“Bakit mo naman kasi itinabi sa Coke, Gel! Hahaha”, sabi ni kuya Lino.

“Malay ko ba na tubig pala laman nyan. Akala ko bumili kayo hiwalay na Sprite eh. Magkatabi sa sasakyan yang Sprite at Coke eh!”, sigaw at tawa ni Angel.

Juice colored. Papatayin ako ng pagkauhaw ko.

Ang importante, nagpakatotoo lang ako subalit hindi naman pala totoo ang nilalaman nito.

Parang puso lang na mahilig manakit. Sa una, akala mo yun na talaga ugali niya pero kapag nagsimula ka nang mauhaw sa kanyang pagmamahal, peke pala.

Saan nanggaling yun? Wala naman akong problema sa buhay pag-ibig. Hahaha

feu de joie: Tignan muna ang nilalaman ng bote ng Sprite.

Advertisements

8 thoughts on “Nalulunod Sa Isang Baso ng Tubig

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s