Save Me From Myself

101 Things About Me: (kasi na-miss ko gumawa ng ganito. Parang teenager lang)

At nainggit ako sa post ni Doc, hehe.

  1. May anak na ako. (Nabuntis ako at the age of 22. 1 year and 8 months na sya. Pangalan nya ay Alessandra. Single parent ako. Ang sarap ng pakiramdam na maging ina. Ina niya. Wahaha)
  2. Ako pa lang ang may anak sa aming magkakapatid.
  3. 5th of 6 siblings (second to the last, youngest daughter)
  4. Hiwalay ang nanay at tatay ko. (Housewife ang nanay ko, at ang tatay ko sa Amerika nagtratrabaho)
  5. Wala na akong lolo at lola, both sides.
  6. Wala na rin gamit ang fridge namin, both indoor and outdoor kitchen. Ice nalang na binibili sa labas ang nagpapalamig doon.
  7. Ayoko sa ahas (yung hayop. Kahit ano tungkol sa kanya. Sabihin man ang pangalan, ang tunog niya, makakita ako ng litrato, maisip ko lang, kahit cartoons di ko kaya panuorin, kahit balat ng bag o kung ano man type of clothing. Basta paranoid ako. Ayoko sa kanila. Pati sa ugali ng tao)
  8. Paborito kong kulay ay green. (Lahat, pati shampoo ko, sabon, toothbrush, undies, pati utak ko)
  9. Feeling ko nakabuhad ako kapag wala akong suot na hikaw.
  10. Feeling ko nakahubad ako kapag walang ponytail na nakalagay kahit sa may kamay lang.
  11. Hindi ako kumakain ng puto at kamote (wala kasi syang thrill kainin. Kaya pandesal ang itineterno ko sa dinuguan)
  12. Kahit saan na paglalakad na may railing, gusto ko doon ako sa side na hindi malapit sa railing. Kahit sa escalator, basta dapat sa kanan ako. Mabilis ako malula kahit 2 floors lang.
  13. Sour cream ang gusto ko sa lahat ng klase ng kakainin ko. Piattos, Potato Corner, dip, etc.
  14. Garlic ranch ang favorite dip ko rin sa kahit anong pagkain. Garlic ranch for adobo. Charaught.
  15. Ang kinakain ko lang na prutas ay citrus. (Yes, hindi ako kumakain ng mansanas at saging – yung saging na prutas ha. Mabuti na ang malinaw)
  16. Ayoko ng longganisa. (Pero kung yun nalang ang pagkain, syempre kakainin ko)
  17. Ayoko ng hard drinks. I’m really a beer person. Kahit anong beer ibigay niyo sa akin. Wag lang hard. Hindi ako mabilis malasing kahit ilang alak basta beer. Kapag simpleng kain sa labas na bagay ang beer, yun ang drink ko.
  18. Hindi ako nag-debut ayon sa gusto ko kasi sinorpresa ako ng mga kamag-anak namin. (Kung bibigyan lang ako ulit ng chance para mag-debut ulit, mas gusto ko kakaibang debut. Camping or whatsoever)
  19. Inglisera ako nung bata ako. (Natuto nalang ako mag Tagalog nung nagbakasyon ako sa bahay ng lola ko)
  20. Hindi ako mahilig mag-bar or party. (Ayoko ng mga ganun kasi una, hindi ako trying hard para lang makapag-upload ng mga photos. Pangalawa, hindi ako nagdrudrugs. Pangatlo, hindi ako naghahanap ng lalake na pang one-night stand)
  21. Mas gusto ko ang chill na tambay at inuman. (Simpleng nuod lang ng mga banda, tambay at inom sa bahay nga mga kaibigan)
  22. Meron akong diary simula 2005 hanggang 2011. (Sobrang nakatago ito at wala pang nakakakita)
  23. Meron akong listahan sa diary ko na yun if ever mamatay ako, nandun lahat ng instructions.
  24. Weird ako kumain ng ulam tska kanin. (Lagi ko sinasakto. Kapag may ulam pa sa plato ko tapos wala nang kanin, kukuha pa ako ng kanin and vice versa)
  25. Kapag may gusto akong couple, (celebrity man o hindi), fanmode ako kasi gusto ko sila talaga
  26. Ayoko sa chocolate. (More of vanilla and cream talaga ako. Kape dapat may cream. Kung bibili ng chocolate kailangan white chocolate. Addict din ako sa cream cheese.)
  27. Mahilig ako mag-gitara (pero as of now sira isang string ng gitara ko)
  28. Hindi ako mahilig sa Coke. Sprite all the way.(Pero nang dahil sa mga pangyayari, ewan ko nalang kung mag-Sprite pa ako)
  29. Mahilig ako sumayaw
  30. Mahilig ako kumanta. I mean, rap pala.
  31. Madali ako makamemorize ng mga kanta or kahit mga rap. Tska enjoy ko siya kapag kinakanta ko. Feeling ko ang ghetto ghetto ko.
  32. Hindi ako mahilig mag-shopping. (Ang gagawin ko lang kapag nasa mall ako is kumain, manuod ng sine, tumambay at mag-kape. Hindi ko matiis yung maghahanap ako ng damit na matagal. Kapag gusto ko bumili ng damit, mabilisan lang.)
  33. Never ko pa na-try mag drugs. Peksman. Superman. Batman. (Kahit marijuana. Ayoko talaga)
  34. Gusto ko talaga magpa-tattoo. (Ayaw ng nanay ko haha)
  35. Nakapag-try na rin ako magsigarilyo.
  36. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano. Peksman. Superman. Batman. Ang lugar na napakalayo na narating ko ay Ilocos Norte.
  37. Ayoko mag-abroad. (Yung mag settle doon. Siguro trabaho but for an amount of time lang. Sobrang maka-Pilipino ako)
  38. Plano ko mag artista dati. (Marami na akong auditions at workshops na pinuntahan or sinalihan, pati nga voice lesson eh. Pero mukhang hindi talaga tadhana. Stressful daw eh kaya umayaw na ako. Charchar.)
  39. Mas gusto ko nalang tuloy if ever, magtrabaho sa likod ng camera. (Taga linis ng camera, etc.)
  40. Mabilis ako maawa sa mga matatanda na mag-isa na kumakain sa resto.
  41. Mabilis din ako maawa sa mga guard.
  42. Mabilis ako maawa sa mga aso (Gusto ko sila lahat kupkupin, kahit askal. Hindi ko rin kaya manuod ng mga dog movies or dog videos – yung videos na inaalipin sila. Mabilis ako umiyak. Mas kaya kong manuod ng taong pinapatay kaysa aso. :'( swear!)
  43. Hindi ako naaawa sa mga bilanggo. (Gusto ko talaga disiplina. Kamay na bakal. Kapag nang-rape, putol ari. Kapag nagnakaw, putol kamay, etc.)
  44. Mahilig ako sa mga gore and suspense-thriller movies. (Gusto ko talaga mga duguan at patayan. Basta mga brutal)
  45. Mahilig ako maglaro ng Sims (Sobrang addict talaga ako dito. Alam niyo yung idle time na “just waiting for graduation?” Nako, araw-araw ubos ang oras ko kakalaro ko nito)
  46. Mahilig din ako sa mga games na barilan. Basta kahit anong barilan. (Huwag yung putukan, mahirap na. Ayoko na maglaro nun. Baka mabuntis nanaman ako haha)
  47. Hindi ako natutuwa sa AlDub, JaDine at sa mga GMA artists na walang talent.
  48. Hindi ako nagaahit/nagpapatattoo ng kilay. (Ayoko mag-mukhang bakla at dapat naman talaga hindi ginagalaw ang kilay natin. Trim pwede pa wag lang yung literal na magsusunog ka ng kilay)
  49. Balbon ako. (So talagang nagpapa-wax ako ng legs and there down under. Tapos nagpapalaser na ako ng underarm)
  50. Gusto ko magpa-braces pero wala akong pera. (Lahat ng kapatid ko dumaan sa pagka-braces. (Kaya hindi masyado maganda ngipin ko. Kaya ganun ako mag-smile, pa-cute)
  51. Ayoko sa suka. (As in vinegar. Wag kang magsasawsaw or kakain ng chicharon malapit sakin. Makakatikim ka ng suka, as in vomit mula sa akin)
  52. May skin allergy ako dati at windburn. (Intermittent naman siya)
  53. Mahilig ako sa kahit anong maalat. (Kaya mas gusto ko lumangoy sa beach kaysa sa swimming pool)
  54. Mahilig talaga ako mag-swimming. It’s my greatest therapy. (Pero hindi ako nagpapasisid. Ahihihi)
  55. Mas nagagandahan ako sa mga babaeng morena compared sa mga mestiza.
  56. Ayoko mag-jowa ng foreigner. (Masyadong malaki… ang mindset nila sa culture nila. Maka-Pilipino nga ako diba)
  57. Hindi ako mahilig mag-relo. (Kaya lang, dahil sa paginom ng gatas ng anak ko, lagi na ako may suot. Minsan tamad ako tumingin ng oras sa phone ko)
  58. Ayoko na ng Apple products. Hindi siya user-friendly para sa akin.
  59. Nagtataka ako sa ibang tao bakit “user-friendly” ang tawag nila sa ugali ng tao na ‘user’. Guys, gusto ko i-correct na ang user-friendly is only used for tangible things. :  easy to learn, use, understand, or deal with <user–friendly software>; also :  agreeable,appealing <a user–friendly atmosphere>
  60. Naiinis din ako sa mga taong wagas maka-hashtag. (People, please. Ang hashtag is to categorize not so insert in every word that you use. Pwedeng paki-parenthesis nalang?)
  61. Hindi ako mahilig mag-selfie. (Siguro mga 6 times a year lang. Pang profile pic)
  62. Sobrang masaya ako sa trabaho ko ngayon. (Okay ang trabaho kasi may work-life balance. Okay ang mga katrabaho dahil masaya sila katrabaho)
  63. Hindi ko pa nakikita si Justin Timberlake in person. :(
  64. Sobrang fan ako nila ni Britney. (Sana talaga sila nalang ang nagkatuluyan)
  65. I’m a Bielieber. Nuff said
  66. Ayoko kay Selena Gomez. (Mas gusto ko pa si Miley and Ariana compared sa kanya and kay Taytay)
  67. Sobrang in love ako kay Vin Diesel. (Like since 2001 pa)
  68. Favorite ko si Tina Fey and Amy Poehler.
  69. Meron akong pitong barkada. Or baka higit pa, ewan. Ang importante totoo sila. (Barkada ko since grade school, barkada ko nung high school, barkada ko sa foundation na volunteer ako, barkada ng mga bagets sa foundation na volunteer ako, barkada ko ng college na marami, barkada ko ng college na anim lang kaming babae, at barkada ko ng college na ka-tambay ko kasi malapit kami sa isa’t isa)
  70. Darling I’ll be loving you ’til we’re 70. Yes, member/volunteer ako ng isang foundation. (Since 2003)
  71. Depende sa hugis at point ng ballpen ang sulat ko. (Oo, weird. Wala akong permanent handwriting. Depende rin siguro kung malamig or mainit ang panahon)
  72. Sobrang hilig ko sa pizza and fries. (Minsan sabay ko silang kinakain. Ang sarap talaga)
  73. Hindi ko parin mapatawad sarili ko dahil hindi ko na-save mga photos ko sa Multiply dati. As in :( kahit sa Friendster.
  74. Hindi pa ako nakakatanggap ng bulaklak sa Valentine’s day na galing talaga sa jowa ko at kusa. Hahaha.
  75. Meron akong bucketlist. (Na-cross out ko na siguro 22/100 – nakalimutan ko na kung ilan kasi nandun sya pinaka tago-tagong kong diary)
  76. Speaking of pagtatago, mahilig ako mag-collect ng mga memorabilias. (Kahit tansan pa yan ng isang inuman. Sinusulat ko yung date, time at sino mga kasama ko)
  77. Nagkaroon na ako ng apat na boyfriend. (Yung una, bestfriend ko siya and bestfriends parin kami ngayon. Yung pangalawa, na-meet ko siya sa community blog; good friends naman kami. Yung pangatlo, bestfriend ng bestfriend ko; okay naman kami. Yung huli, tatay ng anak ko na hindi nagpakatatay. Hahaha.)
  78. Mabilis akong mapatawa kahit sobrang corny ng joke mo. (Basta di ka nakakairita mag-joke)
  79. Gusto ko talaga mag-try mag comedy bar! Super pangarap ko yun.
  80. Yes, natutuwa ako sa mga beki. (Masaya ako dahil may 2 friends akong beki. Yung isa hindi pa masyado na-hone)
  81. Marami akong kaibigang babae na akala mo straight pero hindi. (Mukha lang silang straight pero marami na silang naging babaeng jowa – hulaan nyo ahihihi)
  82. Hindi ako araw-araw nagdadasal. (Dahil hindi ako ipokrito. Tska everytime nagdadasal ako na hindi araw-araw, hindi dahil sa may hinihingi ako kundi dahil nagpapasalamat ako most of the time. Marami kasi ako nakikitang nagdadasal pero hindi naman maganda mga ugali nila.)
  83. Hindi ako nagsisimba. (Kasi ipokrito ang simbahan. Marami akong nakikitang pari na nag mamahjong, nang-iisnab ng mga taong kailangan sila, at mamwersa na maghulog ka sa simbahan nila. More of gawa ako kaysa dasal. Importante din naman ang dasal pero alam naman ng Diyos ang mga dasal natin bago pa natin idasal, kaya nga siya tinawag na Diyos eh. Ang importante sa kanya mahalin natin ang kapwa natin. Pero like yung nagpunta kaming Manaoag, oo ganun. Kasi kapag nagsisimba ako, talagang mataimtim tska inaabsorb ko talaga lahat ng sinasabi at di ako natutulog lang. Mula sa puso dapat ang pagsisimba at di dapat gawing obligasyon.)
  84. Sobrang hilig ko sa cookies. (Kahit ano wag lang yung may dark chocolate – actually kumakain ako ng cookies ngayon. Cookie ng ina mo!)
  85. Gusto ko i-try mag-bake. (Hindi bakes ha. Iba yun)
  86. Gusto ko magtayo ng business. (Ang ibebenta ko mga shirts tapos mga movie and band quotes/posters, etc)
  87. If I was given the chance to go to a place na all expenses paid, I’ll choose Hawaii.
  88. Sobrang addicted ako sa Game of Thrones and HTGAWM.
  89. Mahilig ako sa anything 90s. (Buti nalang may Jeepney TV sa Sky Cable)
  90. Bobby Andrews&Angelu De Leon, Carlo Aquino&Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz&Kaye Abad fan
  91. Nagugutom na ako ngayon.
  92. Ayoko ng maraming salamin sa bahay. (Nakakatakot. Malakas pa naman imagination ko sa mga ganyan. Kaya lang ganun itsura ng bahay namin ngayon eh)
  93. Pina-ayoko sa lahat eh yung tinatapon ang basura kahit saan. (May basurahan naman kasi)
  94. Marunong ako mag-flute. (Flute-tatahione. Charaught)
  95. Hindi ko kaya nasa bahay lang. (As in kailangan umaalis ako kahit twice a week)
  96. Mabilis ako ma-bore. (Maghahanap ako kaagad ng bagay na pwedeng gawin kahit walang kakwenta-kwenta)
  97. Nagkaroon ako ng time mag-blog ulit dahil marami akong idle time ngayon. (Pero may kwenta naman ito. Hindi ito yung tinutukoy ko sa #96)
  98. Lahat ng hirit ko na joke hindi pwede mawala ang araw na hindi ito green joke.
  99. Alcatel na korteng sabon ang pinaka-una kong cellphone.
  100. Hindi pa ako nakakaranas mag ice skating.
  101. Kasinungalingan lahat ng sinabi ko from 1-100. JOKE LANG!

Hope you guys enjoyed reading. Alam kong tinamad kayo kasi mahaba. (Pero kapag ibang bagay na mahaba, masipag kayo. Hihihi)

Advertisements

30 thoughts on “Save Me From Myself

    1. Shocks, ngayon ko lang nabasa reply mo. Hehe.

      1. I would really be my pleasure to be of help. Paano ba yun? Sabihan mo ako! I’m free the whole day kasi naglakwatsa anak ko kasama lola niya. Iniwan ako sa bahay. Hahaha

      8. NO PARIN. ANYTHING GREEN BUT GREEN SNAKES UGHH

      23. Yes. Gusto mo mag-guest writer ka sa diary ko para malalaman ko sino mas maganda ang burol? Hahaha charaught

      30. Sa Facebook, may video ako! And sa Instagram pala

      33. Di ko kasi magets yung point eh.

      36. Wala pa akong anda pang larga. Haha

      38. Haha mukhang sa height qualifications, pasok ako friend haha

      98. Gusto ko yan. Hahaha basahin ko mamaya

      THANK YOU DOC! :)

      Liked by 1 person

      1. Eto yung mga similar na nabanggit mo to me. haha

        8. Paborito kong kulay ay green.
        – HAHA! paborito ko talaga ang Green at Blue pero panalo ang Green. Nature lover haha

        20. Hindi ako mahilig mag-bar or party.

        – Hindi talaga, bukod sa wala akong pera, Introvert kasi ako. Minsan ayoko makipagusap sa Stranger e di ba ganun sa Bar dami kang mamimeet? HAHA

        21. Mas gusto ko ang chill na tambay at inuman.

        – Eto yung madalas kong gawin. Sa bahay ng kakilala or sa bahay namin. Chill lang.

        29. Mahilig ako sumayaw

        – Wala e. Pinanganak na tayo ng ganito e. Lagi akong may concert sa CR neto with kanta.

        30. Mahilig ako kumanta. I mean, rap pala.

        – Dati akong nakanta pero nag rarap din ako ala R.Kelly “Ignition” haha

        31. Madali ako makamemorize ng mga kanta or kahit mga rap. Tska enjoy ko siya kapag kinakanta ko. Feeling ko ang ghetto ghetto ko.

        – Sobrang bilis kong makakakabisa ng kahit ano. Lalo sa music.

        32. Hindi ako mahilig mag-shopping. (Ang gagawin ko lang kapag nasa mall ako is kumain, manuod ng sine, tumambay at mag-kape. Hindi ko matiis yung maghahanap ako ng damit na matagal. Kapag gusto ko bumili ng damit, mabilisan lang.)

        – Like I always do.Tamad ako mag shop. Pag may bibilin ako sa isang lugar lang lahat. Tapos mas gusto ko manood nga at kumain.

        34. Gusto ko talaga magpa-tattoo.

        – Pinaplano ko na to. Di ko nalang ikokonsulta sa nanay ko. para pag nakita niya hahaha Sorry ma! Di na mabubura! haha

        44. Mahilig ako sa mga gore and suspense-thriller movies.

        – Saw,Hills Have Eyes,Wrong Turn,Final Destination! Nako! Fave!!

        47. Hindi ako natutuwa sa AlDub, JaDine at sa mga GMA artists na walang talent.

        – Kapamilya forevs! GMA??? Eeeew hahah

        51. Ayoko sa suka.

        – Me three! Ayoko ng sawsawan na to. Ayoko din ng amoy neto. Like my blog’s name. Macrosmatic. Sensitive ang pangamoy ko ayoko ng mabaho haha included tong SUKA.

        60. Naiinis din ako sa mga taong wagas maka-hashtag.

        – sa Facebook nag hahashtag? Like what??? As if counted sa FB!! haha Sa Twitter lang to AFAIK. :)

        72. Sobrang hilig ko sa pizza and fries.

        – Kahit bawal sakin. dahil sa Hypertension ko dahil macholes. Kahit mamatay ako sa kakakain neto haha

        89. Mahilig ako sa anything 90s.

        – Yep! Were 90’sKids!!!

        92. Ayoko ng maraming salamin sa bahay.

        – Ayoko ng salamin sa kwarto talaga! kahit saan!! haha

        Like

    1. Hehehe thanks kuya Apo! :) kasi naman, kung di naman talaga ganun yung personality, wag mag trying hard. Love yourself. Parang kasi sa ibang tao mas importante pa yung sasabihin ng iba kaysa nararamdaman nila. ;)

      Like

  1. Hello, just stumbled upon your blog. Pinay din ako! Hihi pero tga Mindanao lng. Anw, same tayo: “Weird ako kumain ng ulam tska kanin. (Lagi ko sinasakto. Kapag may ulam pa sa plato ko tapos wala nang kanin, kukuha pa ako ng kanin and vice versa)” AS INNN. Hahaha wla lng po :)

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s