Conceal, Don’t Feel

Naalala niyo ba yung Elsa balloon na binili namin sa Manaoag para kay Alessandra?

Kung hindi, ito yung photo:

IMG_6175[1]
Click the photo to be linked to the entry where this was originally posted (straight English yun ah)
Siya lang ang kasama ko ngayon. Dalawang araw na akong mag-isa sa bahay kasi naglakwatsa ang anak ko. Hehe. May trabaho kasi ako kahapon, eh umaga yung pupuntahan nilang birthday party ng pamangkin sa pinsan ko kaya, ayun. Hindi na ako nakahabol. Tapos nagulat ako na overnight pala sila dun.

Okay lang na hindi ako nakasama dahil may trabaho ako pero naman kasi, text pa ng text yung nanay ko na ang dami daw pagkain. Parang, hindi naman nakakatuwa. Hahahaha. Lalo akong nagugutom. Wala naman masyadong pagkain sa bahay ngayon.

Ito yung mga ginawa ko sa halos dalawang araw na tambay.

  • Bonding with the doggies. Since matagal ko na silang di nalalaro or nape-pet, time ko naman bumawi sa kanila. Simula kasi nanganak ako, hindi ko na sila napapansin masyado which is masakit sa akin. Madali ako maawa sa kanila. Namimiss ko na rin sila kaya for today, sila ang mga anak ko.
  • Labhan mga office outfits ko. Since Monday na bukas, kailangan ko na labhan mga skirt at top ko para hindi na ako maghahanap ng Monday morning kung ano susuotin ko.
  • Unlimited internet. Yes. Walang makakapigil sa akin kung gaano ko katagal gusto mag-computer.
  • Unlimited Sims. Yes. Ang saya. Anytime of the day.
  • Unlimited tulog. Actually, ito ang pinakamasarap na pakiramdam kasi ngayon lang ako makakabawi sa mga puyat ko.
  • Unlimited food. Sana. Pero konti lang laman ng pantry. Anyway, okay lang. Kapag nasa harap naman ako ng computer hindi ako nakakaramdam ng gutom… Kasi katabi ko isang box ng cookies. Hehe
  • Napapalinis ako ng mga madudumi kahit tinatamad ako. Nakakahiya naman kasi pagdating ng nanay ko, sabihan ako na ako nalang tao sa bahay eh hindi pa ako maglinis. Well, tamad talaga ako pero basta may music, sisipagin naman ako.
  • Nagwawala ako. Kanta dito, sayaw doon.
  • Jebs all you can. Masaya ako kasi wala akong kaagaw sa banyo.
  • Nagpapakatamad. Kasi hindi naman ako pagsasabihan.

Yun lang naman.

Gusto ko malaman ano mga pinaggagagawa ninyo kapag kayo lang sa bahay (bukod sa porno este alone time). Comment below! Thanks :)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s