Christina Perri

May forever na ang pinsan ko.

Buti pa siya.

Ang drama lang? Hahaha.

Siyempre, mag-attend ka ba naman ng kasal tapos ang entrance song ng wedding niya eh yung kay Christina Perri na What A Girl Wants, ay Christina Aguilera pala yun. Basta yung A Thousand Years na OST din sa Breaking Dawn.

Ang nakakatuwa pa dun, Christina talaga pangalan ng pinsan ko. Tapos yung isang pinsan ko din ang wedding coordinator.

Well actually hindi ko talaga pinsan yung kinasal. Pinsan siya ng pinsan ko na hindi kami related. Basta gets, hirap i-explain. Hahaha

Ito na ulit yung sumunod na wedding na napuntahan ko after 2007. Nung 2007, bridesmaid ako. Ngayon, maid nalang kasi todo alaga ako kay Alessandra.

Nakasama ko isa kong ka-close na ka-opisina nung na-assign ako offsite nung Biyernes. Napagusapan namin yung kasal.

Tanong niya sa akin, “Bakit sinasabi ng ibang tao na mali yung pagmamahal ko sa kanya?”

Sabi ko, “Walang pagmamahal na mali. Kaya nga pagmamahal yun eh. Paano naging mali yun?” 

Hanggang sa sinabi ko sa kanya yung paniniwala ko sa kasal.

Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kasal – dahil gusto ko rin naman makasal pero kasi, may mga tao ngayon na porkit kasal ka, malakas ang laban mo. Kasal nga kayo pero binubugbog ka. Kasal nga kayo pero fixed marriage naman. Kasal nga kayo pero nagpakasal ka lang kasi nabuntis ka. Kasal nga kayo pero next month hiwalay na kayo. Narinig ko na to sa mga kakilala ko or kakilala ng mga kakilala ko.

Tanong ko tuloy sa sarili ko, “Bakit nawala na ang essence ng love? Si Love Añover nalang. Bakit kasal ang batayan ng mga tao tungo sa pag-ibig? Hindi pa ba sapat ang pag-ibig para batayan ng pag-ibig mismo? Hindi ba dapat yun naman talaga? Tska wala naman sa Bibliya yung salitang kasal. Bet, kiss my pwet. Wala talaga! Ang nakalagay lang dun, ‘Ang pinagsama ng Diyos‘ hindi sinabi ang pinagsama ng kasal or simabahan. Kasal ka nga, hindi mo naman mahal yung taong ikinasal sa’yo – what’s the use crazy shoes?

Diyos. Ang pinagsama ng Diyos. Ano ba ibig sabihin na pinagsama ang Diyos? Ang Diyos ay pag-ibig. So ibig sabihin, ang taong pinagsama ng walang hanggan na pagmamahal ang batayan. Tao lang naman may gawa ng kasal kasal na yan so hindi sya dapat batayan ng buong relasyon nyo sa isa’t isa. Kumbaga, hindi siya validation ng pagmamahal. Dahil walang sino man ang makakapag-validate nun kung hindi ang dalawang nag-iibigan lamang.

Share ko lang mga thoughts ko. Hahaha

Anyway…

Kumuha ako ng mga litrato pero wala akong litrato ng kinasal. Galing noh.

Buti pa ang card ng regalo namin sa kanya, may forever
Buti pa ang card ng regalo namin sa kanya, may forever
Black and Red Wedding - Game of Thrones ang peg?
Black and Red Wedding – Game of Thrones ang peg?
Nakakaloka. Habang may misa, selfie ng selfie tong mga babaeng 'to.
Nakakaloka. Habang may misa, selfie ng selfie tong babaeng ‘to. Mga kabataan talaga ngayon
Table number namin. Is this a sign? Charaught
Table number namin. Is this a sign? Charaught
Sige, tulog. Di na ginalang ang pari. Hahaha
Sige, tulog. Di na ginalang ang pari. Hahaha
He loves me, he loves me not
He loves me, he loves me not
Minsan lang may kalarong mga bata
Minsan lang may kalarong mga bata

May nangyaring nakakatawa:

Diba siyempre habang may misa, may lalapit sa’yo dahil sa communion. Aba, nung may dumating, tayo agad ako. Nagtataka ako bakit ako lang yung tumayo. Siguro yung iba hindi magco-communion. Eh di gumora ako. Pagkadating ko dun sa harap ng tao, yung lagayan ng ostya eh pera ang nakalagay.

Anak ng tinapay naman oh.

Akala siguro nung babae magdodonate ako. Halatang hindi ako nagsisimba kasi hindi ko alam if queue na ng donation or communion. Hahaha.

Aba sinundan niya pa ako pagupo ko. Napabigay tuloy ako ng bente pesos. Bente pesos na hindi ako alam saan mapupunta ang bente ko. Kung sa bulsa ba nila o sa bulsa ni father. Di bale. Let’s give them the benefit of the doubt.

Tawa ng tawa nanay ko. Di niya mapigilan ang tawa niya. Nakakahiya sa mga ibang nagsisimba. Hahaha.

Advertisements

5 thoughts on “Christina Perri

  1. In my humble opinion lang din po, Unj. :)

    Naniniwala po ako na hindi sapat na batayan ang kasal sa pagmamahalan ng isang babae’t lalaki. Ngunit ako din po ay naniniwala sa sakramento ng kasal. The problem just lies with the PEOPLE. Yung iba po kasi, they just take it for granted, na para bang pumasok lang sila sa isang trabaho na kung kailan nila gusto ay pwede silang makapag quit. Sa kasal po, God unites the couple, though di natin ito nakikita sa ating mga mata. There are things that we just can’t see, even the mass has its mysteries. It’s just really us, people. Tsk.

    Liked by 1 person

    1. Ngunit ako din po ay naniniwala sa sakramento ng kasal. — Agreed as well. Sacrament that should be held by God not by the church. Mahirap maging sacred ang isang bagay dahil lang sinabi na sacred siya. Dapat ang mga so-called “tao” na nagpapatupad nito ay sacred din. The thing is, nasa Pilipinas tayo – hindi. Hahaha

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s