Negosyo o Kalayaan? Bayan o Sarili?

Sa wakas. Nanuod na ako ng Heneral Luna noong Miyerkules.

8-Heneral-Luna-Reactions-to-Modern-Day-Pinoy-Problems_p-4
Source: http://8list.ph/heneral-luna-quotes/

Sa wakas. Matagal ko na rin inantay panuorin ito hindi dahil sa maraming nagsasabi na maganda ito kung hindi dahil mahilig talaga ako sa historya. Kahit saang nakaraan basta pulitika o basta, historya nga. Hahaha.

Noong una kong nakita yung trailer ng pelikulang ito, sabi ko mukhang interesting. Actually hindi lang naman ito. Marami akong mga hanggang trailer nalang ang napapanuod ko. Tipong El Presidente, Emilio Aguinaldo na mga pellikula na sana napanuod ko. (Meron kaya sa torrent nito?)

Anyway, buti naman sa sine ko napanuod yung Heneral Luna. Kasama ko mga ka-opisina ko na si Cy and Shie. Sa Festival Mall kami nanuod kasi hindi na siya showing sa SM BF o sa SM Sucat. Last full show pinanuod namin dahil 7pm ang labas namin ng opisina. So, goodluck talaga yung daan ko pauwi. Hahaha.

8-Heneral-Luna-Reactions-to-Modern-Day-Pinoy-Problems_p-5

Oo, maganda siya.

Masasabi mo talaga yun sa sarili mo. Tska nakakatuwa kasi ngayon lang ako nakapanuod ng pelikulang Pilipino na pinalakpan bukod sa OTJ (On The Job).

Ito ang masasabi ko sa pelikula:

  • Pananalita – Yung pananalita nila ay totoo. Ipokrito nalang ang magsabi na panget magmura pero mas nadala nito ang pelikula at ang kanilang salit-salitan.
    • Pinakagusto kong mga linya nila:
      • Negosyo o kalayaan?” Pinapakita dito ang pagiging makasarili natin. Ganyan naman tayong mga Pilipino. Mas pipiliin natin kung saan tayo makikinabang at MAGKAKAPERA.
      • Bayan o sarili, pumili ka!” Pagiging makasarili parin.
      • Ganyan naman po ang mga Pilipino, palaging inuuna ang pamilya.” Hindi naman na sinasabi dito na kalimutan ang pamilya. Sinasabi dito na hindi lahat ng bagay dapat umikot sa sariling pangangailangan. Dapat nating isipin na parte din tayo ng isang komunidad at meron din tayong responsibilidad sa kapwa natin.
      • At ‘yan din ang sakit natin. Kaya nating magbuwis ng buhay para sa pamilya, pero para sa isang prinsipyong makabayan?” Parati nalang kasi natin iniisip na masagip ang sariling atin at hindi sagipin ang mga paniniwala natin.
      • May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano–ang ating sarili.” Totoo ito. Sa modernong panahon, simpleng produkto ng ibang bansa kaya natin tangkilikin dahil sa pagyayabang o dahil status symbol siya. Isipin natin na meron parin tayong maibubuga, mga produktong Pilipino. Hindi lang produkto ang sinasabi dito kung hindi kung paano natin tratuhin ang sarili natin. Hindi na tayo nagiging totoo sa sarili natin dahil lagi natin iniisip ang mga sinasabi ng iba o anong magiging reakson ng iba. Mahalin natin ang mga sarili natin. Huwag natin dayaan ang sarili natin.
      • Malaking trabaho ang ipagkaisa ang bansang watak-watak, Joven.” Iyan ang mahirap sa ngayon. Marami nang taong lumuluwas sa ibang bansa dahil nakikita nilang mas may magagandang oportunidad doon. Pero ako, never ko naisip mag-abroad. Siguro para maging turista pero yung tumira at magtrabaho doon, ayoko. Kaya mo naman kumita ng malaki sa sarili mong bansa eh. Kailangan mo lang ay sipag at tiyaga. Huwag maging masyadong ambisosya. Kahit sa pulitika, mismo mga pulitiko natin ang nagaaway-away. Imbis bigyan solusyon ang problema, nagiging dagdag pa sila sa problema.
      • Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi, nakakapagod.” Tbh, naiyak talaga ako dito nung sinabi niya ito. Totoo. Tagos. Shots fired.
      • Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol
        sa kahit na anong bagay.” Shots fired parin. Hehehe. Hilig makipagtalo sa isa’t isa na wala namang base. Masabi lang na mas magaling ang isa.
      • Handang magtapon ng dugo ang totoong makabayan. Hindi pagdurusa ang pagdaan sa napakatinding pasakit. Para kang tumanggap ng basbas, parang pag-ibig.” Lalo na nung sinabi ni Buencamino na, “Mahal ko ang Pilipinas!” sobrang napa- ‘Putang ina sobrang tama!’ yung sinagot ni Luna sa kanya na, “Kaya mo bang mamatay para sa kanya?” Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao o bagay, handa ka talagang mag-sakripisyo para sa kanya.
      • Ang taong may damdamin ay hindi alipin.” Dahil meron tayong pinanghahawakan na prinsipyo.
      • Wala na tayong panahon sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan.” Priorities. Nakakalimutan na natin minsan bigyang halaga ang mga bagay na may patutunguhan. Parang sapat na sa atin ang ganito. Ayaw natin sumikap na mas maging produktibo ang mga ginagawa natin para sa bayan.
  • Damit – Talagang pinaghandaan at tiyanaga nila gawin ang costume nila.
  • Patama – Patama sa gobyerno. Patama sa mga Pilipino. Patama sa mga kagaguhan na ginagawa nating lahat. Patama na dapat mahalin natin ang ating bansa.
  • Artista – Iba. Tamang-tama sa panlasa. Hindi dahil katakam-takam si Joem Bascon at Paulo Avelino (I mean oo, matatakam ka habang nanunuod) pero sobrang swak ang mga personalidad sa mga karakter na kanilang ginaganap.
  • Lugar – Sakto lang. Hindi ganun kalawak pero natupad naman nila ang gusto nilang maramdaman ng nanunuod at kapani-paniwala naman.

Mga natutunan at naramdaman ko sa pelikula:

Mahal ko ang Pilipinas pero mas napamahal ako, hindi lang sa bansa kung hindi lalo na kay Paulo Avelino

2
YUMMY MO TE

Wag natin kalimutan si Joem Bascon

10460679_1511887372359327_6202174920868290103_n-e1441189159595
Kahit nakasimangot ka, yummy ka parin

Hindi ko kilala si Manuel Quezon na artista, pero may dating din sya

lt-quezon_ben-alves1

Enough of the kalandian. Focus tayo sa mga natutuwa ako na scenes:

Kailangan lahat tayo ganito katapang lumaban para sa bansa natin. Nakakatuwa na may ganitong lider noong unang panahon.
Kailangan lahat tayo ganito katapang lumaban para sa bansa natin. Nakakatuwa na may ganitong lider noong unang panahon.
heneral-luna
Grabe ang katapangan. Pero mas gusto ko yung natatanggal yung mga ulo atbp kasi mahilig talaga ako sa mga ganitong palabas. Mga duguan at brutal haha
Laughtrip ni Archie, grabe! Hahahaha
Laughtrip ni Archie, grabe! Hahahaha
Naramdaman ko dito ang pagiging carinyong brutal niya - which is gusto ko talaga para sa isang Presidente
Naramdaman ko dito ang pagiging carinyong brutal niya – which is gusto ko talaga para sa isang Presidente
Magaling na kontrabida si Ketchup.
Magaling na kontrabida si Ketchup.
Mayroon na palang tulad mo dati. Tsk. Akala ko pa naman okay na okay dati ang mga lider ng ating bansa.
Mayroon na palang tulad mo dati. Tsk. Akala ko pa naman okay na okay dati ang mga lider ng ating bansa.
Advertisements

16 thoughts on “Negosyo o Kalayaan? Bayan o Sarili?

    1. Alam mo, iyan din naiisip ko the whole time nung pinapanuod yung pelikula.

      Dahil diyan, mag-ready na tayo sa isa nanamang digmaan. Napaka-swerte naman natin tapos si Donald Trump ang magiging Presidente nila.

      Thanks for making things worse! Charaught lang.

      Feeling ko magugustuhan ng mga Amerikano yan kasi matatawa sila na para tayong mga tanga na tayo mismo nagaaway. Hahaha.

      Liked by 1 person

      1. Hahaha. Diba ang labo e. Pero oo nga, baka i-affirm lang din ng pelikula kung gaano katalino tong mga kano, dahil pinaikot nila tayo haha. At tingin ko, hanggang ngayon nagrereflect pa rin naman kung paano nila tayo ganyanin. Ibang medium nga lang gamit nila.

        Suggest ko pala tong movie na to “Goodbye Lenin”. Mala-history din. Pag may time ka. Sa youtube meron.

        Liked by 1 person

      2. Oo. May point ka din. Somewhat win-win situation for both countries. Kebs lang ang Spain dito. Haha

        Sige sige. Malinaw naman yung kopya?

        (At talaga yung linaw ang inatupag ko haha)

        Like

  1. Yung totoo, nakaopen memo ng phone mo nung nanunood ka?hehe Anyway, kahit masakit ang ulo ko, pinilit kong inintindi sya. And timely na merong pelikula na ganyan, Filipinos should be into the message. Tinatawid tayo sa isang daang nakalipas na kasaysayan, at hanggang ngayon, yun parin ang mensahe. Naiba man ang pangalan, mukha at katayuan sa buhay, makikilala ba natin si Aguinaldo, Mabini, Rizal, Luna, Bonifacio, Gabriela ng kasalukuyan?
    History repeats itself nga di ba? Hangga’t di natututo kaya beware.

    Liked by 1 person

  2. Have YOU asked yourself this question? Negosyo o kalayaan, bayan o sarili? What is your response? IMO, very few (VERY FEW) would respond – kalayaan and bayan, in that order. NOW, ask yourself WHY that is???

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s