Case of the Ex

“Tama bang maging kaibigan mo ang ex mo?”

Yan, ganyan tayo eh. Bakit ba lagi tinatanong yan? Minahal mo naman. Nagpalitan naman kayo ng kuru-kuro. Nagpalitan pa kayo ng laway sa sinehan. Hindi mo sinamahan mga thesismates mo kesyo may lakad kang importante pero ang totoo, pupunta lang kayo ng motel. Pinakilala mo naman sa tatay mong strikto. Pinakilala mo naman sa kaibigan mong hindi siya gusto. Pinakilala mo pa sa aso niyong matapang.

Sa tingin ko, ang sagot ko sa tanong na iyan ay tama lang naman maging magkaibigan kayo PERO depende sa pangyayari bakit kayo naghiwalay.

Share ko lang.

Yung una kong boyfriend, sobrang bagets pa kami. As in literal na puppy love pero I think nagseryosohan naman kami kasi tumagal kami ng 2 years and something months for the ages of 12 and 14 ha. Can you imagine?! Siguro kasi bestfriends kami.  Eh wala namang kaso yung mga away-bati namin dati kasi nga immature pa kami noon.  On and off kami parati, as in.

Reason for breaking up: Bata pa kasi kami. Marami siyang nagustuhang babae. Marami din akong nagustuhang lalake. Magkaiba kasi kami ng school.

funny1-300x208

Bakit kaibigan ko parin siya: Siguro kasi nagstart kami as bestfriends. Ayaw naman namin sayangin yung friendship. The fact na our families are good friends with each other, nang dahil lang sa mga mababaw na bagay kaya kami mag-break, hahayaan ba namin mawala lahat yun? Tska kung iisipin lang namin mga pinaggagagawa namin dati, nakakatawa nalang. Hanggang ngayon pinagtatawanan parin namin – pero hanggang ngayon inaasar parin kami.

___________________________________________________________________________

Yung pangalawa kong boyfriend, bagets parin ako nito. High school din pero nga na-meet ko siya sa community blog. On and off relationship namin dahil sa irreconcilable differences, charaught! Pero seryoso. Proximity is sobrang layo. Belief I would say, pwede rin. Outlook in life magkaiba din.

Reason for breaking up: College na nung nag-break kami. Yung reason is dahil yata sa friends ko and friends niya.

Screenshot 2014-12-30 at 9.21.10 PM

Bakit kaibigan ko parin siya: No hard feelings. Wala naman dapat ikagalit sa isa’t isa kasi syempre, being 17-year-olds, nandoon parin sa stage ng immaturity tska mas nag-expand na yung horizon mo since transition siya ng high school to college.

_____________________________________________________________________________

Yung pangatlo kong boyfriend, na-meet ko dahil best friend siya ng kabarkada ko nung college. 1 month lang kami. Oha, oha. Pero yung sa kanya yung pinakagusto kong break-up kasi sobrang nagpakalalake siya. Oo syempre malungkot kasi siya yung umayaw pero nakakatuwa kasi nirespeto niya ako bilang babae. Kumain pa nga kami ng dinner after tapos hinatid pa niya ako sa sakayan. BREAK-UP GOALS Y’ALL! Hahaha

Reason for breaking up: Nasakal ko siya. Sobrang matampuhin kasi ako dati. I mean until now pero hindi na tulad ng dati na over over.

download (1)

Bakit kaibigan ko parin siya: Hindi kami naguusap like as friends, pero yung simple commenting and liking lang sa social media ganyan. Wala namang dapat ika-bitter kasi napakaayos ng pagsabi ng goodbye sa isa’t isa.

_____________________________________________________________________________

Yung pang-apat kong boyfriend. Siguro dito na magiiba pananaw ko sa pagiging kaibigan ang ex mo. College common friend, naging classmate din.

Reason for breaking up: Hindi niya daw anak ang anak namin. Oha, oha.

Bakit hindi ko na siya kaibigan: Hindi naman dapat kaibiganin yung mga ganung tao. Based sa mga kwento ko above, mga deserve mo lang maging kaibigan (sa pananaw ko ah), eh kahit ex mo siya pero at least at some point, nirespeto at minahal ka niya.

_____________________________________________________________________________

qeeh0

Hindi ako nagiging bitter. I’m stating facts kasi ang daming taong tinatanong itong tanong na ito sa radio stations, podcasts, forums at blogs na minsan gusto ko na sumingit sa usapan. Ginawa ko lang sagot ko in the form of storytelling para malinaw sa lahat ang basis ko bakit. Yes. Tama naman na maging kaibigan mo ang ex mo as long as alam mong nagmahalan at nagrespetuhan naman kayo.

good-let-the-hate-flow-through-you-john-mccain-meme

Ang gusto ko lang talaga sabihin is kung valid naman ang reason ng paghihiwalay niyo and hindi naman minolestiya yung pagkatao mo, walang masama na maging magkaibigan kayo. Kasi mayroon naman kayong magagandang alala. Wag niyong bilangin yung dami ng pinag-awayan tska mga pagkakamali ninyo pareho (lalo na kung bagets pa kayo noon, susme. Pagtatawanan mo lang talaga lahat). Isipin niyo yung mga natutunan niyo sa isa’t isa. Kung paano humalik ng maayos, ganyan. Charchar lang. Basta alam niyo na yung sinasabi ko. Ang maganda dito, bawat relasyon na pinasok mo (na pinasok ka, charaught), mayroon kang alam na gagawin mo at hindi para sa susunod mo na makakarelasyon – which is important. Alam mo na yung mga rason na ayaw nila at gusto nila sa’yo. Nakatulong pa ang paghihiwalay at pagiging magkaibigan ninyo.

Kung mahal mo ang tao, kahit nasaan pa siya ngayon at kung sino kasama niya, magiging masaya ka para sa kanya.

Unless nga pareho tayo ng kaso. Hahahaha

Advertisements

26 thoughts on “Case of the Ex

    1. Hi Kaking! Kaking nga ba nickname mo? Haha sorry. FC lang.

      Hindi totoo yun. The fact na kaya mo tanggapin nanyari sa inyong dalawa and the fact na na-let go nyo isa’t isa but you can still talk to each other casually, it means minahal mo kasi magaan ang pakiramdam mo. One factor of love is being humble to one another. ;)

      Liked by 1 person

  1. I agree ate! Super. Haha. Kung May maayos na pundasyon naman yung naging pagsasama, hindi masama kung magiging magkaibigan. And i ‘believe’ (Q&A lang ang peg. Haha) kung talagang mahal mo yung tao, magiging masaya kayo sa desisyon ng isa’t isa and ittreasure yung memories and friendship. ;)

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s