A Sky Full of Stars

Hindi ako yung klase ng tao na mahilig mag-plano. Seryoso. Tamad ako.

Maski nga sa planner, lalo na nung hype mag-collect ng Starbucks tska yung mahal na planner na kaartehan sa National (forgot what it’s called), hindi talaga. Mahilig lang ako mag-collect ng stickers para ibigay ko sa ate ko or sa kaibigan ko para makuha nila planner nila. Well, mahilig ako mag-kape so I guess that compensates everything.

Alam niyo naman na nung bata pa tayo, wala tayo ginawa kung hindi maglaro. Maglaro ng bahay-bahayan, doktor-doktoran, teacher-teacheran at kung anu-ano pa. Isama na din si Bing Bong bilang kalaro natin.

Puro pangarap lang dati. Tulad ng:

  • Gusto ko maging swimmer. Mahilig talaga ako mag-swimming. Alam mo yun, naliligo ka na at the same time nag-eexercise ka pa!
  • Gusto ko mag-artista. As in sumali ako sa acting workshops sa ABS tapos naging kabatch ko pa ata si Heart Evangelista noon pero hapon siya, ako umaga. Pinag-singing lessons din ako ng nanay ko. Yung sa pagsasayaw, hilig ko talaga since bata pa ako.
  • Gusto ko maging newscaster. Favorite ko si Korina Sanchez dati. As in nagpadala pa ako ng sulat sa kanya with my picture kasi may hawig daw ako kay Korina dati. Ngayon, ayoko na sa kanya. Maturity. Hahaha. People change.
  • Gusto ko maging professional tennis player. Ako nalang tuloy ang pinaglaruan ng mga lalake.
  • Gusto ko maging doktor. Pero mukhang yung mga exams ko nalang yung dinoktor ko. Well, at least!
  • Gusto ko maging dentista. Pero hanggang ngayon, hindi pa ako nagpapa-braces. Financial issues. Third-world problems.
  • Gusto ko na makasal or magkaroon ng pamilya at the age of 26. Bullshit pala tong mga naririnig ko sa ibang elders dati. Eh ngayon, mag-25 na ako pero waley. Akala ko makatotohanan itong pangarap na ito.
  • Gusto ko magkaroon ng bahay at the age of 26 din, pati kotse and business. This timeline making is so stupid. Making a fool out of myself.

Pero keri lang. Pangarap lang naman sila. Bitter lang ako sa iba.

Basta, ang dami kong pangarap sa buhay na alam ko naman hindi matutupad.

images (1)

10 years ago, 2nd year high school ako. Hindi ko makakalimutan itong taon na ito kasi nakasama ako sa play namin ng Noli Me Tangere. Ako si Noli. Char. Basta, isa ako sa mga karakter doon. Isa pang hindi ko makakalimutan eh yung Chemistry teacher namin. Aside sa maganda siya and matalino, araw-araw iba sapatos niya na nakakatuwa din naman kasi bawat suot niyang kulay na sapatos, naaalala ko yung element na tinuturo niya.

Kaya lang naalala ko rin, nung mga panahon na yun, mayroon kaming tanong during our guidance counseling time with our guidance counselor (malamang) sa tanong na: 10 years from now, where do you see yourself?

tumblr_inline_mz3h4jNT0G1r3s168

 

Shit nalang nasabi ko.

Siyempre, 15 years old ako so sa sarili ko wala akong maisip na plano. Gusto kong gumimmick nang gumimmick. Gusto ko lang tumambay sa bahay ng kaibigan ko at mag-inom. (Sorry, I was really exposed to alchohol at a very young age. Hindi na ako pwede maging juvenile kasi past is past. Wala nang habol ang NBI sa akin – for storytelling purposes only). Gusto ko lang manuod ng sine at magkita kami parati nung boyfriend ko that time, at kung anu-ano pang klase ng “pagkikita.” Bwahaha!

Ang sabi din sa akin ni Ms. Guidance Counselor (GC nalang itawag parang fashion pulis ang peg ng pagsusulat ko) na isipin ko daw muna kung ano yung gusto kong kunin na kurso since the following year, magkakaroon kami ng reviews sa school para sa entrace exam sa college.

Pero nung naisip ko na, tatlong taon nalang nasa kolehiyo na ako, hinanap ko yung nilalaman ng puso ko: Ang pagsusulat.

So sabi ko, ah okay. So Mass Communications nalang kukunin ko or anything related to Journalism or Writing.

career-memes-journalis-main

Siyempre, hindi ako pumasa sa entrance exams ng Top 3 schools dahil quota course pala yung mga napili ko.

Nalaman ni Ms. GC na wala akong napasa sa Top 3 schools and nalaman niya na ang bobo ko. Char lang. So tinanong nya ako if gusto ko ba daw magpa-reconsider kasi malakas naman yung laban ko since yung high school ko is (Ano ba pwede matawag doon? Uhm, conglomerate? Sabi sa inyo bobo ako eh. Haha) basta iisa lang naman. Hindi na ako pumayag magpa-reconsider kasi dun sa school na pumasa ako (which is sister-school din so wala rin pala) nag-enjoy na ako sa orientation. Magka-TAFT-at lang naman sila sa Taft Ave. so kebs lang.

Pumasa ako sa isa which is randomly ko lang pinili na Human Resource Management. Naging interes ko nalang kasi Psychology kemerloo siya.

download (2)

Since hindi nga ako nagpla-plano, randomly ko nalang pinili yung course na yun. Kasi sa totoo lang, ang goals ko lang that time is to graduate and to have a job. Nag-enjoy naman ako and people-person naman ako so sige, give way nalang basta ang importante makakuha ako ng trabaho.

thinks_find_job

Wala rin sa plano ko magkaroon ng anak ng maaga. Eh kaya nga ako nagkaroon ng anak sa maagang edad dahil nga hindi ako mahilig mag-plano. Eh ang lagay eh… Hahaha

meme7

Ngayon, 24 na ako and by December, quarter-life ko na, naiisip ko tuloy: After 10 years, nasaan na ako?

So 35 na ako nun.

Pero nag-iba na. Parang nung nagkaanak ako, natuto na akong mag-plano. Pareho para sa anak ko and para sa sarili ko. Pati pag-iipon hindi talaga nananalaytay sa dugo ko. Kasi nga, Ms. Spectacular Now ako so go with the flow ang peg ng personality ko. As in wala akong pakialam sa bukas kasi ang lagi kong sinasabi sa sarili ko, “Paano kung patay na ako bukas? Syempre, gagawin ko na lahat ng best ko ngayon. Bakit ko proproblemahin ang bukas na wala pa?”

Pero nang dahil sa di planado na nagkaanak ako, kumbaga on the contrary, doon ako naging planado sa buhay ko; para sa kanya.

Pwede pala yun noh? Nang dahil sa isang bagay na hindi mo plinano, tuturuan ka ng pangyayari na iyon na maghanda ka.

So ngayon, dumami na pangarap at mga plano ko.

Pero dumami rin ang gastos ko – which is okay lang kasi para sa kanya naman.

Puro plano na ako ngayon. Tulad ng:

  • Gusto ko mag-aral na siya between the ages of 3-4. Kasi ganito ginawa sa akin ng nanay ko.
  • Gusto ko ipagpatuloy na maging healthy and matalino siya. Consistently ko naman siya napapakain ng mga healthy na pagkain. Mga liempo, crispy-pata at sisig! Hahaha. Malakas na rin siya mag-gatas. Binibilhan ko din sya ng mga books. Which is nakakatuwa naman kasi mabilis siya matuto.
  • Gusto ko magtayo ng business. Tipong networking. Charaught. Nagiisip pa ako ng magandang business. Ayoko ng restaurant kasi tamad at hindi ako marunong mag-luto. Gusto ko something related sa passion ko. Either writing, music, movies or coffee.
  • Gusto ko syempre tumaas ang posisyon sa kompanya. Hindi yung puro missionary, helicopter at doggie nalang ang position.

Kaya kayo, sa mga hindi mahilig mag-ipon o mag-plano, magbuntis na ng maaga para matuto kayo. Charaught lang siyempre.

Nasa inyo parin kung paano niyo gusto gawin ang buhay niyo. Yung nangyari kasi sa akin, I learned it the hard way. Mas natuto ako from experience but I’m not saying you should always learn the hard way.

It’s always best learning the easy way – which is listening to adults/elders or anyone who have experienced the same encounters. :)

And all of the bad experiences always lead to good ones – which is your choice though ;)

55287670

 

Advertisements

14 thoughts on “A Sky Full of Stars

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s