Ten Ten De Sarapen

Isa

Isa lang akong taong nagmamahal

Isa lang akong taong naghihintay na nang matagal

Isa lang akong taong nawalan na nang dangal

Isa lang pala

Ako lang

Ako lang yung nagmamahal

Dalawa

Parati nalang ako pangalawa

Pangalawang nagpapasalamat

Pangalawang pumepwesto sa pila ng mga mahal mo kuno

Pangalawang nagkulang

Pangalawang nangangalawang na

Dalawa mong itlog na lagi nalang hayok sa pagpapaluwang

Tatlo

Tatlong oras lang noong tayo ang muling nagkausap

Tatlong araw lang noong hindi na

Tatlong taon lang ang relasyon mo sa kanya

Na tatlong beses mo rin siyang pinagpalit, tulad ng ginawa mo sa akin

Tatlo parin itong pitaka kong may litrato mo

Tatlong parin itong kandilang hawak ko para sunugin ito

Tatlo ang numerong pinaramdam mo sa akin na ako ay talo

Apat

Apat na sakay

Apat ng klaseng transportasyon

Apat na papunta dito, papunta doon

Apat na paliku-liko hanggang napunta na sa wala

Apat na kahit anong gawin ko, hindi naman ako ang nararapat

Lima

Limang beses mo akong tinawag na timang

Limang sipa,tadyak, hila at kurot ang aking naidulot

Limang daliri na muntik mo nang putulin para di ko na mahawakan ang kamay mo

Limang araw ang hindi ko pinasok dahil ako ang pinasok mo, para lang sa iyo

Anim

Anim na pagdarasal sa isang araw

Anim na paghihinagpis na sana hindi na lumabis

Anim na magagandang alaala’y sana ay naitanim

Pero hindi ikaw ang hardinero ng puso ko

Hindi ikaw ang maglilinis ng mga kulob na lupa at iba pang bagay na nakatanim dito

Hardinero ka ng puso ng iba

Wala kang ginawa kung hindi diligan sila

Pito

Hindi ikaw yung klaseng magpapatahimik sa akin

Dahil ito ay bilang

Hindi ito yung ginagamit ng mga humihingi ng saklolo

Yung pitong araw na hindi ka matanggal sa isipan ko

Yun yung kailangan kong saklolo

Yung pitong araw, araw-araw sa buong taon

Sana lang binigyan mo ng halaga ang pitong araw na pwede pa sana nating ayusin

Buti pa ang Diyos, natapos Niya lahat sa loob ng pitong araw

Nagawa Niya pang magpahinga, huminga at magpasalamat

Eh ikaw?

Nagpahinga ka nga

Kasi nga napagod ka na

Walo

Ang numerong walang katapusan

Ang numerong suma total ng mga letrang sabi mo sa Ingles na pinaniwala mo ako

Ang numerong simbolo ng iyong pagloloko

Dahil nahuli kita

Sabi mo sa akin nasa trabaho ka

Pero ayun pala

Walong oras nga

Trinatrabaho mo naman ang iba

Siyam

Siyam na araw ako gising ng gising ng maaga para magdasal

Para makain ko ang mga paborito kong kakanin na laging nasa tabi ng simbahan

Ramdam ko na ang lamig ng panahon at ang kasiyahan sa paligid

Ipapanganak na Siya

Ikaw lang yung ipinagdadasal ko

Na sana magbago ka

Na sana maramdaman mong pwede pa

Subukan pa natin sana

Kaya lang nung araw na ipinanganak na Siya

Pinatay mo naman ako sa buhay mo

Sampu

Sampung taon na ang nakalipas

Pinilit kong mawala

Sinubukan kong magmahal ng iba

Ipinaglaban ko ang damdamin na sana’y mawala ka na

Pero wala eh

Sampung taon na ang nakalipas

Mahal parin kita

Pero sabi mo sa akin

Mayroon na akong bagong mahal

Mas mahal ko siya higit pa sa aking sarili

Tinanong ko kung ano ba ang nangyari sa atin

Sabi mo nawala ako

Sabi ko bakit hindi mo ako ipinaglaban

Tinanong mo ako kung ginusto ko ba

Sabi ko oo

Kasi kung sinabi ko ng maaga

Eh di sana wala kang anak na sing talino at mapagmahal niya

Advertisements

3 thoughts on “Ten Ten De Sarapen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s