She Keeps Me Warm

Bakit sobrang big deal sa ibang tao ang pagiging homosexual?

Actually, pati ako hindi ko alam ang eksaktong sagot dito.

Kasi to be honest, nung bata ako hindi ko naiintindihan kung sino sila. Kung bakit sila ganun magdamit. Kung bakit ganun sila magsalita. Kung bakit wala mang lang nag-eexplain sa akin ano ba ang purpose bakit sila nandito sa mundo.

Umpisahan natin sa mga lesbian/lesbiana/butch/tomboy/tibo/tibs. To be honest ulit, bilang babae, hindi talaga ako kumportable na nakikita ko yung magisi nilang buhok, ipit nilang dede, lalake nilang galaw at kadramahan nila sa buhay na todo talo pa ang lalakeng straight at babaeng straight sa pagiging sobrang clingy at emosyonal.  Tapos oo, to be honest na rin mayroon na ring mga tulad nila na siguro nagparamdam or pumorma sa akin which made me feel more odd.

183315106eec338e727d6c089c134c31

Hanggang sa nakilala ko yun una kong kaibigan na lesbian na si Balot. Haha. Natawa ako bigla kasi nakakatawa naman talaga pangalan niya. Ang galing niya tumugtog ng gitara (alanga naman magpukpok ng gitara). Nang dahil sa kanya, natuto ako uminom at mag-gitara – jamming kumabaga na may alak. Natuto akong mag-appreciate lalo ng OPM. After ni Balot, nakilala ko naman si Tammy. Hindi kami ganun ka-close ni Tammy nung una pero naging close kami dahil pareho kami ng mentor sa second work ko. Nang dahil sa kanya, natuto akong umunawa sa importansya ng trabahong iiwanan mo. Sumunod na taon, nakilala ko naman si Ice. Si Ice, bagong miyembro sa foundation na member ako. Sa team namin siya napunta. Nang dahil sa kanya natuto na ako tumanggap. Naisip ko rin naman kasi may mga babae akong kaibigan na nagkaroon rin sila ng relationship of the same sex dati. And then, bestfriend ko na super daming boys dati, ngayon may karelasyon na syang tibs.

When it comes sa mga bakla naman, alam naman nating lahat na diring-diri ang mga tunay na lalake sa kanila. Kasi naman nandyan na yung mga indecent proposals, sugar daddies at kung anu-ano pang klaseng offer maka-chupa lang. To be honest, never ako nangdiri sa kanila. Kasi oo, alam ko na gagawin nila lahat para lang sa lalake eh. Eh wala tayong magagawa kasi yun ang preference nila. Una kong nakilalang bakla is pinsan ko. Nung nakita ko na siya yung kumakayod para lang tulungan ang pamilya niyang baon na sa utang, naisip ko, wala namang masama eh. Kumakayod na decente ang trabaho at hindi nanghuhuthut ng pera sa mga kajowaan niya. Susunod kong nakilala is ka-miyembero ko sa foundation, si Duday (Dodoy pa tawag namin sa kanya dati). Simula nung dumating siya, ang dami niyang naitulong. Siya mostly yung nagluluto tska namamalengke (kasi tamad kami, hehe). Nung sa second work ko, nakilala ko si Anj. Simula nung nakilala ko siya, ang dami kong nalaman about gadgets (specifically mga dos and don’ts). Mayroon din akong mga nakilala sa present work ko pero sa ibang team. Nakakatuwa kasi makikita mo yung galing nila magtrabaho at the same time masaya silang katrabaho (at kainuman). Ang dami ko ring nalaman na masasarap na kainan and milktea! Lastly, hindi ko makakalimutan i-mention yung susunod na beks kasi nang dahil sa kanya kaya ko ginawa itong post na ito. Itago nalang natin siya sa pangalang Joc (Jocjoc Bolante lang?). Si Joc lately ko lang siya nakilala pero sobrang sakto sa timing. Ang gaan ng pakiramdam namin sa isa’t isa, ang dami naming similarities, at ang saya parati ng usapan namin. Galing talaga ni God tumi-ming. Matagal na kasi ako walang nakakausap na tulad niya. Pseudo-boyfriend ang peg pero girlfriend lumabas. Sobrang thankful ako.

images

So ayun.

Wala naman palang masama. Hindi naman pala nakakahawa. Hindi naman sila nakakadiri. Ang dami naman pala nilang naco-contribute sa pang araw-araw. Siguro kaya big deal ang mga lesbian/bakla sa ibang tao kasi hindi pa sila nakakakilala nung talagang close nila. Siyempre, being the typical hypocrite that we are, mabilis tayo mag-judge. Ito yung mga usual na sinasabi natin kapag nakikita natin sila:

  • “Oh my god, look at that face, you look like my next mistake. Love’s a game wanna play? Charaught. Ano ba yan! Nakakadiri. Oo na alam na naming pareho kayong babae/lalake pero huwag naman kayo mag-PDA sa harap namin! Kumuha kayo ng kwarto!” – Ha? Wait lang. Kapag straight lang ang pwede? Eh kung sinabi ko sa’yo na mga tulad mong magaganda hindi pwede makapasok sa zoo kasi tang ina, ang ganda mo eh noh? Or kayong mga maliliit hindi pwede mag-asawa kasi lahat ng titi ng lalake, malaki! Diba? Nakakainis diba? Ano pa nga ba? We live in a world na wala na tayong ginawa kung hindi mag-discriminate ng lapses ng ibang tao. Pilipinas pa lang eh, may age limit para magtrabaho.

image

  • “Mga walang respeto! Mga makasalanan! Hindi na kayo nahiya sa Diyos?” – Teka lang. Paano sila nawalan ng respeto? Mas nagkaroon nga sila ng respeto sa sarili nila kasi minahal nila sarili nila. Nagpakatotoo sila sa sarili nila. Makasalanan? Paano sila naging makasalanan?  Ano yung ikakahiya sa Diyos? Sexualidad nila? Teka bakit? Ano ang nakakahiya doon? Siguro naman mas panget yung peke ka sa harap ng Diyos. Parang ikaw na akala mo kung sino kang malinis at madasalin pero sa likod ng pinapakita mo, marami kang tinatapakan na tao. Marami kang tinatapon na basura sa kalye. Hindi mo kaya sumunod sa batas. Marami ka nang ninakawan at pinagtawanan. Sino ang mas nakakahiya sa Diyos?

ed714ba6f8441d47fa31679afbed08e9e52cfcea2a216e61195de293b7e9cf46

  • “Hindi naman kayo magkakaanak!” – Ah dahil ba hindi sila magkaanak ng sarili nilang dugo? Pero tingin ko naman wag na nila gawin yung akto, pero pwede sila mag-ampon. Aampunin nila mga anak niyong inabandon niyo at hindi ninyo tiyanagaang alagaan at buhayin. Nakakahiya diba? Nakakahiya naman sa inyo na sila pa ang bubuhay sa kanila.

proof-that-same-sex-couples-are-perfectly-fit-to-raise-a-child

Pwede naman na yung mga nakilala niyong homosexual eh hindi tulad ng mga nabanggit ko. Baka yung nakilala ninyo yung mga homosexual na masasama, bastos, pera lang habol, etc. Pwede naman eh. Wala naman akong sinabi na lahat sila matulungin at mababait. Pwede naman kayo umiling sa lahat ng sinasabi ko. Siguro ang gusto ko lang na iparating ay yung, pagiintindi nalang sa kanila. Not saying na you have to tolerate pati yung mga pagkakamali nila. Siguro try to embrace them para maramdaman nilang nirerespeto at tanggap sila ng lipunan. Siguro try to embrace nalang the fact na nandiyan sila. Oo, being a homosexual is a choice pero it’s also a choice if you want this world to be a better place. Kasi napakababaw mo naman kung hindi mo sila kaya tanggapin. Hindi ka din naman perpekto.

158540849352669102_kIEyDbKs_c

Ang daming hugot nito kasi ewan ko, nakakainis lang. Iba na talaga ang mundo pati ang takbo ng kitid ng utak ng mga tao ng mga bumubuo nito. Nasa iisang mundo nga tayo, ang laki ng ginagalawan pero ang sisikip ng mga pagiisip natin.

notreallyaccurate

Advertisements

7 thoughts on “She Keeps Me Warm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s