Michelle Branch

Ayoko na talaga magpunta sa salon na mahal.

Ilang salon na ang napuntahan ko na mahal pero anak ng bakang baog naman oh, hindi naman maayos ang service!

50697040

Mayroon akong salon na laging pinupuntahan. Hindi lang dahil mura sa kanila, kung hindi maayos ang serbisyo nila. Alam niyo naman na usually mani/pedi/footspa tayong mga girls diba? Sa napuntahan kong mahal na salon, hindi mura eh. Napamura ako sa service na ginawa nila. I mean, nandoon na tayo sa maganda ang ambiance (kasi amoy mayaman at gamit mayaman), nandoon na rin tayo sa friendly ang staff (well dapat naman talaga kasi usually mga customers ata ng salon na napuntahan ko na ito eh mga kilala ang mga pumupunta), nandoon na rin tayo sa mamahalin ang mga nail polish nila pero tangina, walang magandang kulay ng nail polish! The least na pwede kong mapiling maganda eh yung neon na orange! At hindi pa nga ata orange yun eh! Sana nagdala nalang ako ng sarili kong nail polish. Hahaha tapos kung magscrub si ate parang hindi naman nagamit yung pang-scrub. Kaloka. Parang dinampi niya lang sa paa ko. Sana sa mukha ko nalang pinalagay, baka makatulong pa.

Nung binigay na sa akin yung resibo, aba. Mali pa yung nakasulat. Sa ibang customer pala yung resibo.

Sorry pero sobrang praktikal ko talagang tao. Mas gugustuhin ko na yung mura pero maayos yung serbisyo.

Aanhin mo ba ang serbisyong mahal kung hindi naman sulit?

Advertisements

2 thoughts on “Michelle Branch

  1. Haha dati ganyan ako nung nagpagupit ako dun sa isang salon. 300 pesos haircut. Walangjoe ang mahal. Hindi na ako bumalik dun.

    Pero natuto rin ako na meron mga bagay na kahit gaano ka mahal ay babayaran mo pa rin. Kasi nagustuhan mo. Kasi sobrang natuwa ka. Kasi napamahal ka na. Pati ba naman dito humuhugot ako.

    Liked by 1 person

    1. So hindi mo rin nakuha ng husto yung maayos mo na haircut? Hahaha. Oo, agree. May mga bagay na mahal din na sulit naman. Kaya lang kasi yung ibang tao/owner, porkit sosyalan na ang panlabas na anyo, akala nila, mahal na rin. Dapat they should still serve it with quality parin. :)

      Grabe gusto ko yang hugot mo. Alam mo minsan, kapag binabasa ko mga post mo naiisip ko, sino kaya yang babae na yan? Haha haba ng hair! Haha.

      Minsan may mga bagay na kahit alam natin di nating kaya bayaran/panindigan, gagawin natin lahat maramdaman lamang natin sila. Char

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s