Siranggola ni Pepe

Sa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay ko

Ano yun?

Yun yung pinapangarap ko palang nung bata ako

Na may makikilala akong magmamahal sa akin at aantayin ako sa harap ng Diyos

Na hindi na siya makakapaghintay na bumuo na kami ng sarili naming pamilya

Bumuo ng sariling bahay, bumuo ng sariling negosyo, bumuo ng mga pangarap

Natupad ang lahat ng ito

Mayroon kaming tatlong anak, dalawang babae at isang lalake

Mayroon kaming sariling negosyo, dalawang matagumpay at isang medyo baon sa utang

Pinagpatuloy ko ang pagaaral ko kasi gusto ko maging abogado, pero pinagpatuloy niya ang pagsusugal at pambababae niya

Pwede naman pala matupad lahat ng mga bagay na pinakahihintay mo eh

Pero hindi porkit natupad na lahat ito, ibig sabihin nun eh magiging magaan at matiwasay

Mas lalo gumulo buhay ko, buhay namin, buhay ng mga anak namin

Sabi ko sa sarili ko ayoko na mangarap

Sabi ko sa sarili ko ayoko nang magpanggap

Na ako’y masaya, na ako’y kumpleto, na ako’y perpekto

Nakita ko ang kotse niya sa labas

Pero hindi siya ang nagmamaneho

Inabot lang sa akin ng iba niyang minamahal ang address

Address ng ospital

Address kung siya saan ibuburol at ililibing

Sa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay ko

Ano yun?

Yun yung pinapangarap ko palang nung bata ako

Na may makikilala akong magmamahal sa akin

Kaya lang mas gugustuhin ko nang hindi niya ako antayin

Ang importante eh nasa harap na siya ng Diyos

Na hindi na niya kaya bumuo ng sarili niyang pamilya

Na hindi na niya kaya bumili ng mansyon

Na hindi na niya kaya maibalik ang mga naipundar na negosyo

Natupad ang lahat ng ito

Nang dahil sa pangarap ko nung bata ako na gumaling ako

Na akala ko’y magaling na ako

Oo, magaling ako

Magaling ako humawak ng baril

Advertisements

4 thoughts on “Siranggola ni Pepe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s