Dina Bonnevie, Dina Mapigil

Heto nanaman ako

Ang sarili niloloko

Heto nanaman siya

Wala siyang kaalam-alam na ako’y napapasaya niya

Heto nanaman ako

Pinipigilan ang sarili umibig

Pinipigilan ang sarili at sana itikom na ang bibig

Heto nanaman siya

Pinagpapatuloy parin akong ibighani tila’y isang di makakalimutang bayani

Heto nanaman ako

Hindi lang nagmumukhang tanga pero matagal na ding nakanganga

Hindi lang nagmumukhang hayok pero katok na ng katok sa puso niyang hindi ko matusok

Heto nanaman siya

Hindi lang nagmumukhang manhid pero matagal nang nahihirapan sa kanyang silid

Hindi lang nagmumukhang malungkot pero gustung-gusto ko na balutan ng masayang kumot

Heto nanaman siya

Alam naman niya na wala talagang ako

Heto nanaman ako

Niloloko ko lang sarili ko na heto nanaman siya kahit wala naman talaga

Advertisements

24 thoughts on “Dina Bonnevie, Dina Mapigil

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s