Grinds My Gears: Public Restrooms

Ang pinaka-ayoko sa lahat eh yung mga taong hindi marunong gumamit ng banyo ng maayos.

cropped-screen-shot-2013-08-19-at-4-53-32-pm

  1. Ano ba ang mahirap sa simpleng pag-flush kung gumagana naman?
  2. Kung hindi gumagana ang flush, maghanap ng paraan. Siguro naman may tabo, balde at tubig na pwedeng gamitin.
  3. Kung may basurahan, paki tapon naman doon ang marumi mong tissue, napkin at kung ano pang anek-anek. Huwag itapon sa toilet bowl.
  4. Kung walang basurahan, sige pwe-pwede doon mo na itapon sa toilet bowl kung wala ka na talagang mahanap. But please, double check baka mayroon pang basurahan sa labas.
  5. Kung lalake ka, naiintindihan kong may talsik ang ihi niyo pero please gumamit naman ng tissue at alcohol o sabon at ipunas sa mga talsik niyo (only applicable sa restrooms na walang urinal).
  6. Kung babae ka, hindi ko maintindihan bakit may talsik parin ang ihi mo. At hindi ko rin maintindihan bakit pati dugo mo, may talsik parin. Paano ka ba umihi? Nakatayo te? Ano pa ang pinapangpunas mo sa talsik mong dugo? Yung napkin mong may dugo rin? Oh, please.
  7. It’s a public restroom and okay lang mag-toothbrush pero please huwag naman po mag-iwan ng talsik ng toothpaste sa lababo. Pwede namang tanggaling gamit tubig or tissue, or most preferably, kamay mo – maghugas ka nalang pagkatapos.
  8. Take note, hindi lang talsik ng dugo, ihi at toothpaste ang mahahanap mo. Pati talsik ng pubic hair na di ko mawari bakit hindi kaya punasan din. Nagiiwan ng souvenir te? Anong gagawin ko sa bulbol mo? Mag-celebrate ako? Gamitin ko sa kulam? Or gamitin ko pang-ulam?
  9. Hindi ko alam kung bakit sobrang basa ng sahig. Hindi naman siguro ihi ang mga yun pero bukod sa paglalaro ng apoy, mahilig rin pala kayo maglaro ng tubig?
  10. Yung nakapila ka na kasing ihing-ihi ka tapos may mga taong papasok kasi maghuhugas sila ng kamay? BULLSHIT. Sumisingit sila. Kapag may lumabas sa cubicle, uunahan ka pa.
  11. Yung mag-aayos ka lang ng buhok, titignan ka ng mga akala mong mga elitista na hindi ko alam kung bakit. May salamin naman doon, hindi ba dapat ang tinitignan eh yung sarili nila?
  12. Ay mayroon pa pala! Yung mga mahilig mag-make up tapos yung mga natitira nilang pulbo sa lababo, di man lang hawiin gamit ang tubig. Recycle? Gagamitin ko sa mukha ko? Or gusto mo rin pagandahin ang itsura ng lababo? Mas maganda pa ang lababo kaysa sa mukha mo te, kung sakali.
  13. Okay lang jumebs pero PLEASE BE SURE AND I AM BEGGING YOU na bumili ka ng handy na Lysol (meron nito sa Watsons, please bili ka – yung maliit na pwedeng pang-baon). At kapag jejebs ka, saktong paglabas o pag-ire mo, dapat spray at the same time. Hindi yung gusto mo muna ipaamoy sa akin ang jebs mo para marealize ko na, “Oh shit, mayroon ngang tumatae dito. Confirmed!” Sa simbahan ka pumunta kung gusto mo ng confirmation.
  14. Wala tayong magagawa sa mga taong sumusuka. Ganun talaga. Celebrate mga lasinggero at lasinggera, you’re an exception! Mamili kayo, sumuka sa inyo or sa banyo?
  15. Yung mga biglang magcoconyo-conyohan pagpasok ng banyo pero di naman talaga conyo. Maparinig lang na marunong sila mag-English! Uso ‘to sa banyo ha! Lalo na sa girls. Paglabas naman, Tagalog na. Hahaha
  16. Hindi lang pala ito applicable sa mga public restrooms, minsan sa bahay may mga tao din na walang manners. Pwedeng nagawa mo na ito sa bahay ng kaibigan mo. :D

May pwede pa ba kayo idagdag na nakalimutan ko?

Advertisements

10 thoughts on “Grinds My Gears: Public Restrooms

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s