Bangon, Pilipinas!

Hindi ito tungkol sa pulitika. Hindi rin ito tungkol sa Araw ng mga Patay (ewan ko nalang kung hindi ka tumakbo dyan at sumigaw na may makita kang bumangon). Hindi din ito tungkol sa bansa natin.

Tungkol ito sa iyo.  Sa mga pinagdadaanan mo.

Isinusulat ko ito dahil pareho lang tayong dalawa na may pinagdadaanan. Lilinawin ko lang, NORMAL LANG ITO. Kung wala kang pinagdadaanan eh di dapat kasama ka na sa dadalawin ko sa Linggo at Lunes.

Uulitin ko, normal lang itong pinagdadaanan mo. Araw-araw ka talaga dapat may pinagdadaanan. Parte ito ng ginawa ng schedule ng tadhana. Parte ito dahil isa kang living thing. Parte ito kasi kung wala ang lahat ng ito, wala nang thrill ang buhay.

Umpisahan natin nung bata ka pa lamang. Simpleng pagdampi ng mga kamay mo sa apoy sa kandila (patay, nanaman?!) hindi! Kandila sa altar sa bahay niyo (bata palang, naglalaro ka na ng apoy?!) Hindi. Ang ibig kong sabihin, yung pagiging mausisa mo dahil sa edad mong iyon, gusto mo mag-obserba ng mga bagay-bagay. Siyempre, napaso ka. Uulitin mo ba ulit pagkatapos ng lahat ng pasong natamo mo? Hindi, ‘di ba? Simpleng pinagdaanan noong bata ka pa pero malaki na ang epekto sa pagbuo ng pagkatao mo. Naguumpisa ka nang malaman na hindi tama gawin yun dahil nga, mapapaso ka. So next time, malamang siguro hindi mo na hahawakan ito ulit diba?

Sumunod naman nung nasa iskwela ka na, oo mahirap minsan mag-aral pero masaya. Alam kong dumaan ka na sa punto na gusto mo na tumigil dahil hindi mo na talaga kaya. Pero isipin mo, sa ginawa mong pagsisikap kahit alam mong hindi mataas na grado ang makukuha mo,  basta nakapasa ka eh gumanda ang resulta. Nadagdagan ang mga kaalaman mo sa mga bagay bagay. Nadagdagan lalo ang mga kaalaman mo kung ano dapat mong gagawin sa susunod na mahihirapan ka. Pag-aralan muna ito. Kahit hindi mataas na grado ang makuha mo, natuto ka naman gawin ang tama – kahit sa ganitong pagkakataon.

Ito na ang paboritong paksa ng lahat… *drum roll* Pag-ibig. Oo. Iniwan ka niya, niloko ka niya, friends lang kayo, inanakan ka niya. Lahat yan, (as what I’ve said) scheduled na talaga mangyari para matuto ka, para masaktan ka. Para saan? Para matuto ka. Ganoon ka-simple. Isipin mo, bakit ka niya iniwan? Baka naman kasi hindi ka nagaayos ng sarili mo. Pwede din matalak ka. Pwede din ang clingy mo. Pwede din matampuhin ka (oo, parang ako). Maraming pwedeng rason bakit iniwan ka at niloko ka. Parang lahat ata ng sinabi ko, pinagdaanan ko. Say hugot? Hahaha! Ang point ko is, kung iniwan ka niya at alam mo ang rason kung bakit, baka siguro naman next time kung ayaw mo nang iwanan ka, huwag mo nang gawin? Baka lang naman. Kasi kung gagawin mo ito ulit, nasaan ang point na natuto ka? Nasaktan ka nga pero hindi ka natuto, walang sense ang pananakit na iyon. Tska trust me, lahat ng mga nanakit sa’yo may rason bakit sila yung tipong “they just arrived to make you happy but they’re not meant to stay with you forever” ang peg kasi hindi naman talaga. Actually, it’s an honor na sinaktan ka nila kasi alam mo rin yung sinasabi nilang “God is just shaping you for the real relationship, your lifetime partner.” Wala ako sa lugar para i-validate ito kasi hindi ko pa rin nakikita SEMESTER RIGHT char. Pero kasi, sa bawat relasyon na pinasok ko at pinasok nila ako char, nalalaman ko unti-unti kung bakit ganun ang nangyari. At lately sinabi ko sa sarili ko, “Ah, kaya pala. Ito kasi mali ko sa past relationships ko. Kailangan ko talaga ayusin sarili ko bla bla. Kaya hindi pa dumadating SEMESTER RIGHT kasi ako nga sa sarili ko, na-realize ko na hindi ako ready, si God pa ba?”

So naghiwalay man ang magulang mo, nag-away kayo ng kaibigan mo, nagpakamatay ang kaibigan mo, siniraan ka ng kaibigan mo, nagalit sa iyo kapatid mo kasi hindi ka nanaman nagpaalam na hihiramin mo gamit nya, nasunugan ka, nabangga kotse mo, hindi mo maamin sa mundo na bakla ka, hindi mo maamin na tibo ka, hindi mo maamin na supot ka pa at ang dami-rami pang iba… Hindi naman titigil SEMESTER PROBLEM na dumating sa buhay mo. Continuous siya. Tanggapin mo that shit happens and all you have to do is deal with it. Deal with it as a solution and don’t add as part of the problem.

Bumangon ka. Bumangon ka hindi lang dahil ito ang masahol na pagdadaanan mo. Bumangon ka kasi alam kong kaya mo. Kung kaya ko, kaya mo rin! Kung kaya nga ng mga binaha at nilindol na bumangon, ikaw pa na ang problema mo eh hindi ka lang niya tinext? Hello! Napakababaw! (parang ako talaga to eh, haha). Bukas, pag-BANGON mo sa kama, rest-assured mayroon ka nanaman bagong problema. Mayroon pang sasahol diyan pero dapat keber ka na kasi, bakit?  Yung mga nangyari nga noong nakaraan nakayanan mo, ito pa kayang bago?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s