The Adventures of Rain Dance Maggie

Siyempre, RHCP nanaman ang title ko. Kasi LSS ako dito lately.

Anyway, gusto ko lang mag-rant. Matagal ko na ito hindi nagagawa sa blog. I usually do it sa Twitter lang – yes, only Twitter kasi ganoon ka-private ang account ko. Selected people lang talaga ang fino-follow ko at pinapayagan kong mag-follow sa akin. Actually, hindi naman puro rants ang ilalagay ko dito. It’s more of free writing lang kasi wala akong maisip na i-post so I’ll just go back being my old teenage self. Trip ko lang so to those who are not interested, do not read since I don’t wanna wreck your vibe. Hahaha

Isipin mo nalang close tayo at kwinekwento ko talaga ito sa’yo. Haha.

Tska minsan lang ako maging sobra sa pag-share ng mga nangyayari lately, so here goes (Beware: This is too detailed – don’t worry, no sex involved): And sorry kung halos lahat ng umpisa is “Speaking of” kasi dire-diretso thoughts ko.

tumblr_m3c2tsfCTa1r0ix14o1_r1_500

  • Sa dami ng free food namin sa office, and halos puro manok, lately kami ni Cy ay nagkakaroon na ng butlig. I was allergic to egg way back but it took a while bago ako maging allergic ulit. Chickenjoy pa more. Ang kati talaga niya. Nilalagyan ko nalang ng Bactroban paguwi ko sa bahay.
  • Speaking of Cy, na-mention niya sa akin na nakita daw niya tatay ng anak ko sa mall last Saturday. Minsan, nagugulat nalang ako sa nagiging reaksyon ko about him. May mga tao na out of the blue nalang nagtatanong what if bumalik, what if makita mo ganyan. Parang alam mo yung reaksyon ko na -to be honest ganito talaga, walang halong ka-bitteran- keber lang talaga ako. Ewan ko. Napatawad ko na yung tao so masarap sa pakiramdam na magaan ang pakiramdam ko. Minsan mabigat kasi nga ang dami kong nakakain na chickenjoy lately pero talagang, wala na eh. Kumbaga, deadmakel feelings nalang. Hahaha.
  • So since nakita nga ni Cy, siyempre kwinento ko sa mom and sa friends ko. Ang ginawa ng friends ko sti-nalk siya. “Parang hindi naman siya pumayat Anje tulad ng sinabi ni Cy.” Eh ewan ko ba. Not that interested to know. Mga kaibigan ko lang naman makulit pagdating sa kanya.
  • Sa pagkakaalala ko, February-March 2015 ang super kaduper last stalk ko sa kanya. Nalaman ko sa pagka-stalk ko eh nagkita sila ng isang close friend ko without me knowing. Naka-move on na kami ng close friend ko na yun sa issue na yun so again, keber. Pero dahil at some point I was interested dahil nga nakita daw ni Cy, I checked his Twitter. Aba’y naka block ako? Hahaha! Gets ko like sa Facebook, talagang bli-nock ako but dude, I don’t get the point to block me kasi in the first place, iblo-block mo lang naman yung tao kapag ayaw mong makita niya mga posts mo, or bitter ka or something. Natawa nalang ako. F na F ni koya stalk ko siya. Haha. Pareho naman kaming masaya ngayon (I mean mas masaya ako kasi may anak ako, siya ewan ko nalang haha), so bakit, ano ba, takot ba siyang makita ang katotohanan? Haha. Tska parang, block me all you want kasi hindi ko rin naman pinupuntahan Twitter mo, kahapon lang tsong. Haha.
  • Speaking of blocking, alam niyo ba na-in love ako sa isang blogger (nanaman) lately (ex ko na yung isa, and good friends kami so don’t worry) pero itong si lately, hindi kami. Na-inlove lang talaga ako. Letseng pag-ibig yan. Anyway, nasira yung friendship dahil sa kagagahan ko. Kasi alam niyo naman ako si matampuhin at tanga (na hindi na nagbago), aba’y inunfollow ko siya sa social media tapos dinelete ko siya sa Skype. Well, ginawa ko naman part ko todo effort ng sorry but I guess, mahirap siyang patawarin pa ako. In God’s time sana maging okay kami kasi super masaya siyang kausap. At some point, bumalik ang mga ningning sa mga mata ko at naging masaya ang puso ko. Araw-araw ko nalang pinagpra-pray na maging okay kami. Si God na bahala. And actually mali yung ginawa ko, aminado ako dun but at some point ginusto ko kasi kinailangan kong lumayo sa kanya. And he knows that naman. Alam niyang in love ako sa kanya. So I did a way para makaiwas. Kasi kapag araw-araw kami magkausap, lalo akong nafa-fall. And, friends lang talaga kami. Haha. Nakakaloka diba? Pero sabi ko nga sa kanya, kailangan ko ba siya puntahan sa malayo niyang bahay para patawarin niya ako? Haha. Sabi ko sa sarili ko, kailangan ba ng flash mob or kahit ano gagawin ko mapatawad niya lang ako but real talk Anje, suffer the consequences siguro. Siguro sabi niya, dahil inunfollow mo ako, I’ll make it worse. As in ako blocked ako sa lahat, pati ata sa phone niya! Pati blog niya dinelete nya. :| Yikes. Ginagawa ko naman ang lahat pero lately sabi ko, tama na. Mahirap pilitin ang ayaw. Still, pag-pray parin kita na maging okay na tayo. :)
  • Speaking of blogger friends, may nawala man ako na blogger friend, mayroon din naman mga dumating na bago. Nagpapasalamat ako sa time ng pakikinig nila: Julie and Dennis! Salamat kahit medyo araw-araw ako may mga kwentong walang kwenta. Haha. Nagpapasalamat din ako sa pagtanggap sa akin sa social media nila: DocNicole (na nagkanda hirap hirap pa kami i-add ang isa’t isa haha), Felbs and Ynah! Super nice niyo sa akin! Pati na si Mel, kahit hindi kami friends sa social media eh tuluy-tuloy ang pag support sa mga sinusulat ko at nakakatuwa kasi interesado siya! Haha.
  • Speaking of friends, nakakabagot lately kasi the last time I saw a group of friends was nung Saturday. Oo, ganun ako kabilis ma-bore and hanapin ang kanilang presence. Marami rin kasi akong group ng friends and hindi madali to compromise each and everyone’s schedule knowing that we all have responsibilities din naman, more for some kasi marami akong friends may anak na rin.
  • Speaking of schedules, (puro speaking of ampots), dapat may lakad ako this Saturday with high school friends sa condo ng kaibigan ko. Eh may pasok ako. Usually, kapag I love you Sabado tapos assigned ako sa Job Offer/Documentation process, umuuwi ako ng late. Eh sa Makati pa yun. Eh kaya lang swimming na swimming na ako. Sayang naman pagpapa-laser ko sa underarm at wax sa all parts char ko kung hindi ko magagamit. Eh kaya nga lang, birthday din ng kabarkada ko sa isang group ko nung high school which is blocks away lang sa bahay ko – dami pa namang beer doon tska masaya kasama mga tao dun. Eh ewan ko. I should weigh things among swimming or drinking AND location. May anak din akong uuwian. Mas okay na yun, kaysa asawa na nambubugbog.
  • Speaking of drinking, beer na beer at videoke na videoke na ako talaga. As in. Ewan ko kung bakit. Hahaha.
  • Speaking of beer, ihi ako ng ihi lately. Susme, siyempre hindi ako juntis. And since may UTI ako (muntik ko na ma-type UFO), dapat hirap ako umihi. I think nagbago nanaman system ko kasi lately, dinadamihan ko na pag-inom ng tubig at bawas na ako ng kape ng konti. Yay! Bakit? Secret!
  • Speaking of secret and bakit, bakit mo ba binabasa ito? Sobrang random lang naman lahat ng sinasabi ko.
  • For the past days, natuto na talaga ako maging patient dahil sa mga kagagahan na nagawa ko lately. Kasi, impatient nga talaga ako. Kaya nga matampuhin ako at kung anu-ano pa.
  • But, nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na dinaanan ko lahat ng challenges lately and hindi ako nag-give up kasi, kung nag-give up ako, hindi ako matututo. Hindi ko marerealize ang mga mali ko and yung purpose bakit nangyari lahat ng ito.
  • Thank God talaga. Hindi pa ako fully na natuto but to be honest, I’m really in the process of fixing myself. Siguro dahil mag-25 na ako next month? Alam ko namang with God’s guidance, maayos ko ang sarili ko. And tama, focus muna ako sa sarili ko and anak ko BeforeAnythingElse. HAHA
  • Shit, 27 days nalang huhuhu
  • Quarter-life crisis na hahaha kaya pala siguro ganito ang lola mo lately

Angelica-Pickles-angelica-pickles-37105757-500-375

Source of gifs: Google

Advertisements

5 thoughts on “The Adventures of Rain Dance Maggie

  1. Hi!!! long time no “see”! ok lang ate mo… salamat sa pagbisita sa blog ko na matagal na walang updates hehehe… had fun reading ur blog, dito ka na pala nakatambay. Speaking of … being patient or being impatient, and “fixing” one’s self… acceptance is the key, so you’re on a good start esp. malapit na ang birthday mo… kelan ba? God bless you!!! ^_^

    Liked by 1 person

    1. Huhu namiss ko mga comments mo Ate Carey!! Yes dito na ang aking bagong bahay :) yes totoo yan ate. Ang dami ko talagang natutunan for the past days. Hehe. Dec. 1 birthday ko. I accept gifts but definitely in need of cash, char. Haha. God bless you too!!!! :)

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s