Bakit Ikaw

Bakit ikaw yung unang dumating sa buhay ko?

Bakit ikaw yung pinapangarap kong huling makikita ko?

Bakit ikaw yung unang nagparamdam sa akin ng katotohanan?

Bakit ikaw yung huling nagbigay sa akin ng sakit at kaluwalhatian?

Bakit ikaw yung unang nag-alis ng kamay mo?

Bakit ikaw yung huling paa na tumapak sa aking pagkatao?

Bakit ikaw yung unang librong ayaw kong tapusin?

Bakit ikaw yung huling pelikula na gusto kong panuorin?

Bakit ikaw yung unang boses na naririnig ko pagbangon ko sa kama?

Bakit ikaw yung huling sigaw ng puso kong hindi na mapatawa?

Bakit ikaw yung unang araw at buwan na tumayong sandalan?

Bakit ikaw yung huling init at ulan na sumira sa aking kasarinlan?

Bakit ikaw yung unang sigarilyong kaya kong sunud-sunod na hithitin?

Bakit ikaw yung huling bote ng alak na kaya kong basagin?

Bakit ikaw yung unang ingay na dumapo sa aking katawan?

Bakit ikaw yung huling katahimikan na tumira sa aking isipan?

Bakit ikaw yung tinatanong ko?

Kung kaya naman niya sagutin lahat ng kuru-kurong ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s