Sandara Park

Hindi ako mahilig sa Kpop ha! Siya lang naisip ko agad.

Ang mga tao na isusulat dito ay ang mga tao na siguro tao char, alam niyo na…

Mga taong na in or/and out sa buhay ko.

Source: community.starhub.com
Source: community.starhub.com
  1. Sa taong hindi ko kaya mahalin – Sorry. Pero alam mo naman kahit ano gawin ko, hindi ko kaya at hindi ko gusto. Gusto ko magkaroon ng pamilya, at alam ko maibibigay mo, kahit anak ko gusto mong magpaka-tatay pero hindi talaga. Hindi ko nakikita sarili ko na ikaw ang makakasama ko habang buhay. Hindi ko kaya ipilit ang hindi nilalaman ng puso ko. Sabi nila, madaling matutunan ang magmahal ng iba pero pasensya na, hindi natuturuan ang puso ko sa mga ganitong bagay.
  2. Sa taong hindi ako kaya mahalin – Okay lang din at sorry sa abala. Alam mo namang hindi ko pinilit diba? Alam mo naman na nandito parin ako. Alam mo na kahit anong pagkakamali mo o ano mang pangit mong ugali, kakayanin ko. Alam mo naman na kahit ganyan ka, tanggap kita. Tanggap kong hindi mo siya kayang iwanan.
  3. Sa taong gusto kong mahalin – Matagal na. Matagal na matagal na pero wala eh, alam kong hindi pwede. Hindi pwede dati dahil meron ako, hindi pwede ngayon dahil meron ka, at ayaw niya pang kausapin mo ako. Ano ba ang mali? Mali bang hindi natin pinaglaban ang isa’t isa dahil alam natin na hindi natin kaya? Mali bang ituloy natin kasi alam natin masasaktan siya? Eh paano kung tayo pala? Paano kung minahal ko siya ay para makilala kita at para mas mahalin mo pa ako lubos pa?
  4. Sa taong mamahalin ko parin – Alam mo yan! Alam din nila. Kailangan ko pa ba pahabain ito? Naniniwala ako sa forever. Naniniwala ako sa forever na mamahalin kita kahit hindi mo maibalik yung forever na mamahalin mo rin ako. At least, may forever parin tayo diba? One-sided nga lang na forever.
  5. Sa taong sana minahal ko nalang – Bakit nga ba hindi kita minahal? Ah! Alam ko na. Kasi akala ko lolokohin mo lang ako. Akala ko playtime mo lang ako, mukha ka kasing playboy eh. Tska, nakilala kita dahil din sa playboy mong pinsan. Eh para saan pa? It runs in the blood. Ang royal blood niyong pagiging babaero.

    Source: www.youtube.com
    Source: http://www.youtube.com
  6. Sa taong naalala lang ako kapag may kailangan – At naalala din kita ngayon kasi kailangan kita sa post na ito. Oh diba, gantihan lang. Wala akong pera ngayon. Wala rin akong lakad ngayon. Wala rin akong sa mood ngayon makinig ng mga problema mong hindi na natapos. Paulit-ulit naman kasi. Ilang beses na kita sinabihan na ganitong klaseng solusyon ang gawin mo, hindi mo parin ginawa. Oo nga naman. Bakit ka nga ba makikinig eh kung ginagamit mo lang pala ako. Ang gamit nga hindi pinapansin, ang paggamit pa sa tao na parang gamit? Ano daw. Haler.
  7. Sa taong naalala ko lang kapag hindi na ako kailangan – Ewan ko ba. Dati martyr ako pero bakit ngayon, okay lang kahit wala ka. Okay lang na ganito tayo. Alam ko naman walang pupuntahan pero hinahayaan parin kita pumasok sa buhay ko. Isa kang kabute. Ang klase ng kabute na ayoko na minsan, pero sige kung kaya pa, sige lang. Pero sana nga ikaw nalang yung klaseng kabute, yung tipong psychadelic mushroom na kapag inilagay ko sa katawan ko eh mawawala lahat ng kalungkutan ko.
  8. Sa taong nagpaluha sa akin ng todo – Sana lang talaga masaya ka sa buhay mo ngayon. Ayokong mangarap na maging luhaan ka rin dahil sa ginawa mo sa akin kasi hindi ako tulad mo. Ayoko maging tulad mo. Lalong-lalo na ayokong mabuhay na iniisip ang bawat luhang pumatak nang dahil sa’yo. Sana walang magpaluha sa’yo ng todo tulad ng ginawa mo sa akin kasi kapag nangyari yun, maiisip at maaalala mo nanaman ako at makokonsensya ka tapos babalik ka? No pets allowed. Please use the employees’ entrance.
  9. Sa taong nagpasaya sa akin ng todo – Hanggang ngayon, iba ang dating mo. Salamat sa tuwing nagkikita tayo, pinaparamdam mo parin na mahalaga na magningning ang aking mga mata. Pinaparamdam mo parin na pwede ako tumawa na parang amazona.
  10. Sa taong kaya intindihin ang lahat ng ito – Sana ikaw na. Ang pinaka-inaantay ko. Kung kaya mo intindihin ang lahat ng ito, hindi na kita papakawalan. Pero kung ang kaya mo lang gawin ay intindihin ito at hindi mo ako kaya mahalin; baka rin kasi hindi kita kaya mahalin. At hindi mo ako kaya pasiyahin at paluhain; at baka kaya kitang paluhain at hindi pasiyahin. Hindi natin alam. Bahala na si Sandara.
Source: www.pacifiqa.com
Source: http://www.pacifiqa.com

Meron ka rin bang mga ganitong klase ng tao sa buhay mo? Or may #11 ka pa?

Advertisements

11 thoughts on “Sandara Park

  1. Ramdam ko yung stress habang binabasa ko yung one to five. Hindi ko alam yung kabuuan ng kwento sa mga yun pero baka kasi yung mga simpleng bagay lang ay naikategorya na sa pagiging kumplikado.

    Heniwey, hindi naman dapat ninanamnam yung mga negatibong sitwasyon at ala-ala dahil ang bawat isa sa atin ay may karapatang sumaya. ^_^

    Maligayang pasko sa’yo Ate ^_^.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s