Daniele da Volterra

Hi,

I hope this message finds you well. Haha. Tang ina. Parang email lang. But of course, hindi ito about business. Hindi din kita yayayain na mag-kape at itatanong ko kung business-minded ka ba. Basically, itatanong ko lang kung interesado ka. Pero, paano ko malalaman yung sagot eh hindi ko nga alam kung paano makakarating sa iyo ang sulat na ito.

Sulat. Isa nanamang sulat. Nauso na yung mga open letter na ganito sa social media but before such bandwagon, alam kong nauso na sa ating dalawa ito. And after 10 years, I cannot imagine sinusulatan kita. Ang corny na kasi, hindi na uso. Oh btw, hindi na rin pala uso yung “tayo.” Eh ano pa ba point nito? Kung 8-10 years na pala ang nakalipas. Hindi ko din alam. Basta ang alam ko, makakarating ito sa iyo kung gugustuhin ng tadhana. Kapag hindi makarating, okay lang. At least finally may proof proof (sabi ng aso), na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.

Which is strange. Kasi naalala ko nung una kita nakita, 12 years old ako. Virgin na virgin pa. Hindi makabasag pinggan. Hindi lasinggera at hindi din bungagera. Ikaw naman, 10 years old ka. Malapit nang ituli. Ang taba mo. Nakaputi kang t-shirt at naka light blue na shorts. Dala dala mo yung bey blade mong hindi ko ma-gets lauruin. Mas na-gets ko pa maglaro ng tamiya. Aug. 9, 2003. Almost 13 years ago. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero nung nakita kita, hindi ako na-inlove kasi oh my god naman, ang totoy mo. Bakit ako maiinlove sa tulad mo? Kaya lang may kakaiba. Wala ka namang kulangot na nakalitaw at hindi naman bakat yung titi mo (pero malamang maliit pa siguro nung time na yun) pero parang may enerhiya na humila sa akin na parang gusto kita kilalanin at parang may mangyayaring kakaiba sa pagkakaibigan natin.

Sumunod na mga araw, nung nagkita tayo, ang una nating conversation ay tungkol sa Tekken. Paborito mo si Paul at Jin at paborito ko naman si George. Ay, Beatles pala yun. Basta ang paborito ko si Law. Sumunod na usap natin sabi mo mahilig ka mag Counter Strike, ako din. Sabi mo mahilig ka sa UAAP, ako din. Sabi mo mahilig ka sa Harry Potter, ako din. Sabi mo mahilig ka magpa-burn ng CD, ako rin tapos pinahiram mo mga CD mo sa akin. Sabi mo ang paborito mong kulay ay green, ako din. Sabi mo tuwing magpapakilala tayo sa ibang tao para lang makapasok sa school, village o clubhouse ay mag-pinsan tayo. Parang bestfriends na tayo nun. Ang malupit pa dun, sabi nila nagiging magkamukha na tayo. Tinanong ko pwede ba yun? Eh hindi naman kita kaanu-ano tska haler, lalake ka. Ano ako mukang batang lalakeng mataba na may kulangot na nakalitaw sa ilong tapos bakat titi? No way.

So ilang buwan na ang nakalipas, naging magkatext na tayo. Siyempre uso na unlitext nun. Lumaki na rin yung barkadahan natin. Pumunta tayong Star City, natulog na sa bahay ng isa’t isa, nag-rebelde ng konti (lang naman) sa mga magulang natin. Mga biglaang lakad. Mga biglaang pagbuo ng banda na hindi naman nagtagumpay. Mga biglaang pagsayaw ng Huling El Bimbo ng Eraserheads. Ultimo tae mo nakita ko sa banyo kasi hindi mo man lang binuhusan! Para na kitang kapatid kasi halos bawat linggo tayo magkakasama ng mga pamilya natin. Isang araw, tinutukso ako ng tito natin na sa sobrang sipag ko daw maghugas ng plato kaya may nagkakagusto na sakin. Few minutes after ng pagtutukso na yun, aba. Timing mo nga naman. Nagtext ka. Sabi mo may confession ka. Tinanong mo ako kung pwede ba manligaw.

Siyempre, naging tayo. June 13, 2005. NBSB ako eh. Sa edad kong 14, nag-jowa na ako. Di hamak na malandi noh? Tapos 11 ka nun. Oo diba, mas matanda ako sayo ng tatlong taon. Lintek na yan. Pedo sa pedo. First few months nung naging tayo, wala tayong ginawa kung hindi maghugas ng plato. Kung hindi maghugas, magbibigayan tayo ng sulat tuwing monthsary natin. Kung hindi tayo tutugtog ng gitara, kakanta nalang tayo sa kotse ng acapella. Kung hindi mag-away, maglalambingan.

Hindi ko makakalimutan yung tinext mo akong may sakit ka kaya hindi tayo makakapagkita. Biglang may nag-door bell. Pucha, nilakad mo pala mula bahay niyo hanggang sa amin na may sakit ka ha, at umuulan pa nun. Dinalhan mo ako ng paborito mong tapsi. Nung unang mga buwan okay naman eh kaya lang, seloso ka pala. Wala naman akong magagwa kasi karamihan sa barkada natin ay lalake at bago pa maging tayo, kaibigan na natin sila. Hindi kita maintindihan dati. Pinalipas ko yun. Pero natapos na din tayo ng 2007. On, off pa. Ginawa mo lang switch ng ilaw yung relasyon natin. Ang toxic nun, sa totoo lang. Para akong puppet. Kamukha ko na si Cookie Monster.

April 2008 nagka-boyfriend ako ulit. Sabi mo hindi kami magkakatuluyan. On, off din kami. Nakilala ko siya sa blog. Hindi din nag-work out. Nagkagirlfriend ka na rin nun. Oh, wait. Girlfriends. Nung nagbreak kami ng 2nd boyfriend ko, naging tayo ulit. Actually, gamitan na ang nangyari. Hindi ko alam bakit binalikan pa kita kahit alam kong may girlfriend ka nun. Akala ko magbabago ka. Eh what the hell, nakalimutan kong teenager ka pa nun. Hindi ko narealize na hindi pa uso sa iyo ang mag-seryoso. Lately narealize ko, gumaganti ka ba? Kasi I never cheated. Nagkaboyfriend ako nung 2nd year college, hindi din kami nagtagal. Sabi mo rin hindi kami magwowork out at iiwan lang niya ako. Aba, iniwan nga ako. Siyempre, nahila mo nanaman ako.

Masakit yung hinila mo nanaman ako. Parang ang tanga tanga ko nun. Oh well, pinatawad ko na sarili ko kasi haler, mga bata pa tayo nun. Masakit din yung nangyari na after all this time, tama yung kutob ko na may nangyayari sa inyo ng best friend ko. Lumangoy ako sa alak nun. Pero hindi yun ang pinakamasakit na pinaramdam mo sa akin. Mamaya ko na ikwekwento kung ano. Manigas ka dyan kakabasa sa haba nito.

Nung nagkaboyfriend ako nung 4th year college, nung time na yun na ako nakaramdam na ah, seryoso na ito. Siya na yung gusto kong pakasalan. Gusto ko na magkapamilya sa kanya. Kasi, mabait siya, matalino. Hindi tulad mong manloloko. Kumbaga, kupal ka at anghel siya. Pinaramdam niya sa akin ang halaga ko. Lagi nya ako nirerespeto. Sobrang mapagpasensya siya. Ma-effort siya. Isipin mo nakatira siya sa Antipolo. Galit na galit ako nung sinabi mong hindi kami magkakatuluyan or magwo-work out. Pakiramdam ko napaka-bitter mo sa kasiyahan ko. Lahat nalang ba ng nagiging boyfriend ko wala kang tiwala? Alam mo yung nakakainis? Sabi mo bubuntisin niya lang ako. Nagalit ako sayo nun. Kasi alam kong hindi yun mangyayari.

Nagtagal kami. Nagtagal din kayo ng bestfriend ko. Hindi ko lang makalimutan eh nung 22nd birthday ko, ikaw ang pinaka-unang bumati. Sabi mo mahal mo ako. Sabi ko sa sarili ko, hinihila nanaman ako ng gagong ‘to. Tama na. Ayoko na. Mahal na mahal ko yung boyfriend ko that time. Ang sinabi ko nalang, salamat. Salamat sa pagmamahal pero pasensya na. Hindi na ikaw yung gusto kong makasama. Tama na ang kakupalan.

Nung hapon na iyon, sa lahat ba naman ng araw, nandoon din kayo sa mall na pinuntahan namin. Sa loob loob ko, alam ba ng best friend kong sinabi mo na mahal mo ako o pati yun, kaputahan? Kasi kung mahal mo ako, ipaglalaban mo ako.

Dalawang buwan na ang nakalipas, hindi pa ako nagkakaroon. Putang ina sabi ko. Yung putang ina na sinabi ko, ina nalang yung naririnig ko. Magiging ina na ba ako?

Pinanagutan naman niya ako. Mga ilang buwan lang. Nung ika-walong buwan, ano pa nga ba, tama ka. Iniwan niya ako. Hindi niya daw anak. Wow. Ako’y isang pokpok sa puso’t diwa ba? Kung kailan pakiramdam mo na siya yung papakasalan mo, shit happened. Anyway, tapos na yung kabanata ng buhay ko na yun. Ang point ko lang, paano mo nalaman yun? Kung iisipin ko nalang baka chamba lang lahat ng kutob mo. Pero andito na eh. Nangyari na. Kung kailan naman iniwan nya ako, doon naman kayo nagkahiwalay ng bestfriend ko.

Minsan nagugulat nalang ako sa mga kutob mo sa mga tao. Minsan nga naisip ko, kilala mo ba sila? Sinadya mo bang makilala ko sila? Tapos naisip ko, siya pala yung kupal tapos ikaw yung anghel.

Kaya lang, hindi maipinta ang mala-anghel mong mukha nung nalaman mong tama ang kutob mo, na bubuntisin niya lang pala talaga ako. Teka, bakit? Bitter ka ba? Ang dami mo kasi sinasabing pabulong na hindi ko maintindihan. Natuwa naman ako nung una kong dinala anak ko sa inyo, buti naman at nag-hello ka sa kanya kahit dalawang linggo palang siya noon. Pero hindi ka nag-volunteer maging ninong. Naiintindihan ko. Hindi naman kita pinilit. Sumunod na mga araw, akala ko sa sitwasyon ko eh mawawala na pagka-bitter mo. Aba, kahit anong social media account ayaw mo ako i-accept. Send request ako ng send request ayaw mo talaga. Hindi ko alam bakit. Hindi naman ako magsesend ng chain messages at lalo na hindi ako magpopost sa wall mo. Nung namatay si Ninang nitong April 2015, doon mo lang ako natanggap ulit. Dahil ba nagising ka sa katotohanan na kahit sinong tao sa buhay mo pwedeng mawala na hindi mo inaasahan? Bakit? Nung hindi mo ba ako ipinaglaban, umasa ka bang hindi ako mawawala?

Talaga naman. Saktong 10 years after. Naaalala ko nung tayo pa, inisip ko itong panahon na ito. 10 years after, ano na kaya tayo? Nakakatuwang isipin naguusap na tayo ulit ng normal tulad dati nitong buong kalahati ng 2015. Sobrang laki ng pasasalamat ko. Ang tagal ko din na hinintay magkaayos tayo. Wala man tayong closure kung bakit ba tayo naghiwalay but one thing’s for sure, sapat na yung naibalik natin yung pagkakaibigan na nagkaroon bago pa naging tayo. Mahirap kaya yun para sa ibang tao, kaibiganin tulad ng dati yung ex? Sabi nila, it’s either nagmahalan talaga kayo or hindi talaga. So saan tayo sa dalawa? Basta ako mahal parin kita. Mahal parin kita dahil tanggap ko na kung ano tayo, kung hanggang saan tayo. Kung nararapat man bigyan tayo ng tadhana ng isa pang pagkakataon, bakit hindi? Pero kung hindi na, maluwag na sa puso ko ang pagtanggap. Sa dami ng mga simbolo, senyales at pangyayari na hindi ko na iisa-isahin pa dahil baka nakakasayang na ako sa oras mo, itinuturo parin ako ng mga bituin sa iyo.

Ito. Ito ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin. Nakayanan kong mawala ka sa buhay ko bilang sa romantikong lebel ng mga nakaraang taon pero bakit nung dumating ang eksaktong sampung taon, bakit bumalik lahat? Hindi ko alam baka dahil naghahanap o gutom ako sa pagmamahal? O pwede ring may ibig sabihin? Hindi ko alam. Basta, nagugulat ako sa mga pangyayari. Sabi ko sa sarili ko, kailangan na kitang pakawalan. Pakawalan hindi  in a sense na hindi na kita mamahalin. Siyempre, mamahalin parin kita eh para na tayong magkapatid. Linggo linggo parin naman tayo nagkikita. Bumalik naman tayo sa dati so wala na dapat problemahin. Mahal ko ang pamilya mo at ganun ka rin sa akin. Papakawalan na kita dahil kailangan ko nang lumaya. Lumaya sa pag-asa na baka tayo pa. Pero hindi ko pa nagagawa ito. Nasa proseso parin ako. Hindi ko nalang pwede basta ipilit na makalaya kasi papahirapan ko lang ang sarili ko. Naniniwala ako sa tamang panahon ng paghihintay na lumaya.

Kung mayroon mang masakit, hindi ito yung hindi mo kaya suklian ang pagmamahal ko. Ang pinakamasakit ay yung malaman ko na pagkatapos ng sampung taon, ay mahal mo pa pala parin ako pero ayaw mo na.

Bakit? Itinanong ko nalang sa sarili ko. Hindi na kita tatanungin. Kasi, gusto ko nang makalaya sa ideya na mayroong ikaw. Na mayroong tunay na pag-ibig. Na mayroong wagas na pagmamahal.

Mahal niyo nga isa’t isa, nganga naman kayo. Ay ano na?

Tapos bilang baby steps sa pagpapakawala sa ideya na ikaw, pinakinggan ko yung theme song natin na napagusapan natin nung 2005. Ang Huling El Bimbo by Eraserheads.

Naisip ko, yung lyrics ng kanta, parang para sa atin talaga? Without us knowing it, lumawak ang istorya ng kanta habang lumawak ang atin:

Magkawahak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

Balita ko’y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Taga hugas ka raw ng pinggan sa may Ermita

Lahat ng pangarap ko’y bigla nang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

Since, nabigla ako. Oo. Napa, “Shit!” Talaga ako pagkalipas ng maraming taon habang nakikinig ako nun, nilagay ko syang status sa Facebook 1st week of January, na was listening to keme kemerloo ganun with the caption na, “Sa panaginip nalang pala kita maisasayaw.”

What a surprise. Ni-like mo… When to be honest, you never liked my status unless it’s about food or photo ng barkada. Ngayon ka lang nag-like ng song na I was listening to. Kahit nga Spotify posts ko you never liked it.

So, kung kailan ready na akong kumawala, gumawa nanaman ang langit at bituin ng pasintabi para iparamdam sa akin na, “Anje, wait lang. Huwag mo muna siyang pakawalan.”

Sabi ko, “Pagod na pagod na pagod na ako.”

Ingat ka parati. See you this weekend! Sorry if may mga typo. Dire-diretso lang ako haha.

Nagmamahal,
Ang babaeng chubby nung bata na may kulangot sa ilong at gets na ang paglaro ng bey blade

Advertisements

22 thoughts on “Daniele da Volterra

    1. Hi kuya Pen! Oo ito yun. Maraming salamat at napagtiyagaan mong basahin itong kadramahan ko haha. Kailangan ko lang isulat para maging maginhawa ang aking pakiramdam. Tinitignan ko naman. May mga kumakatok naman, pero laging may sabit. :( ayoko ng ganun kuya. :(

      Like

      1. Peng po hehe. Ganyan din nakikita ko sa mga kaibigan kong babae. Mas malakas manligaw ang mga may sabit. At mabuti alam mo na hindi din maganda yun. Magulo talaga kahit sino tanungin mo. walang roma romantik dyan. tska di ka mapalagay syempre. Iwas ka sa ganun, ipagdasal mo na makayanan mo to stay put. alam kasi ng lalaki weakness ng babae, emotions pa din. we all feel lonely but we also need to be strong enough to rise above sa sipa ng emotions. bata ka pa! be the best you can be, may darating, kaya iwas iwas sa may sabit :-)

        Liked by 1 person

      2. Sorry Pen! Charot. Peng Medina. Lol. Tama ka dyan! Sa weakness talaga dinadali! Hahaha. Yes, may darating. Dapat talaga mag-enjoy ako sa meron ako at wag maghanap ng wala. Thanks kuya Peng! :)

        Like

      1. ha ha ha. OMG.

        Wag kang magantay. Pero wag ka ding maghanap.

        Wag ka magantay kasi may mga taong babalik-balikan ka dahil alam na nagaantay ka. Alam nilang nandyan ka lang anytime. Babalikan ka lang pag kailangan ka lang niya. Kung magiging kayo naman talaga, magiging kayo magantay ka man o hindi. Kahit somewhere down the road magkaron pa kayo ng sari-sariling lablyf, kung kayo, kayo talaga.

        Wag ka na lang din maghanap. Meron namang kusang darating, minsan pa sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Mas masarap ang feeling pag nasorpresa ka sa regalong hindi mo inaasahan :p

        – haba ng comment. isang buong blogpost LOL

        Liked by 1 person

      1. copy paste: “Kasi hindi ko alam gagawin ko eh. Magaantay ba ako or dapat ba akong maghanap?”

        uhmmm, alam ba niya na may feelings ka pa? well case to case basis kasi yung mga ganitong bagay. may kakilala akong ganito, well pinsan ko yung guy, tapos nagtiis siya hanggang maging happy ending. YET hindi naman sa lahat ng pangyayari ganun ang ending. sa huli nasa sa iyo pa rin ang final answer.

        Liked by 1 person

      2. Yun ang hindi ko alam. Pero ramdam naman niya siguri kapag nagkakatinginan kami o yung alam mo yung magkadikit lang saglit balat niyo, may kuryente parin? Ganun ang peg. Siguro pwede naman ako maghintay pero give chance to myself and others para mabago ang daang tatahakin. Hehe salamat!!!

        Like

  1. Takte tagos to. Ayan di na ako makatrabaho.

    Mahirap kalimutan kung sino man yun. Kasi yung mga minahal natin, nilagyan na ng lamat yung puso natin na hinding hindi na maalis. Maitatago lang siya pero pag nagtagal, bigla na lang siya susulpot ulit. Surprise! Tapos naka clown costume siya. Yun bang uri ng clown na mapapaginipan mo sa gabi.

    Kaya takbo Anje. Takbo! Wag ka magpahuli dun sa clown.

    Liked by 1 person

    1. Gusto ko yung ramdam na ramdam mo ang mga pinagsasasabi ko. Sorry sa istorbo sa trabaho hehe.

      Tama. Laging may chance na para makalaya tapos biglang may mangyayari, mawawala nanaman sa focus. Kailangan ko na talagang tumakbo.

      Sali ako sa fun run bukas na bukas din.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s