Ang Puno ng Limon at Ubas

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos gumawa ng puno, ang gagawin ko ay limon

Bukod sa mahilig ako sa citrus, mahilig din ako uminom

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos gumawa ng puno, ang gagawin ko ay limon

Bukod sa mahilig ako sa citrus, mahilig din ako lumingon

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos gumawa ng puno, ang gagawin ko ay limon

Bukod sa mahilig ako sa citrus, mahilig din ako tumalon

Gusto ko inumin lahat ng asim at pait
Gusto ko lumingon sa pag-asang ipinagkait
Gusto ko tumalon sa pangakong tila bang langit

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos gumawa ng puno, ang gagawin ko ay ubas

Bukod sa mahilig ako sa mga prutas na galing sa gumagapang na halaman, mahilig din ako lumaban ng patas

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos gumawa ng puno, ang gagawin ko ay ubas

Bukod sa mahilig ako sa mga prutas na galing sa gumagapang na halaman, mahilig din ako sa pangarap na walang katumbas

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos gumawa ng puno, ang gagawin ko ay ubas

Bukod sa mahilig ako sa mga prutas na galing sa gumagapang na halaman, mahilig din ako sa pag-ibig na wagas

Gusto ko yung klase ng pag-ibig na marunong lumaban ng patas
Gusto ko yung klase ng pag-ibig na walang katumbas
Gusto ko yung klase ng pag-ibig na wagas

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos
Ipaglalaban ko ng patas ang puno kahit puno siya ng asim at pait

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos
Ipaglalaban ko ang puno na walang katumbas dahil mas mabuti nang ipaglaban ito kaysa lumingon sa pag-asang ipinagkait

Kung bibigyan lang ako ng karapatan ng Diyos
Ipaglalaban ko ang puno para sa pag-ibig na wagas dahil sa pangakong gusto kong matupad, hindi lang basta tatalon ka dahil sa pangakong tila bang langit. Kailangan mag dahan-dahan sa lakad, kahit sa impyerno pa ako magdahan-dahan maisakatuparan ko lamang ito.

Aalagaan ko ang puno

Proprotektahan ko hanggang dulo

Aalagaan ko ang puno

Bibigyan ko ng pasensya kahit mainit na ang ulo

Aalagaan ko ang puno

Hihintayin ko hanggang maubos na ang mga pulo o maubos man ang ubo (ika nga ni Ely Buendia)

Aalagaan ko ang puno

Mamahalin ko ng tunay at totoo

Aalagaan ko ang puno

May pait man ng limon

May tamis man ng ubas

Aalagaan ko ang puno

Dahil ito ay magbibigay hangin

Dahil ito ay magbibigay kulay

Dahil ito ay pinagmumulan ng mga matitibay na tirahan

Dahil ito ay pinagmumulan ng mga malalalim na salita at kasulatan

Dahil ito ay gawa ng Diyos

At sana bigyan Niya ako ng karapatan gumawa kasama ng aking sinisinta

Dahil tanggap nya ang kapaitan at tamis ko

At sa ngalan Niya, bigyan niya kami ng karapatan mahalin ito

Kahit hindi na sa tamis dahil mas gugustuhin ko pang gumawa ng puno ng limon, may pait man pero pinagmumulan ng pagmamahal at pwede pang pagsamahin sa ibang prutas para tumamis

Kaysa sa gumawa ng puno ng ubas na tiyak may katamisan ngunit kapag pinagsama mo sa ibang prutas, pare-pareho lang ang kanyang hinagpis

At sana magkaroon ako ng karapatan gumawa ng puno bukod kay Rico at Dong

  

Ang puno na punung-puno ng paniniwala, pag-asa at pag-ibig.

Advertisements

2 thoughts on “Ang Puno ng Limon at Ubas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s