Sige, Ako Next Ha.

Nag-pantig ang mata ko (pwede ba yun? hahaha) sa nabasa ko sa Fashion Pulis

Kapag namatay ako, sana makapag-celebrate ka. Gusto kong uminom ka, maglasing ka sa sobrang kasiyahan. Gusto kong ipagkalat mo sa buong mundo na ang pinaniniwalaan mong relihiyon ay mayroon isang malakas na Panginoon.

Patunay lang na mayroon talagang mga taong makikitid ang utak.

Eh nasaan yung iba? Bakit hindi pa sila namamatay? Dapat sinasabay-sabay na pala lahat kung dahil doon kaya sila kinuha. Isang malaking pasabog na sana para naubos na kaming lahat mga kritiko LAMANG. Kritiko. Alam mo ba ibig sabihin ng kritikong propesyonal na mamahayag? Ang kapal mo lang.

Basahin mo nga ulit.

“Huwag kayo mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka’t nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Diyos pala ang gaganti, bakit kung makapagsalita ka eh parang ikaw ang gumaganti? Parang tuwang-tuwa ka sa nangyari. Kung Diyos pala, kailangan mo pa bang mag-post? Oo, papatulan ko yang post mo dahil gusto ko malaman ng buong mundo ang pagka-kitid ng utak mo brad. Eh kung ikaw ang namatay, ano yun? Kasaganahan? Malaking kawalan sa mamamayang Pilipino o sa grupo niyo?

Ito lang masasabi ko:

Una sa lahat, anak tayo ng Diyos. Tingin niya lahat sa atin ay pantay pantay kahit hindi tayo pare-pareho ng height. Oo, iba iba ang pamamaraan o ang nakatadhana sa atin kapag tayo ay namatay pero hindi dahil sa pagsasabi ng mga opinyon dahil sa mga pangyayari lalo na sa relihiyon ng isa’t isa ay ikamamatay natin. Ang babaw naman ng Diyos kung ganun brad.

Pangalawa, ang relihiyon ay gawa lamang ng tao. Ikaw nga tanungin ko brad, ano ba sa tingin mo ang relihiyon ng Diyos? Gugupitin ko yang itlog mo yung sabihin mong Kristiyanismo. Gupit ha, hindi putol.

Pangatlo, sinabi ba ng Diyos na bumuo tayo ng relihiyon? I don’t think so kapatid. Ang sinabi ng Diyos eh magmahalan tayo. Ano pa bang kaakibat nun? Yang pinagsasabi mo ba ay bunga ng pagmamahal? Kasi alam ko, ang pagmamahal ng Diyos ay walang panghuhusga. Pero sige, huhusgahan kita ngayon kasi depensa ito sa mga taong katulad ko na nagpapantig ang tenga sa mga tulad mo. Kaya lang itong pagsusulat ko ay bunga ng pagmamahal kasi mahal ko ang kapwa ko, ano man ang relihiyon niya pero kung ganyan lang pala magiging bunga ng relihiyon, puro panghuhusga at kumpitensya, aba ayoko na talaga mag-relihiyon.

Abangan kita sa labas ng bahay ko. Handa ako mamatay, hindi dahil sa ka-ipokritahan mo kung hindi dahil sa paniniwala kong hindi totoo ang relihiyon at sa pagmamahal ko sa kapwa kong walang kamuwang-muwang na ang pagkamatay nila ay dahil sa mga pinagsasabi nila tungkol sa relihiyon mo.

No wonder bakit marami nagre-react kasama na sila, is because… Ganyan kayo manghusga.

Ipagdadasal ko ang kaluluwa mo na sana maliwanagan ka ng isip.

Ipagdasal mo rin sana ang kaluluwa kong pupunta sa impyerno dahil baka hatulan na ako ng Diyos mamaya.

Hahaha nakakatawa ka kuya brad kapatid.

Ako’y aalis na at nandito na ang sundo ko. Si Kamatayan.

Advertisements

4 thoughts on “Sige, Ako Next Ha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s