e-PAL

Ito ang nakita kong definition:

Electronic Peer Assisted Learning (e-PAL) is a project in which learning support is embedded in a module, accessible to all students, and facilitated electronically by trained e-PAL facilitators working closely with lecturers and professional support staff acting as e-PALcoordinators.

Bigla kong naisip, oo. Maraming epal sa mundo. Isa ka na dun. At oo, ewan ko ba bakit hinahayaan kitang humawak ng emosyon ko ngayon pero hindi ko maiiwasan na tao rin ako, may mga oras na naiinis din ako lalo na sa mga taong tulad mo.

Ano ba ginagawa mo?

Mahilig ka magpapansin. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa yun. Bukod sa kulang ka sa pansin eh siguro naman hindi ka naman nagkulang sa atensyon ng asawa mo? Oo nga pala. Baka nakakalimutan mong may asawa ka. Pero teka, hindi na ako magsasalita tungkol dito. Sino ba naman ako para pigilan ka? Sino ba naman ako para sabihan ka na wala kang karapatan magkagusto sa iba, na magmahal ka ng iba. Pero sana, kung gusto mo siya, sabihin mo nalang sa kanya. Halata ka na kasi, ate. Alam kong gustung-gusto mo na siya kausapin at kaibiganin. Mukhang gusto mo rin siya agawin kasi alam ko naman hindi ko siya pagmamay-ari. Hayok na hayok ka ate. Hindi ko alam kung saan ka mas hayok. Hayok ka ba sa atensyon niya o talagang hayok kang makipagusap sa kanya? Nagkausap naman na kayo diba? Binati mo pa nga siya nung araw ng mga puso eh. Bukod dun, marami naman siguro kayong napagusapan. Hindi ko lang alam kung ano yung mga yun. Ayoko nang alamin. Sobrang sakit siguro. Nabuo na siguro yung pangarap mong makilala siya ng husto pero ayaw mo parin tumigil? Sana kinuha mo na rin phone number niya para magdamag na kayo magkausap. Kasi tutal, nahanap mo na rin social media account niya. Hinanap mo ba o may ginawa ka lang para hindi ka niya mahindian? Yung walang sawa mong pangugulit at pagpipilit. Hindi kita maintindihan. Bakit ba ayaw mo tumigil? Siguro, may gusto ka pang makuha. Ganun naman yun diba? Hindi titigil ang isang tao hanggat hindi niya nakukuha yung gusto niya. Kahit makuha mo siya sa iba.

So ano na? Sana nakapagdesisyon ka na. Sana naisip mo na kahit masakit sa akin, (masakit kasi siguro alam ko ang kalagayan ng pagiging epal) at nakakaramdam ka rin naman, sige kunin mo na. Kung papayag siya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s