Urmaasa

Source: http://purveyr.com

Sampung taon simula nung huli kitang makita, alam mo ba yun? Sampung taon na akong naghihintay na makita kang muli.

Pero wala eh, hindi na kita nakita ulit.

Sa bawat pagtingin ko sa mga schedule ng gigs niyo, hindi magkataon na makakapunta ako. Wala akong pera, may iba akong lakad o sige na nga, wala talaga akong pera.

Lalo na nung nag Daghang Salamat gig kayo sa 19 East last December, siyempre hindi nanaman ako nakapunta.  Dagang salamat nalang ang nagawa ko. Dinaga na ako kakaantay.

Tuwing may gig kayo, nakikinig nalang ako ng buong album niyo. Or kung hindi, nanunuod ako ng mga concert niyo sa YouTube. Tang ina, tag-hirap talaga ang lola mo. Oo, sabihin nating affordable naman concerts niyo and all, pero tuwing malapit na, ubos na ang pera ko. Hahaha. Wait, hindi siya nakakatawa. Dapat, huhuhu.

Bukod sa lahat ng galing ng lyrics at music arrangements na nagagawa niyo, isa pa dun yung malupit mong boses na kahit ano pakiramdam ko, nawawala lahat ng negatibo. O kung positibo man, mas nagiging maangas ang dating ko sa mundo. Feeling ko ang guapo guapo ko.

Kagabi, DVD launch niyo. Malamang hindi nanaman ako nakapunta.

Siguro naman bago mag 2026 makikita na rin kita. At least mabawasan yung another 10 years kong paghihintay.

Ikaw lang ang tangi ng lalakeng aasa pa rin ako ng aasa kahit ang sakit sakit na.

Ikaw lang ang tangi ng lalakeng hinaharana ako kahit hindi ko sabihin. Isang pindot lang ng Spotify (too bad konting albums niyo lang ang nasa Spotify so I have to access…) or YouTube.

Ikaw lang ang tangi ng lalake kahit iharap ko sa magulang ko, kahit maraming tattoo, kantahan mo sila papayag na rin sila akong magpa-tattoo.

Ikaw lang ang tangi ng lalake inaabangan ko simula’t sapul.

Ikaw lang ang tangi ng lalake na hindi ganoon ka-guapo, hindi rin matangkad pero malakas ang appeal. Cute mo nga eh, chubby pero nabawasan na ng konting laman pero cute pa din. :)

Hindi ka tangi ha. Tanging. Tangingnaman oh. Kailan kaya kita makikita ulit?

Miss na kita Gabby. Hihihi

Cute cute mo dito!!! Sarap i-kiss!

Please continue supporting OPM! And not just OPM, but originally composed songs by Filipino bands <3

HINDI NIYA AKO MASYADO FAN, K?

 

Advertisements

9 thoughts on “Urmaasa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s