Little Bro Bruh Brirthday

Alam kong uso ang mga greetings with photos sa Facebook, Instagram at Twitter but I think, this person is worthy of my post. 

Hindi kami related by blood, super close lang ng family namin for years now and siya ang pinaka-unang bata sa barkada namin na family friends, the family I consider my second family. I’ve known him for 13 years now and I guess, pwedeng related na rin kami by heart sa tagal ko ba namang kilala itong batang ito! Hahaha! Hindi normal magkaroon ng kabarkadang 10 years younger sa’yo diba? But with him, naging possible siya.

To my ever so beloved brother by heart (yes not by blood naman kasi),

OMG, you are what?! 16?! Seriously? I cannot believe 16 ka na!

Parang kailan lang eh 4 years old ka lang, ginising kita sa harap ng tent at nag-picture ako! Buti natago pa itong photo na ‘to haha! Digicam pa ata ito kinuha. Super cute mo dati Miguel! Kahit antok ka, ang cute cute mo! Infairness, magkamukha kayo ni Alessandra dito. I really have a feeling long lost brother kita!

Tanay, Rizal 2004

And I’m sure naalala mo itong Manaoag trip na ito. This was April 2005, a week after ata ng birthday mo. Hahaha! Medyo makulit ka na dito! I’m not sure though if ako kumuha ng photo na ‘to or kuya mo pero meron kasi akong kopya. Basta isa sa amin.

Manaoag Trip, 2005

Marunong ka na magpa-cute sa photo na ito. Feeling ko pumoporma ka na sa mga chicks mo dito. (Mana-mana lang yan *wink* – eh nag wink ka rin pala dito haha) Kung mapapansin mo, uso pala ang “sex bracelet” nito hahaha shet. 8 years ago na pala nauso yun? Pero I remember sinusuot ko pa sya hanggang 2011. Hahaha! Okay, nawala ka na sa usapan.

Sa may inyo lang, 2008

Ito yung favorite kong picture natin kasi ang payat ko dito tska maganda pa ako dito. Hahaha! Well, I had fun sa Halloween na ito kasi nung una, hindi ko talaga alam sinong cartoon character ka.(Shit guys, sino nga ba ito? Haha di ko na maalala).

Halloween, 2011

THIS IS MY FAVORITE PHOTO OF (mostly) ALL OF US! Haha! Bakit?

  1. Blue and white yung shade ng shirts natin
  2. L to R: Ikaw (Migs), Robin, Nathan, Anje, Rein, CJ, Angel, Ed, (medyo singit si Mac ng konti). Since magkapatid si CJ and Robin, kami ni Nathan and kayo ni Angel, si Rein and Ed lang hindi magkapatid dito haha! Ang cool nito!!! Haha tapos si Rein lang naka maroon color ng shirt.
  3. Sobrang random na tayo pa yung ready sa group photo na ito hahaha!
Holy Week, 2016

Thank you Miguel, for the friendship. Kahit hindi tayo magka-age eh sobrang natanggap mo lahat ng tantrums, drama at ka-cornyhan ng Ate Anje mo. Maraming salamat for always being supportive sa mga jokes ko! Thank you for always providing me unli coffee ng Great Taste White – our oh so favorite coffee! Kahit 4x a day tayo mag-coffee basta Great Taste (plugging? hahaha!) Thank you for your sweetness at lagi mo na-appreciate ang presence ni Ate Anje especially kapag nagtatago ka sa mga girls mo at ayaw mo i-share kay Ate :( pero marami kang alam na secrets ni Ate, madaya ka! Hahaha alam kong shy ka pa but if I can tell you about boys, you can tell me about girls, okay? You need to hear from someone who has been through love hell during her teens (nyahaha). Also, thank you for noticing the smallest things kay Ate – when I’m sad, lonely or whatsoever feelings I have. Thanks for making me laugh Migoy!

See you hopefully, tonight? Alam kong may pakain kayo. Hihihi

At uubusin ko lahat yan! Swimming ba or pakain?

HAPPY BIRTHDAY MIGS!!! =)

Love,
Ate Anje :)

Advertisements

2 thoughts on “Little Bro Bruh Brirthday

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s