A Long Walwal Kinda Leave/Weekend

Susmiyo, ang sakit ng lalamunan ko.

Mom: Kamusta yung party?

Me: Anong party Ma? Hahaha!

Naka-leave kasi ako ng April 7 and 8. Wala akong shift ng 9 (shit sayang, double pay pala ito) and then Sunday, siyempre wala akong pasok.

So nung Thursday, nagpunta ako ng Makati. I met up with Heidi and Miera ng mga 12nn, kumain ako (oo ako lang kasi I’ll do the eating, they’ll do the talking) sa Yoshinoya. Wala kaming picture pala kasi sobrang shota (short time) kasi i-meet ko si Jim ng 2pm.

So, kami ni Jim may picture kasi sobrang vain siya. Charot!

image-e4bcd03506baea346bdff55037a1dd57e0741ccf7d519c7f4fe39026fc1e2ff6-v.jpg
Ang putla ko. Wala na akong make-up masyado kasi hagardo na ang lola mo.

Since kailangan umalis ni Jim ng 4PM kasi sasabak siya sa kalbaryo ng MRT, at ayoko pa siya paalisin kasi sabi ko mag hanggang 530 na siya para wala akong waiting time masyado (haha selfish), hindi siya nagpapigil. Buti nalang nilibre niya ako ng kape! Haha.

Nung umalis si Jim, nagkita kami ng partner in life ko pero walang picture kasi wala lang :’) it’s the quality time that counts. Chos! ♥

After, ako naman sumabak sa kalbaryo ng Pilipinas. Pupunta kasi talaga ako kay Tere sa Las Piñas so siyempre the easiest way was dun sa Park Square sa mga shuttle, at least diretsong RFC na baba ko. Unfortunately, ang haba pa rin ng pila! 8:30 na yun ha! Nakakaloka! Nahirapan pa ang mahal kong ihatid ako dun tapos hindi rin naman pala ako sasakay dun. :( so nag-Alabang Skyway nalang ako. Nalito ako kasi iba na pala babaan at antayan sa terminal sa South Station. Buti may nakita akong jeep hanggang Casimiro. Nung nasa halos tapat na kami ng Town sa may Tuloy sa Don Bosco (medj sa may mga squats) nasiraan ba naman yung jeep. Sus ginoo. Handa na akong ma-rape, manakawan kasi feeling ko baka salisi gang chuvaness. Buti naman hindi. So bumaba na ako, wala akong maparang jeep ulit eh sakto may dumating na taxi. Putaena, nag-taxi nalang ako. Sabi ko nga, kulang nalang barko, tren at eroplano sakyan ko kasi parang lahat nung araw na yun nasakyan ko na. Dumating ata ako kayla Tere mga 10? Hindi ko na maalala.

Graduation celebration kasi ni Denden (kapatid ni Tere). Tere is one of my closest friends ng college, I can say best friend na din. Napaka-overrated na kasi ng “best friend” na term. Haha! Itong photo na ito, wala na si Tere. Natulog na kasi may pasok pa siya the next day. Sabi nga namin wag na siya pumasok eh. Hahaha!

wp-1460336086739.jpg
L to R: Hindi ko po kilala, Si Tito Tito, NJ (boip ni Den), Den, JV, Migs, Ate Dess, Nakalimutan ko na yung name, Nakalimutan ko din name ng guy na ito, Tita Tere (mom nila Tere), me, AJ plus ang poging poging super poging si Rey (youngest kapatid nila Tere). Sorry po sa low quality ng photo. Hehe

Nakakatuwa lang kasi ang small world! Si JV, Migs and AJ eh kilala iba kong batchmates tapos ayun, more of bands pinagusapan din namin tska pulitika (c/o of Tita Tere nyahaha) eh kasi part pala sila JV ng band. Eh yung common friends namin is also part ng band tapos sa kanila ko nga nalaman na nanalo pala yung isa naming common friend sa Red Horse Muziklaban. Hahaha! Hindi ko man lang alam yun! So hinatid ako ni Rey sa bahay. Thank you Rey! :) mga 5AM na ako umuwi. College life ang peg ika nga ng nanay ko.

April 8 (Friday) was mommy day. So I just spent the whole day lang with my favorite person in the world, Alliekot!

April 9 yung outing/”teambuilding” ng South Sites. But before nun, I met up with my high school south besties ng mga 2pm. Nakakatuwa kasi kumain kami sa Flaming. Bakit? Eh kasi 10 years ago, yes 2006, dun kami unang-unang kumain. Haha! I mean lagi naman kami kumakain dun kapag nagkikita kami parang we just can’t get enough. Nagkita si Lauren at Luig dahil kukunin ni Lauren yung puppy. Super cute ng puppy! I forgot the mix of the breed but gosssshhhhh!!!

received_10157256587095497.jpeg

received_1265933880086768.jpeg
Bahay ni Luig
received_1265873970092759.jpeg
Diba? Halatang kakagising lang ni Luig. Naka pajama pa hahaha

And then here are the photos ng South Site Recruitment Team. Sa Bacoor, Cavite kami nag-swimming/outing/”teambuilding” sa may Luna Amore (Dolce Amore? Haha!)

This slideshow requires JavaScript.

Sunday afternoon, 1st birthday celebration naman ni Mae Ann tapos birthday ni Migs nung April 6 so pinagsabay nalang nila :)

20160410_174604.jpg
Siyempre si kuya Matt ang nag-blow haha
20160410_172801.jpg
Allie watching kuya Matt singing ‘Love Yourself’ haha

20160410_172801.jpg

That’s all folks! Hahaha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s