That Thing Called Karma

I’ve been wanting to write about karma since the day I heard a “friend” of mine tell me, “Karma mo yan, Anje.”

And ako, wait. Paano ko naging karma ito?

Karma ko daw yung nabuntis ako at iniwan ako ng tatay ng anak ko. Yes, alam ko medyo 2 years ago na itong pangyayari na ito pero naisip ko lang lately kasi yung nagsabi sa akin nito, kaka-celebrate niya lang ng birthday niya.

Mapapaisip ka talaga paano siya naging karma. Ang alam ko kasi, ang karma is the exact same thing you did to someone. Eh dahil lang nagka-riff kami nitong kaibigan ko na ito sa school before? With all the catfights and childish arguments, I don’t fucking know paano ko naging karma iyon. It was my choice naman na maging ganito ako but to think of it, wala naman akong inabandon na tao before, or worse, nabuntis ko (lels) or kung ano mang related sa pangiiwan at pagbubuntis.

Then it got me thinking…

Maybe sobrang masaya lang siya na nangyari sa akin yun kaya natawag niyang karma dahil sa mga pinag-awayan namin dati? Eh parang napaka-pathetic naman na reason yun. Hahaha. Dahil lang dun?

Naisip ko yung nangyari sa akin, wasn’t karma at all. Alessandra has been my lucky charm ever since. Nung nangyari sa akin ang pagbubuntis ko sa kanya, mas naintindihan at naramdaman ko pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ko. Hindi nagkaroon ng malalang sakit si Alessandra. Napaka-talino niya, bibo at healthy talaga – yun ang importante. Nakakuha ako ng trabaho na malapit lang sa bahay (so hindi hirap sa biyahe and tipid pamasahe) tapos  kaka-promote lang sa akin 2 weeks ago. In addition, sobrang mahal ko ang trabaho ko at mga ka-trabaho ko. Tapos, hindi ko akalain magkakaroon pa ng taong tatanggap sa akin at mamahalin ako – at ang anak ko, so nagka-lovelife pa ako. Akalain mo yun?

Paano naging karma?

And then nakakatawa kagabi, dumaan ang mga homies ko (gangsta talaga eh noh) – dumaan yung dalawa kong malalapit na kaibigan kagabi dito. Hindi ko ineexpect na tsismoso din pala ang mga lalake. Sabi ba naman sa akin, “Anje! Nakakarma na si gago!” Sa loob-loob ko, naisip kong matutuwa ba ako? Kasi kung ganun, ibig sabihin naging pareho lang ako tulad ng “friend” ko. Pero like what I said, karma is like the exact same thing that happened to both parties involved.

image

Tunay na Friend: Spi-not ko Instagram nya. Actually, saglit lang kasi napagusapan namin siya.

Me: Hahaha wow! Mas kayo pa nagsta-stalk ha.

Tunay na Friend2: Seryoso tsong. Tignan mo to.

Me: At talagang pinakita sa akin. Haha. Okay sige.  (After ilang seconds of scanning sa Insta feed)…

Me: Oh, paano siya na-karma niyan?

Tunay na Friend: Isipin mo Anje, nakikita mo ba yung asawa? Wala diba? Wala? So malamang single parent na rin tong ate niya. Putangina ito yung revenge at its finest! Dahil sa ginawa nilang pang-ambush sayo, sila din iniwan.

Me: Okay… pero hindi naman sa kanya nangya—

Tunay na Friend2: Wait, there’s more!!! Nagkakasakit na sya! Yung sakit sa tiyan o puson na naranasan mo nung nanganganak ka, naranasan din nya!

Me: Pero hindi naman panganganak yan eh.

Tunay na Friend: Same shit Je. Same shit.

Me: Ayoko matuwa.

Tunay na Friend: Ayaw mo ngang bugbugin at sugurin namin nung una, ngayon na nakuha na nila karma nila, ayaw mo rin matuwa? Wag ka magpaka-anghel.

Me: Corny man pero, ang Diyos na talaga bahala sa kanila.

Tunay na Friend2: Ay nako Je bahala ka. Basta sinasabi ko sayo ito na yung karma nila. At marami pang paghihirap ang dadaanan nila.

(Biglang narinig ng nanay ko paguusap namin)

Mom: Ano yang tsismis na yan?

Tunay na Friend: Hahaha tita! Na karma na po si white carabao.

(And then inulit nanaman ng kaibigan ko yung kwento)

Mahirap kasi manghusga kung karma ba ang isang bagay o hindi.

Naniniwala naman ako sa karma. Kaya lang, kung ikakatuwa mo iyon, para mo na rin ibinaba ang sarili mo.

Karma? Pero mas naniniwala ako sa kama. BWAHAHA 😈

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s