Buhay Cetaphil

So, 1 week ako naka-leave last week. Sabihin na nating forced leave siya kasi kailangan talaga siya ubusin bago mag April 30. Oo, last year ko pang mga leave ito.

Wala ako masyado ginawa nung Monday. Bonding lang with Alessandra. Nag-swimming kami sa pool sa bahay – plastic pool, okay? So since Monday-Friday nag-swimming lang talaga kami hahaha!

Nung Tuesday naman, birthday ng ina kong dakila. Kumain kami ng lunch sa Sambokojin. Eh siyempre, tang ina sakit nanaman ng tiyan ko. Haha tapos nakakatawa, andun rin pala si Dave kaya lang hindi kami nagkita kasi nalaman ko lang na nandun siya nung nag-upload na ako ng photo sa Facebook. Parang lagi nalang ata sila Dave dun. Sayaaa haha. Kaya lang hindi ko nagustuhan yung dessert nila :(

Wednesday (at talagang kwinento ko one by one), nag-grocery kami kasi sweldo day so ubos nanaman ang anda. Hahaha! Tapos after, pumunta kami sa family friend namin (nag-celebrate na din si Mama dun hanggang gabi) pero parang hindi ko kasama si Alessandra kasi natulog lang the whole time. After, met up with Aaron sa Rob Las Piñas kasi pupunta kami kay Sofie (nanganak si Sofie last April 15!!! YEHEY!! Baby boy!). Na-CS siya. Roy Abraham ang name ng kanyang ball of sunshine :)

Thursday, nagpunta kami ng LTO. Bukod sa naubos energy ko sa init, naubos nanaman pera ko.

Friday, ano nga ba ginawa ko nun? Sa bahay lang ata ako tapos swimming lang kami ulit. Ay! Nagpunta pala si Heidi and Isaiah sa bahay! Haha amnesia. Nag-play time sila. Nakakatuwa. Parang kailan lang newborn silang dalawa. :)

Saturday-Sunday, nagpunta kami ng Batangas. Swimming, inom, kain. Kung sa bahay buhay baboy ako, sa Batangas naman buhay batugan. Ang sarap ng atsara and lomi na hindi masyado masabaw, malapot pero pwede na (may mga chicharon kasi and other stuff na hindi ko ma-describe). Fiesta din kasi sa Lemery kaya ayun, dinala kami dun ng amiga ni Mama. Well, matagal na namin silang family friend naman. Since 1995 ata. Doon na rin ako nanuod ng debate AT HINDI AKO MAGBLOBLOG ABOUT DEBATE/POLITICS SA POST NA ITO ;) hahaha!

So to summarize everything, negra na ako. Kung mestiza ako I can tell na namumula-mula ako pero as of now, oo namumula ako kaya lang bukas eh magbabalat na ako.

Thanks to Cetaphil! Kahit anong gawin ko, hindi ako magbabalat. Ganun siya kagaling! Recommended talaga! Ever since bata ako, yun na ginagamit ko. Napaka-gentle sa mukha.

At nagkwento lang ako to promote Cetaphil especially ngayong summer!

Source: http://allure.com

Hahaha! Joke lang. Ito na mga photos ng 1 week leave ko:

This slideshow requires JavaScript.

Kwento ako ng kwento ng mga ganito sa buhay ko, hindi ko naman alam kung natutuwa ka. Paki mo ba diba, hindi naman tayo related! Haha. Actually, may ma-store lang na archive at least 15 years from now, if gusto ko pagtawanan sarili ko, may mababalikan ako. Just like my old blogs haha.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s