Papunta at Pabalik

Papunta na ako

Papunta na ako sa lugar kung saan kong unang nahanap ang sarili ko

Papunta na ako

Papunta na ako sa lugar kung saan ko huling nawala ang sarili ko

 

Papunta na ako

Papunta na ako sa oras kung saan ko hindi naabutan ang sarili ko

Papunta na ako

Papunta na ako sa oras kung saan ko nakasalubong ang dating ako

 

Papunta na ako

Papunta na ako sa panahon kung saan kong unang natikman ang ulan

Papunta na ako

Papunta na ako sa panahon kung saan kong huling naramdaman ang araw

 

Papunta na ako

Papunta na ako sa pakiramdam kung saan ko unang natutunan ang masaktan

Papunta na ako

Papunta na ako sa pakiramdam kung saan ko huling nakita ang kasarinlan

 

Papunta na ako

Papunta na ako sa kilos kung saan ko unang nabatid ang mga ngiti

Papunta na ako

Papunta na ako sa kilos kung saan ko huling itinulak ang mga iyak

 

Pabalik na ako

Pabalik na ako sa lugar kung saan ayoko na makilala ang dati kong sarili

Pabalik na ako

Pabalik na ako sa oras kung saang ubos na ubos na

Pabalik na ako

Pabalik na ako sa panahon na puro unos nalang ang aking natitikman at nararamdaman

Pabalik na ako

Pabalik na ako sa pakiramdam na sana huling sakit na ito

Pabalik na ako

Pabalik na ako sa kilos na hindi ko alam kung ngingiti o iiyak ba ako

 

 

Papunta na

Papunta na sa iyo

Pero hindi ka na bumalik

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s