Siya Ang Presidente Ko

Marami ang nagtataka sa mga kaibigan ko bakit hindi ako naglalagay ng mga kuru-kuro ko tungkol sa pulitika. Ang alam kasi nila, marami talaga akong opinyon dito kahit noong bata pa ako. Plinano ko talaga magsulat tungkol dito sa bispiras ng eleksyon para talagang aralin kung ano ang tinitibok ng puso ko (bukod pa doon, ay para ma-impluwensyahan ka. Charaught lang).

Source: http://philstar.com

Noong 2010, unang karanasan…. ko sa pagboto ng eleksyon, si Noynoy na talaga ang sinasabi ng aking puso. Siguro kasi nung mga panahon na yun eh siya na ang masasabi nating least corrupt and least ‘pwede na’, maisagip lang ang katahimikan at kung anu-ano pang krimen ang mayroon sa atin.

Source: http://newsinfo.inquirer.net

Kung mapapadpad ka lang din sa mga previous posts ko, (sorry kinailangan ko talaga mag-Taglish sa pagsusulat kasi mas dire-diretso thoughts ko – woops, Taglish ulit hehe) mapapansin niyo kakaiba ang gusto kong sistema ng Pilipinas, o simpleng sistema ng gobyerno. At sobrang malayo ito sa Aquino administration. Kumbaga, no choice nalang ako nung 2010.

Ito lang naman siguro ang mga simpleng bagay na gusto ng mga Pilipino:

  1. Mawala ang korupsyon
  2. Mawala ang paghihirap
  3. Magkaroon ng maayos na transportasyon
  4. Mabawasan ang krimen
  5. Magkaroon ng gobyernong totoo sa mga Pilipino

Imposible. Oo, realidad na talagang imposible.

Una sa lahat, hindi ako naniniwala na mawawala agad ang korupsyon pero pwede bawasan ito. Ang paghihirap din hindi mawawala pero pwede ring mabawasan. Ang pagkakaroon ng maayos na transportasyon ay hindi agad-agad mareresolba ng bongga. Ang pagbawas ng krimen? Ha, dito sa Pilipinas? Sigurado kayo? At gobyernong totoo?

Source: http://newsinfo.inquirer.net

Tulad nga ng sabi ko, kung ako lang at ako lang ang masusunod sa “dream system” ko sa Pilipinas, yoon ay ang kamay na bakal. Naniniwala ako sa disiplina. Aanhin ko yang human rights na yan kung mismong mga tao eh sila ang naguumpisa sa pagkawala ng human rights?

Halimbawa: Pagnanakaw.

Source: http://rappler.com

Kung ako ang presidente, ipapa-putol ko yang kamay mo. Ipapa-televise ko pa.

Tingin mo? May uulit pa? May gagawa parin ba?

Okay sige, human rights pero nasaan na ang karapatan nung taong ninakawan? Kahit rape pa yan, kahit simpleng hindi marunong magtapon ng basura.

Lahat naman tayo may ideal system o gobyerno pero hindi naman talaga kakayanin at matutupad yan eh.

Pero kung meron isang presidentiable na kaya niyang mamatay para sa kanyang bayan at para sa kapwa niyang Pilipino,  ITO ANG PRESIDENTE KO.

Ito na yung matagal ko nang pinapangarap. Sa dami kong nakikitang pulitiko, wala pa akong narinig na ganito katapang at ganito niya kamahal ang kanyang bayan. Huli na ata si Ninoy – ngunit, hindi naman naipagpatuloy ni Noynoy. At hindi ko rin naman naabutan si Ninoy hahaha!

Pwede si Miriam – the fact na may sakit siya, malamang hindi na magnanakaw ito. Oo, matalino siya at ma-disiplina din pero kahit sinong namumuno, gusto ko lalaki. Ang mga babae kasi masyadong emotional. Kahit boss gusto ko lalake, kasi talagang firm when it comes to decision-making (eh bakit si Duterte, ang gulo ng desisyon making? Panuorin nalang ang Miting De Avance niya kahapon at alamin kung bakit —please see link below, 6ft under the ground—)

So parang Grace din – ayoko ng mahinhin na sistema at kulang sa experience pagdating sa pagdidisiplina. Tska ano nanaman ito, dahil namatay tatay niya? So parang si Noynoy din dahil namatay nanay niya? Pambawi at paawa?

Kakasabi ko lang din ng pagnanakaw bilang halimbawa, so malamang hindi ko iboboto si Binay.

Si Mar masyadong pabebe. Ayoko na ng kahit sino mula sa administrasyong Aquino. Pwede niyo rin basahin dito ang history ng kanilang pamumulitika at pamumuno ng kapangyarihan.

O diba, sobrang layman’s terms?

Hindi DISENTENG pamumuno ang kailangan ng bayan natin.

Pucha, sa dami ng krimen, korupsyon at droga tingin mo disenteng tao pa ang mamumuno? Paano madidisiplina tong mga kababayan ko?

Ito ang tandaan mo: Hindi masama ang pumatay KUNG ikabubuti ito ng pangkalahatan. Kulong ka nga ng kulong ng mga kriminal, dagdag espasyo at bayad pa mula sa tax. Nakakaloka ka ng puson.

Yang mga pumapatay ng kapwa? Kulong ba ang sagot? Magdidisiplina ba sila at pagbabayaran nila mga ginawa nila? Dapat ibalik na yang death penalty na yan. Hindi talaga magtitino ang Pinoy (tapos ano, tax pa natin nagbabayad sa mga pakain ng mga kriminal na yan sa preso, pucha lang naman).

Buti nauso yung “Shut up ka nalang.” Saktong-sakto para sa mga taong mamaru sa panahon ng eleksyon na ito. Wag na tayo mangealam kung sino iboboto nino. Basta bumoto nalang kayo dahil sa pagmamahal sa bayan. Ganun ka-simple. Ewan ko bakit ang hirap intindihin. Happy Eve of Elections!

Ito ang presidente ko, ang taong hindi takot mamatay, pumatay at magpakamatay para sa mga kababayan – dahil ito ang kahulugan ng tunay na pagmamahal.

Source: http://news.abs-cbn.com

Panuorin dito ang Miting De Avance ni Mayor Digong at ewan ko nalang kung hindi mo pa maramdaman ang tunay niyang pagmamahal sa Perlas ng Silanganan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s