Ang Nunal

Ang nunal mong sing itim ng ugali mo

Ang nunal mong sing itim ng mga kalokohan mo

Ang nunal mong sing itim ng mga intensyon mo

Ang nunal mong sing kulay ng mundo mo

Ang nunal mong nasa leeg mo

Ang nunal mong malapit sa bibig mo

Ang nunal na nasa likod mo

Ang nunal mong nakakalat sa buong katawan mo

Ang nunal mong taglay ang kasungitan

Ang nunal mong maraming tao na ang tinapakan

Ang nunal mong walang awa mang-api

Ang nunal mong kasuklam-suklam

Ang nunal mong bastos

Ang nunal mong may sapak

Ang nunal mong may sapi

Ang nunal mong may sakit

Ang nunal na nagsisimbolo ng katauhan mo

Ang nunal na kapag hinawakan ay maaring tirisin at putukin

Ang nunal na hugis bilog kung paano mo bilugin ang utak ng mga taong nakapaligid sa’yo

Ang nunal na korteng tuldok na matagal na naming gustong tapusin

At tang inang nunal yan, hindi mawala-mawala

Kaya paisa-isa nalang kami nawawala

Advertisements

3 thoughts on “Ang Nunal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s