BPS: Pillows

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi hindi ko masyado natuunan ng pansin nung tumatawag at nagtetext sa akin si Sir Alex. Na gusto niya lang ng kausap. Na sana sinagot ko lahat ng tawag at text niya. Na sana nailabas niya mga problema niya. Na sana, nagka-inuman pa kami para lalong magkwento siya. Pero hindi. Kailangan niyang mamatay para ma-realize naming lahat bakit siya nangungulit sa amin. Kayo? Wag niyo nang antayin may masamang mangyari sa mga taong malalapit sa inyo para ma-appreciate niyo presence nila. Kapag patay na, wala ka nang magagawa. Hanggat nandiyan pa, pahalagahan at mahalin niyo sila.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko ay miss na miss ko na ang pamilya ko sa foundation na miyembro ako. Ilang linggo na rin ako hindi nakapunta. Ang pakiramdam ko na kapag malungkot ako ng sobra, sila lang talaga nakakapagpagaan at nakakapagpalimot sa lahat ng pinagdadaanan ko.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko na excited na ako mag-Monday dahil sa Episode 5 ng Game of Thrones. Excited na rin ako makita mga ka-trabaho ko at makipagchikahan.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko na pagod na ako emotionally sa mga pangyayari sa buhay ko. Ayoko na maging specific pero ang nangyari is nakalimutan ko nanaman mahalin ang sarili ko muna o bigyan ng pahinga yung sarili ko kakaintindi nalang ng mga tao sa paligid ko. Nagiging robot nanaman ako.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, background music natin ito kasi ito talaga ang nararamdaman ko ngayon:


If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko na namimiss ko na uminom ng wintermelon na milktea. Ang tanging flavor lang ng milktea na ino-order ko lamang. Parang sa kapena ino-order ko, iisa lang talaga.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko na mahal ko talaga ang trabaho ko. Kasi tinanong ako ng ka-opisina ko if 5 years from now eh kung nakikita ko ba sarili ko with the same company, oo naman sabi ko.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko naiiyak ako kasi hindi ako nagkakaroon ng solo time na kami lang ni Alessandra. Pati oras sa anak ko, nawawalan na ako ng time.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sisigaw ako ng “Tang inang time yan! Fuck time talaga!”

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko na sobrang busog ako ngayon kasi ang dami kong kinain na nilagang baboy.

If umiinom tayo ng beer ngayon at kumakain ng pizza, sasabihin ko na naiinis ako kasi hindi ko pa napapanuod ang Civil War at hindi ko man lang natapos-tapos ang Inside Out.

Advertisements

8 thoughts on “BPS: Pillows

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s