Samsong and Debanda: May 19 @ 19 East

Hay salamat. Nagkaroon ako ng gabing maging lalake ulit, kumain ng liempo, uminom ng beer at makalanghap ng maraming usok ng inihaw at sigarilyo. Natupad na ang hinahanap kong chill time sa lahat ng stress na pinagdadaanan ko (oo, present tense).

Kailangan ko talaga makarinig ng gitara, uminom at manigarilyo

Salamat sa aking pre na si Aaron at sinamahan niya ako. Hirap na hirap akong makahanap ng kasama kasi lahat ng mga kaibigan kong mahilig manuod ng mga gigs ay laging busy. Ready na akong pumunta ng solo eh. Sanay naman akong mag-isa parati at iniiwan.

image

image

Maganda yung unang set, mga kiddos. Siguro kung hindi ako nagkakamali mga 10-13 years old sila. The Hansons ang peg. Akala namin ni Aa nung una eh mga babae sila. Mga maton pala. Ay, wala pala silang pic na nakuhaan ni Aa.

Next up was Cables and Space. Hay tang ina guapo talaga ni Russel Manaloto pakshet talaga. Sa kanya lang ako nakatingin the whole time. Sabi ni Aa basa na daw yung carpet. Hahaha. Itong Cables and Space, actually if nanuod kayo ng Daghang Salamat last leg Christmas Concert ng Urbandub sa 19 East din, si Russel ang makikita niyo din dun. Kumabaga, siya yung bassist. Pero sa Cables, siya sa guitar. Buti nalang pareho kami ng school nung college. Maraming mutual friends. Maraming pwede mangyari? Hahaha asa pa! Crush lang. Hindi ko kayang i-add sa Facebook. Baka sabihin niya, “Sino tong negrang to?” Hahaha! Negra lang ako dahil sa swimming noh. Maputi parin ang singit ko char. Oh tama na. Masyado na akong nahumaling sa kanya. Cute pa pumorma. Dami pang tattoo. May bigote at balbas. Bad boy look. Oo type ko na. Finollow ko na lang, hindi add. šŸ˜‰

Part din ng Cables is si John, guitarist ng Urbandub. Si ate girl na bassist hindi ko kilala. Si kuya drummer alam ko siya rin drummer nung last leg ng Urbandub.

Anyway, ito na photos ng Cables and Space ā¤

image

image

image

Siyempre, ang pinunta ko ding isa pa (actually lahat sila) ay ang Autotelic. Never saw them live. Na-curious din ako sa post ni Ared aka Huling Hugotero. Ay tama nga naman, napakahusay nila. And kapag nasa work ako gumagawa ng mga documentations, pampagana ko music nila. Tamang chill lang. Or kahit pag nagcocommute ko or driving man, malungkot or masaya, nakakaaliw silang pakinggan.

Tawa kami ng tawa ni Aa kasi yung nasa kaliwang guitarist, kamukhang-kamukha yung tatay ng anak ko. Sabi nya, “Kaya pala gusto mo manuod ah! Hahaha” OH PUH-LEAZE āœ‹

image

image

image

So after nila, ito na. Ramdam na ramdam ko na ang alat ng dagat at init ng araw kasi nagse-setup na sina Franco. Well, what do you expect? Magaling talaga sila. Tapos yung bago nilang drummer is 22 years old lang (hmm pwede sa post ko na Pedo File nyahaha). Boses palang ni Franco, actually kahit acapella lang pwede na eh. So lupet pwedeng hawakan ang pwet. Chos.

image

image

image

image

image

image

image

And then lumabas na si Ebe. Ito talaga yung kapag heartbroken ka, boses nya lang talaga pakinggan mo, ramdam mo talagang iniwan ka eh. Natawa ako at some point kasi meron siyang cinompose na kanta na para daw sa iisang babaeng tunay niyang minahal. Eh kapatid yun ng kaibigan ko. Kung hindi ako nagkakamali ah kasi nung kasikatan ng Sugarfee (eh high school ako nun, sila na) Hay, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

image

I wouldn’t miss Gabby for the world. Matagal ko na siyang di narinig live. Nagtaka din kami nung una bakit tatlo yung upuan. Ay shit sabi ko, kakanta sila ng Urbandub songs kasi umupo si John and Russel. Hay ang pekers ko kinikilig nanaman! They changed the vibe a bit, acoustic with a little bit of electronic beats. It’s more of showcase siguro ng gagawin nila sa Music Museum on the 27th na hindi ako makakapanuod kasi wala nanamang pwedeng kasama. Kaya siguro sa 19 East na muna ako dahil tipid mode. Hindi, sa totoo lang wala talaga akong kasama. Ang hirap pala mag-isa.

image

image

image

image

image

image

image

Nang dahil sa mga nangyari, ang wallpaper ko na si Gabby ay naging si Russel na. ā¤ā¤ā¤

image

Advertisements

24 thoughts on “Samsong and Debanda: May 19 @ 19 East

      1. hayaan mo na, Pilipinas parin naman yan, if there’s a will there’s a way. hahaha charot! si ate aysabaw nga nasa Dubai eh šŸ˜‚šŸ˜‚šŸ˜‚

        Like

  1. Hope you had fun! Saya ng set na yan!

    Cables and Space (John!!!!!!) is my new it band. Parang Dub din tugtugan.

    And Autotelic is ā¤.

    Pero sobrang heavy weight ng main acts. Si Ebe pang laslasan. Si Franco Rock God ang datingan. At siyempre si Gab, na sobrang idol ko dati pa. I’ll catch them next time they swing South!

    Liked by 1 person

    1. I REALLY DID! :D kung pwede lang wag na ako umuwi at pumasok kinabukasan. Hahaha ang dami ng tao, Thursday na Thursday. Akala nga nila Ebe, Holiday the next day kasi parang wala kaming mga trabaho! Hahaha! Huhu super galing ng Cables :’) hahaha! Sige sabihan mo ako. Alam kong mysterious ka so I’ll feel nalang your presence if ever hahaha

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s