Daily U: 21st and 22nd of June 2016

Friends

Happy Birthday Dave!

10559917_1588534158057482_1519679673136555060_n.jpg
Rach, Ganda and Dave * Sky Ranch Tagaytay

Si Dave ay isa sa mga pinakamatagal at pinakamatalik ko nang kaibigan. Grade 5 kami naging magkaklase tapos naging magkabarkada kami nung Grade 7. Bukod sa tagal na ng aming pinagsamahan (kasama na din si Rach dun), matagal na rin kami hindi nagkikita kaya may utang siya sa akin ng isang keg ng beer sa gabi ng Biyernes. Sana, mangyari. Sana talaga. Masaya rin ako at nakatapos na rin siya ng kurso. Grumaduate siya nung March. Aga niya grumaduate noh? Yan ang matatawag mong sobrang sipag na estudyante. Sa sobrang sipag, hindi na umalis ng school.

Work

First day ko sa Pasay ngayon, sa Metropoint Mall. Para dun sa mga hindi nakakaalam, ito ang mall kung saan gitna siya ng MRT at LRT. Kung gusto niyo ako puntahan, nasa 5th floor lang ako. Just like what I said sa previous entry ko, assigned ako dito for 2 weeks.

I feel welcomed naman. Bonggang 13 agad ang final interviews ko today. Iba man ang process pero masaya naman kasama ang MP Team.

Kaya lang, since earthquake drill kanina, nakakaloka ang experience ko. Wish ko lang sana hindi i-count as late since 10:10 ako nakapag-log in. Buti mineet ako ni Bry sa 3rd floor.

Adventure Today, June 22 (hahaha talagang documented?)

Speaking of 3rd floor, naloka ako sa experience ko sa LRT.

Wait bago yun, ang gago nung driver. Sumakay ako ng jeep sa Taft at ang sabi sa akin eh dadaan daw ng Metropoint Mall yun. Pucha, lumiko siya ng Buendia. Ang saya ng umaga ko! Hahaha! So I decided na mag-LRT nalang. Eh ang tagal bago dumating yung train kasi 9AM na yun, so nag-start na yung earthquake drill. After 5 minutes, may dumating naman.

Sumasakay ako ng LRT at MRT dati. Ngayon, nag-iba na pala.

Nung palabas na ako sa LRT at akala ko ita-tap lang yung card (kasi ganun din nung pumasok ako)

“Ma’am, iniinsert po yan.” Yung kuya sa likod, ininsert niya. Napaka-gentleman ni kuya. May  mga ganung lalake parin pala?

Game of Thrones

Sorry pero putang inang Episode 9!!!!! Putang ina talaga! Like putang ina mo Ramsay!!! Yung feelings ko kagabi iyak, tawa, sigaw. Lahat na ata ng emotions nailabas ko. Parang nung nanganganak lang ako. Hahaha!

Thank you to my boss, since sabay kami umuwi… Sa sobrang supportive niya sa GoT, pinanuod niya sa akin sa phone mula Pasay hanggang BF. Yes! Hinatid niya ako! Ganun siya ka-supportive matapos ko lang yung episode.

Medyo sad lang kasi finale na ng Season 6 next week.

But, not to spoil to you fans out there… Nakatulog ako ng maayos kagabi :)

Have a great day my dear napipilitan na readers! <3

Advertisements

8 thoughts on “Daily U: 21st and 22nd of June 2016

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s