Petiks Pa

Eh kasi ganito ang pwesto ko kapag assigned ako sa Front Desk:

Nasa gitna ako. As in pagpasok mo sa entrance, kagandahan at katabaan ko ang makikita mo. Sa kaliwa, vending machine – ang vending machine na 8 ang selections pero 4 lang ang gumagana para sa kape. Sa kanan ko yung TV. Ang mga stations namin nasa likod ko (pero may harang) para hindi kita ng mga applikante yung mga kagaguhan at kaingayan AT mga tsismisan namin.

So eh di wala nang applikante. Hindi ko alam kung bakit. Siguro hindi nila kinaya yung pagiging diyosa ko, mga na-threatened.

So scroll scroll lang ako sa Facebook, pak ganern.

Narinig ko tumutunog yung vending machine. Ibig sabihin eh may kumukuha ng kape. Ah okay, sabi ko sa sarili ko. Baka mga ka-opisina ko lang yun or applikante. (Sa sobrang tutok ko sa monitor ko, hindi na gumagana peripheral powers ko).

“Anje, ano bago sa feed mo ngayon?”

Tanong sa akin ng boss ko.

Siyempre namumula na ako. Bukod sa guapo yung boss ko at lahat kami ay nahuhumaling sa kaguapuhan niya, namumula ako sa kahihiyan.

Pero buti nalang tungkol sa Harry Potter yung binabasa ko. Somewhat educational naman, diba?

“Bakit may access ka dyan? Ako wala akong access sa Facebook.”

Sabi ko, “Ako rin naman sir walang access. Kay Shie itong logins na gamit ko! Hahaha!”

Eh di napahiya ako. Buti nag-aya mag-chikahan ang officemates ko na lumabas kasi magyoyosi SILA. Yes, sila. Hindi na ako kasama. :P

So anyway, after namin mag-chikahan, pumasok na ako. Sakto nandoon si boss sa may mga stations namin (which is malapit din sa printer).

“Anje, prini-print ko na yung written warning mo.”

Siyempre, niloloko niya lang ako.

Not sure though, let’s see sa Monday. Bwahahaha!

Advertisements

2 thoughts on “Petiks Pa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s