Daily U: 5th of July 2016

Literal na South to North, North to South. The EDSA feeling.

So naka leave ako kahapon kasi gusto kong magpahinga. And when I say pahinga, ito ay lakwatsa. So ang plano ko talaga is puntahan kabarkada ko at anak niya (inaanak ko kasi yun) though hindi na natuloy kasi 5pm pa siya pwede sa Glorietta. Eh 2pm hindi na ako pwede since magkikita kami ni Jim.

Dumating ako sa Glorietta around 10:30AM at tumambay lang ako the whole time sa Starbucks sa may cinemas. Inisip ko, manuod nalang kaya ako ng Achy Breaky kasi plano ko talaga manuod nun kasi sobrang guapo ni Papa Ian but naisip ko, 45% nalang ang battery ng phone ko. Kapag nanuod ako, hindi ako makakapagcharge so, yeah ended up waiting na talaga sa Starbucks.

Hipster photo in 3… 2… 1

Medyo chararat ng kuha ko. Jowang-jowa ang peg ko pag-antay kay Jim. Three and a half hours din yun. Well, ganun ako magmahal ng kaibigan. Hindi ko siya jowa. Besh ko siya.

Yung struggle ko sa MRT eh naulit nanaman. Last time sa LRT eh. So mali nanaman yung pag tap ko ng card alskdbdishsusj 😠

Buti nalang hindi ako masyado napahiya kasi kasama ko naman si Jim. Major chika kami sa MRT. Bumaba na kami ng Cubao at dumeretso na sa Bannaple. Wala akong picture nung kinain namin kasi hindi naman ako food blogger and hindi talaga ako mahilig kumuha ng photos ng pagkain. Kinakain ang pagkain at gutom na ako so why take a picture. So kami nalang ang mag-picture! πŸ˜‚

Medyo vain lang kami. Pero, no filter ito at make-up ha! Hagardo Versoza from MRT talaga πŸ˜‚

Sa unang shot, hindi talaga ako marunong tumingin sa phone

image-0.02.01.296aa7ef63b5a157ff35682a64c0d8d02ba832a53a12fd84436de0ba6454a006-v.jpg

Masarap yung kinain namin. Sobrang nabusog ako. Alam ko na bakit binusog ako ni Jim eh. Kasi ramdam ko warla mamaya ang biyahe ko. So bago ako umuwi, umikot ikot kami sa Gayway. Alam ko na bakit siya tinawag na Gateway ang Gayway. 2013 pa last kong punta dun. Marami nang nagbago.
Thank you beshie Jim πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†

Buti nakakita kami agad ng aircon na bus pa Sucat. Buti nalang din talaga nakapagcharge ako so Spotify mood ako the whole time. Nakakatawa kasi ito nanaman yung mga moments na nasa bus ka, umuulan tapos ang dami mong naiisip. Hindi ko na kwekwento mga naiisip ko kasi baka ma-jinx πŸ˜‰

Pero ewan ko bakit puro love songs pinapakinggan ko lately. In love ba ako? Hmmm. Nakakatuwa kasi along the way, as in the whole day kahapon parang may mga signs. Uhm, naniniwala ba kayo sa mga signs? 😊

Eh lumakas yung ulan. Eh wala akong payong. Ito lang yung hindi magandang sign kahapon eh.Β Tamad kasi talaga ako magdala ng payong. Hehe

Inaya ko nanay at kuya ko manuod ng Achy Breaky pero ramdam kong tinamad na sila kasi ang lakas nga ng ulan. So, hindi ko nanaman napanuod. Booo.

Yung binayad ko sa konduktor hanggang Sucat lang. Ako lang ata nag-wish kahapon na sana mag-traffic pa at tumagal para hanggang tumila yung ulan eh hindi ako abutan. Sucat na at mabilis ang biyahe. At! Malakas parin ang ulan.

Sa Alabang nalang ako bumaba. At hindi ako nabasa. At hindi ako sumugod sa ulan. At tumila na ang ulan.

Cubao to Alabang. Sana sinagad ko nalang hanggang Batangas para literal na South.

Nakauwi naman ako ng buhay. Still alive and kicking.

Bigla kong naalala, hindi ko nabayaran yung hanggang Alabang ko. πŸ˜‘

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s