Ulandi

Ito na nga ba yung sinasabi ko

Yung dadating nanaman yung panahon na ayoko

Ayoko talaga ng bagyo

Oo mahilig ako sa tubig pero hindi itong klaseng tubig

 

Ito na nga ba yung sinasabi ko

Yung dadating nanaman yung panahon na ayoko

Ayoko talagang nagdadala ng payong

Oo mapro-protektahan ako pero bibigat nanaman ang dala ko

 

Ito na nga ba yung sinasabi ko

Yung dadating nanaman yung panahon na ayoko

Ayoko talaga ng mga pabugso-bugso

Oo sige, ikabubuti din naman ng mga halaman pero hindi naman kasang-ayon

 

Ito na nga ba yung sinasabi ko

Yung dadating nanaman yung panahon na ayoko

Ayoko talaga ng malamig

Oo sige, hindi mainit at hindi ako pagpapawisan pero maninigas naman ako

 

Ito na nga ba yung sinasabi ko

Yung dadating nanaman yung panahon na ayoko

Ayoko na talaga muna umibig

Oo masaya umibig pero may kaakibat nanaman itong sakit

Oo mapro-protektahan ako pero hindi lahat ng oras sarili ko ang iisipin ko

Oo ikabubuti ko ito pero hindi parati dahil pabugso-bugso din ang mga damdamin

Oo babalik ang init ng katawan at pagpapawisan ako ngunit isang araw, bigla nalang lalamig ang mga puso

 

Ito na nga ba yung sinasabi ko

Yung dadating nanaman yung panahon na ayoko

Ayoko na talaga muna umibig

Pero mukhang hindi ko nanaman mapigilan

Oo sige, sa totoo lang kasi

Akala ko ambon lang, akala ko crush lang

Bagyo na pala

Mahal na pala kita

 

Halika na, at maglaro na tayo sa ulan

Advertisements

8 thoughts on “Ulandi

  1. Ito na nga ba yung sinasabi ko.
    Yung dumating ang panahon na ibinigay ang aking kahilingan (na masuspend ang klase)
    Ngunit hindi naman kita nasilayan (pero hindi tayo nagkita kasi umuulan ng pagkalakas tapos ngayon wala na PAKSHIT, hahahaa!).

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s