Where Are My Cookies? (First Supply)

Medyo bastos pero sinadya ko talaga na ganyan ang title.

And since everyone’s been crazy with Pookiemon.

holy-nostalgia-11-of-the-best-episodes-from-rugrats-664635
Source: Google

Since hindi ko mapanindigan yung mga kemerloo na ginawa ko dati, I think mas okay yung nakalaan nalang lahat ng categories sa isang post. (Oo, tapos hindi ko nanaman ito paninindigan).

Thanks for the inspiration of your Happy Volume, Miera!

Though hindi lahat dito ay magiging happy. That’s why umpisahan na natin.

I think it’s in the cookie jar. My work schedule today is 6AM-7PM. Nag-alarm ako ng 4AM, I slept again then I woke up at 5:17AM. Napuyat kakalaro ng Kim Kardashian Hollywood. Tinanong ko mom ko if pwede ko dalhin yung kotse kasi late na ako but she told me to just commute since paubos na yung gas. Okay, then. I arrived at work 6:08AM. Naligo naman ako okay. Mabilis talaga ako maligo, wala kasi akong keme keme sa katawan na nilalagay. So anyway, medyo na-stress na ako kasi late na ako (and ayokong nala-late! Lalo na kapag period ko ang late – charaught). So pak trabaho ganern. Pabalik-balik ako from our recruitment office papunta sa operations site medyo marami akong inasikaso na requirements. And! Masakit nga yung tahi ko since Sunday kasi nabigla ako sa pag-laundry namin ng bongga. Mabagal nanaman ako maglakad. Parang galing nanaman ako sa panganganak. So ayun, hindi pa ako kumain ng breakfast. Pagkatapos ko makabalik from operations, naiiyak ako.

Ayan na. Sinasabi ko na nga ba.

Yosing-yosi na ang lola mo. Ganito po kaming mga addict sa yosi, kapag na-stress, naghahanap. Parang mga rapists lang, kapag stress sila sa urges na yun, maghahanap. WHAT. AN. ANALOGY.

Naiiyak na ako. May pera na akong pambili. Malapit lang ang bilihan pero hindi, hindi, hindi. Tama nga, the struggle is real. Mahirap mag-quit. Oo, aamin na ako. I’ve been smoking for 10 years, so yeah since 15-16 years old ako. (That’s the type of lifestyle I grew up with, especially kapag ganun ang community mo sa school. Mga conyong rich kid na di mo maatim).

Bumili na lang ako ng Jollibee. Longganisa with egg and fried rice tapos pineapple juice. Pero naiiyak parin ako. Yung longganisa meal is P100, yung Marlboro Lights na 20s soft pack plus lighter is P74. Libre pa kape sa office so makakatipid ako. Actually, hindi talaga ako masyado ma-breakfast na tao. Yosilog ang tawag ko sa breakfast ko. Pero walang itlog. Itlog na pagkain na galing sa manok, hindi sa tao okay. Yosi at kape, solb na ako.

Nanghinayang pa.

I think it’s still in the wax paper about to be baked. Advantage talaga yung marami kang kaibigan na lalake pero minsan iniisip ko, bakit may mga lalake parin na hindi ko maintindihan? Bakit kapag dating sa mga kaibigan kong mga loko-loko eh madali ko sila maintindihan? What is it with guys today? I don’t understand. Hahaha! How do they define dating? Parang ang hirap na ng labels ngayon. It’s either you’re exclusively dating, you are dating but you’re allowed to date others, hanging out, hooking up – kaloka! Iba’t iba na ang tawag talaga. Babalik nanaman tayo dun sa consistency issue ko. If you don’t want to eat the cookie, don’t bake ’em. That simple nalang siguro.

Walang issue. Hirap lang ako magbasa ng lalake lately.

Take it for instance, mga twice a week lang siya magtetext sa’yo pero sasabihin niya he’s so interested to meet you, to take you out, etc. But, uhm hello? Twice a week ka lang magtext? Another person naman will talk to you the whole day for only a certain day. Let’s say, tuwing Saturday lang siya interested sa akin? Or, aayain ka niya manuod ng movie parati or coffee given the fact na aminado naman siya na hindi networking ang purpose niya, pero tuwing feel niya lang mag-kape at kapag may magandang movie. Or yung lalakeng consistent ka naman kausapin everyday tapos nagugustuhan mo na siya pero, bigla ka nalang nganga kasi wala na?

“I really want to see you. Sorry, I’ve just been really busy.” (Please visit my Facebook, I have lots of photos there)

“Tara! Kain tayo!” (every fucking Saturday??? Koya? Wala ba kayong pagkain sa bahay kapag Sabado?)

“I just want to get to know you more.” (Just please, Google me)

Weh. My guy friends told me, if a guy really likes a girl or if he’s really interested, he will pursue her, no matter what. *insert song: No Matter What by Boyzone*

Walang issue pala, ha?! Hahaha! Daming arte! Buti nalang mga kaibigan kong lalake marunong magsabi ng totoo. Pero kahit ganun, bilang babae, aasa ka. Hahaha! Asa pa more, ate girl. Tama na. Kung ayaw mo sa akin, eh di wag! Talaga lang ha.

I think it’s still in the store. So lately, feeling ko totoo talaga yung sinasabi nila na when you think positive, you invite positive energy then the results will also be positive. Yep, this is true. Coming sa lusak na pangyayari last month, nakita nila na hindi naman sa pagbubuhat ng bangko (kahit mas mabigat pa ako sa bangko) pero sinasabi ng mga nakakakita sa akin na blooming ako lately. Ang gaan gaan daw kahit nga mabigat ako ng aura ko lately. Bongga! Salamat sa mga compliment pero feeling ko dala yan ng good and new positive habits na #goals ko lately. Siyempre, pagkatapos ng lusak ay dapat bumangon. Mas marami pang magagandang bagay in store for me. Oo, sabihin na nating inspired pero tulong ito ng mga kaibigan kong araw-araw nagpapaligaya sa akin tawagin niyo na akong Ligaya simula ngayon. Tulong din ito ng aking anak na walang sawang sumusu oo sumuso talaga siya sumusuporta sa aking pagaaral. Charaught! Sa anak ko na walang katapusang kaligayahan ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya, nawawala lahat ng pagod sa araw-araw. At oo, sabihin na nating inspired dahil may crush pero, sabi ko nga, asa pa more ate girl. Araw-araw ko siya tinitignan. Araw-araw ko siya stina-stalk. Araw-araw ko siyang iniisip taena. Tama na. Alam mo yung gusto mo iparamdam na gustung-gusto mo siya kaya lang kailangan mong magpaka-dalagang Pilipina? Hahaha! Bakit hindi ka crush ng crush mo? Puñeta! Haha! Tama na! Balik grade school ang peg ng kilig?

I think I ate the cookies. Just to share, I cannot wait for Alessandra’s first field trip on the 29th! I’M SO EXCITED!!! <3 Buti nalang talaga hindi sa zoo kasi putangina talaga ikamamatay ko kapag nakita ko yung ahas. So they were all asking paano na kapag sa zoo yung next field trip? Hindi ko alam isasagot ko. Kailangan ng mataimtim na pagdadasal para sa pangyayaring iyon. Bahala na. Well, balak ko gawan ng video si Alessandra sa first field trip niya. Ang nagawang video ko palang kasi is yung first birthday niya and yung gift ko para sa first birthday niya na pwede niyo panuorin dito. And please, hindi ako artisan gumawa ng video so wag masyado mag-expect.

The cookies are in my tummy now. *burp* Naubos ko na yung longganisa meal ko (meal parin ba tawag kahit walang fries?) So anyway, I think masyado nang mahaba ang chika ko for the morning. Magtratrabaho iidlip muna ako for how many minutes kung kaya pa. Iiwanan ko nalang kayo ng quote for this entry (by me, of course):

“A person who keeps on going back to his or her old habits will have the same result. If you want to stop complaining or change something within you, you have to stop that habit. You have to change something. But if you still choose not to, you deserve the unchangeable result you’ve been receiving.” – Punjetry (naks)

Sabi nga ni Tove Lo sa Habits, “Uh-uh.” Hahaha

This is the lesson I learned from quitting old habits. :)

So I hope to share more to you and give you alatta sunshine –  until my next post, until my cookie supply lasts!

Cheers,

Anje

Advertisements

10 thoughts on “Where Are My Cookies? (First Supply)

  1. may mga bagong terms pa ngayon.. ung ghosting at benching. tss. mga lalaki talaga haha! di na ata uso ngayon ung patay na patay sya sayo tapos todo ligaw at alam ng madlang pipol na ikaw ang bet nya. ikaw lang talaga walang iba. tapos deadma si koya kahit posibleng “mabasted” basta maga-i love you sya.

    Liked by 1 person

    1. Hahaha! Kindly enlighten me sa benching at ghosting na yan. Hindi ba yan position while having sex? Charaught. Alam mo meron pa namang lalakeng ganyan, hindi mo palang siguro siya nakikilala. :)

      Kaya ako nalang muna mag-I love you sayo ngayon. I love you Mismei! Hahahaha!

      Liked by 1 person

      1. awww!! na-touch ako haha! natawa ko sa position while having sex lol. nababasa ko lang un sa “Elite Daily” hehe.. ung benching daw ung mga pa-nice guy effect parang kagaya nung dinedescribe mo na weekends lang “gutom” ayaw nya magcommit pero gusto nya anjan ka lang lagi pag inaya nya!! ung ghosting naman ung biglang nawawala. parang katext mo lang sya kagabi pinag-uusapan nyo pa ung next movie date tapos biglang nawala na syang parang bula. walang pasabi, walang kahit ano. akala mo patay na.. un pala patay na nga talaga. patay na patay na sa iba waha! basta parang ganern.

        Liked by 1 person

      2. Haha! Mahirap na maging hindi ako pagdating dito sa writings ko eh. So better be straightforward diba? 😂 Ahhh! Benching pala tawag dun haha! Bakit kasi hindi nalang nila sabihin if ayaw na nila diba? Better to break it with the truth than leaving you hanging with a lie 😂 matatanggap naman natin yun if go or stop na.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s