Balasaur, Drogachu at Katotohananigglypuff

Dahil uso ang barilan, patayan at Pokemon…

Dahil punung-puno na ako sa kagaguhan ng utak ni De Lima at wala akong paki kung mabasa ito ng mga kaibigan kong sang-ayon kay De Lima at kung magsamba sa kanilang administrasyong Aquino, ay kala mo’y kababait na tao ito ay opinyon ko lamang at kung opposed ka sa akin, eh pwede mo nang isara ang browser. Ganung ka-simple.

Taglish muna tayo sa part na ito kasi nakakagigil and tuluy-tuloy kasi thoughts ko wag lang u-thoughts. Like what I’ve reposted (kuya Apo’s blog entry about his open letter to De Lima), maglalagay lang ako ng mga additional or similar views ko about dito.

Mas gusto ko na piliiin yung taong aksyon agad, may prinsipyo at walang tinatagong kaplastikan. Lalung-lalo na ang taong kayang mamatay ipaglaban lang ang kaginhawaan ng bayan.

Hindi porkit pinatay ang isang tao eh tinanggalan na natin siya ng karapatan ipaglaban ang sarili niya. Ang tanong ko sa iyo: Ano karapatan niyang patayin ang sarili niyang katawan? Human rights? Ha? Right to get high and make money out of illegal drugs, ang saya.

Gusto ko ‘tong patayan. Let’s get straight to the point. Wag na maraming facts at iba pang kemerloo. Layman’s terms dapat. Magpapakalalake ako ngayon at hindi magiinarte na parang babae.

Common sense naman and let’s look at the bigger picture (say cheese para sa picture!)

Kapag pinatay ang drug pusher/user/drug lord, matatapos na ang pagkalat ng drugs. Kapag natapos ang pagkalat ng drugs, matatapos na masira ang mga utak ng mga tao. Kapag nasisira kasi ang utak ng mga tao, marami itong pwedeng gawin tulad ng: pumatay ng ibang tao, mag-utos pumatay ng tao at magpakamatay.

Tanong: Ano ang magandang dulot nito?

“Pwede naman sila ilagay sa rehab eh.”

Anak ng pating na nag-shabu naman oh. Babawasan mo pa tax ko? Magbabayad ako sa mga gagong nag-adik at mga gagong pumili na sirain nila buhay nila? Magbabayad ako para ayusin nila buhay nila? Eh sinira nga nila, ako pa magaayos? Hindi ako fixer. Lalung-lalo na hindi ko accountability ang kagaguhan na ginawa niya sa buhay niya. Mababawasan ako ng 3k every cutoff magtino lang sila? Oks lang kayo mga bes?

Tanong: Ang taong kinukulong o nirerehab ay fully bang nagpapakatino? Or “nagpapakatino” kuno sa kulungan – eh kasi nga, nalalagyan din ang mga warden at mga taga-bantay nila.

Tanong ko ulit: Kung marami kang ikukulong at ipaparehab, bes medyo dadami lang yung korupsyon sa kulungan. Ang saya, hanggang kulungan nababayaran mga tao. Natino nga sa paggamit ng droga, pero in general tumino ba ang pagkatao? Hindi mga bes, hindi.

“Paano naman yung mga willing magbago?”

They should’ve not taken drugs in the first place. Second chance? Ang taong gusto talaga ng pagbabago sa sarili ay una palang – alam na ang tama at mali. Kung alam mong mali naman pala mag-droga, bakit kailangan pa ipaabot sa rason na, “Willing naman po ako magbago.” Ang pagbebenta o pagiging lulong sa droga – yung ito palang mali na, nasaan yung thought ng willingness to change? Nagbibigay lang yang phrase na yan para ma-justify yung ginawa? Ka-ululan.

Kung ang isang bagay ay nagmula sa pagkakamali, una palang magiging mali na lahat yan.

“Nasaan ang mga ebidensya sa nakalista?”

Siguro hindi ganyan katapang humarap si Digong sa buong bayan para ipahiya niya sarili niya. Hindi yan magsasabi o maglalabas na walang ebidensya.

“Hindi maka-Diyos ang gawain na ito.”

Please define ang maka-Diyos. Sa pagkakaintindi ko, ang pagiging maka-Diyos ay pagmamahal sa ibang tao. Bigyan kita ng scenario, para gumana yang analogykemerloo mo sa utak mo.

Mamimili ka lang sa dalawa:

  • Mamamatay ang konting porsyento ng mga taong dumadagdag sa krimen araw-araw at maraming masasalbang buhay dahil wala nang mga adik
  • Hindi papatayin ang mga adik, ipapatawad sila at kung ano man proyekto para man lang mabuhay sila pero mananatili sila sa selda nako po yung baon ko po nila pero nagkakabayaran parin ng mga droga tapos hanggang sa dumami na sila, kakalat ulit ang droga

So kung ikaw ang Diyos, ano mas pipiliin mo? (And since sobrang mapagmahal ka), siyempre siguro yung mga taong maraming masasalba diba? Siyempre, kahit pantay-pantay ang tingin sa atin ng Diyos, binigyan niya parin tayo ng kakayahan mamili ng mga desisyon natin para din may hangganan tayo at hindi mang-abuso.

Diba, it’s always the greater good. Bigla ko naalala yung kumakalat na video dati sa YouTube – not sure if you remember this though yung tatay, he sacrificed his son na maipit ang train para lang hindi malaglag ang mga tao sa train.

Hirap kasi sa mga Pinoy, may ginawa na nga, may reklamo pa rin. Walang ginawa, reklamo parin. Eh kung kayo nalang kaya gumawa?

Tanong: Ano pa ba mapapakinabangan sa buhay na adik? Isa-alang alang na rin natin mga adik na nasa kalye – mostly mga taong grasa na nasobrahan na rin sa droga. Ano pa bang silbi nila? Eh sira na mga jutaks nga nila. Harang sa daan, gastos sa pagpapa-develop ng rehabilitation center naks siyempre pala kapag nangyari ito, marami nanaman sila makukurakot.

Huli kong tanong sa mga naiinis sa mga patayan: Handa mamatay ang presidente natin, yun pa lang ulam na. Eh ikaw? Tanong mo nga sarili mo, handa ka ba mamatay para sa ikabubuti ng bayan? O puro satsat ka lang din? Kontra sa ganito, kontra sa ganyan. Magsama kayo ni De Lima at mag-shopping ng maraming scarf. Try niyo sa kulungan, baka marami doon. Total lahat naman dun kayang bayaran.

Isipin niyo, ilang araw palang siya gaano na kadami mga ginawa niya. At ito pa, hands-on. Siya mismo pumpunta sa mga lugar para magbigay ng mga speech. Naranasan niyo ba ganyang ka hands-on na presidente?

And just to add, I don’t think na drugs lang main problem ng ating bansa. There are more things we have to focus on like yung ayusin mo trabaho mo, lovelife mo, finances mo etc. Kidding aside, marami pang problema ang bansa na sa loob ng ilang araw, umaakyson na siya at hindi puro sisi sa nakaraang administrasyon at hindi rin puro satsat.

Please see below:

“Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.”

– Original Panatang Makabayan

Handa mamatay ang presidente natin, yun pa lang ulam na. Eh ikaw? Tanong mo nga sarili mo, handa ka ba mamatay para sa ikabubuti ng bayan? Ako oo. Pero joke lang Lord, wag muna ngayon busy pa akez. Hehe

Kung may mga tanong pa kayo or gusto niyo makipagaway ng opinyon charaught lang di naman ako papatol ng sobrang malala, mag-comment lang kayo sa comments section.

Featured photo from Pulp Fiction (1994) | Source Google
Advertisements

43 thoughts on “Balasaur, Drogachu at Katotohananigglypuff

  1. Maraming keyboard warriors besh. Hayaan mo na lang. Minsan di nako nagtatagal sa Facebook dahil jan haha. Ipagpatuloy mo na lang ang pagiging isang mabuting mamamayan, may nakatingin man o wala.

    Liked by 1 person

  2. I agree with all of these. And as a society, we are generally fickle-minded. Generalizations are usually bad but I just can’t help but think that way. People wanted change. Now that the changes are there, people will always find what’s wrong. As a society, we winge all the time. We don’t want to invest in the long-term benefits such as a drug-free society. We always want to deal what’s in front of us. Sad, innit? Patayan this, human rights that. I don’t get it.

    And one thing I learned is, “don’t get high on your own supply.” :D

    Ay teka lang, may suot akong scarf. ¡Hahahahaha!

    Like

    1. Thanks for you comment and for reading, Jake! :) Diba, gawin mo or hindi may masasabi talaga ang mga tao so ano na diba? Anong gusto nilang gawin ng administrasyon? Dati they want na may magawa ang administration. Ngayon na may ginagawa, ayaw parin nila. Lipad nalang sa ibang planeta kung gusto nila ng perfect na ruling.

      Like

      1. Exactly! :) What people don’t realize is that, it’s actually overdue for resounding actions like this. Hindi talaga magwo-work ang “American democracy” dito, kasi wala tayong disiplina, among other things. Hindi na uubra sa atin ‘yung mga pa-good government. Something must be done – a massive one.

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s