Choker ni Batman

Lahat ng sasabihin ko ay based sa pagsuot ko ng nauusong choker ngayon, na uso nung 90s at nung late 1700s. Na nakikiuso naman ako. Pero napulot ko lang ‘tong choker na ‘to sa bahay eh. Ewan. Baka sa mga ate ko ‘to nung 90s. 2001 kasi ako pinanganak bwahaha asa naman.

5-hm.w529.h352

Naisip ko lang na maraming bagay ang nakakasakal. Minsan tao din.

Tulad ng pagkain. Naisip ko, ano ba yung mga pagkain na sa una akala ko macho-choke slam char ako dahil sa lasa, but in the end nagustuhan ko – at hinahanap hanap ko pa! Bukod sa luto ng Diyos chos

At pinilit ko talagang mai-konek sa suot kong choker na wala naman akong selfie.

Wait bago ang lahat. I have a maikling conyong kwento about a choking incident. Side kwento lang or segue.

Naalala ko, nasa Marinduque kami noon tapos nakatambay ako sa kotse namin I think I was 3 years old that time tapos kasama ko isa kong pinsan at tatay ko. Hindi ko alam bakit kami nakatambay at malayo sa may ilog pero mukhang may inaantay ata kaming pagkain? Not sure, check niyo nalang sa 1993 na CCTV or sa 1993 na GoPro. Well, so ayun nga. Binigyan niya ako ng Maxx na red and voila! Na-choke ako. Hanggang ngayon, hindi parin ako kumakain ng Maxx na red candy, yung chicken sa Max’s syempre iba naman spelling eh. Kasi nga, na-choke ako! Akala ko mamamatay na ako sayang Anje eh di sana walang epal ngayon sa WordPress feed ko, sabi mo noh?

Back to the pagkain kemerloo.

Ito ang mga pagkain na I think masarap pero unusual lalo na sa mga iba diyan na laking aircon.

  1. Coke, ice cream at pandesal – Salamat sa aking extended family dahil isang araw, nagiisip kami ng pwedeng i-meryenda tapos naisip nila ito. Masarap siya. From then on, gusto ko na kumain ng ice cream na nasa pandesal. Before naman kasi gusto ko ice cream sandwich eh kaya lang mga ice cream sandwich eh hindi naman talaga pandesal diba? Like yung mga Korean ice cream sandwich which is soooo good.
  2. Galunggong at banana ketchup – Hindi talaga ako mahilig maglagay ng condiments except with chicken, lumpia or basta yung mga fried. Normally naman mga nilalagyan natin is meat diba, not fish. One time kasi nagbakasyon ako sa “hacienda” namin sa Tanay tapos since 2 months yun, choosy pa ba ako sa kakainin ang importante lang naman eh makasama ko mga pinsan ko at mag-swimming pak tapos nag-ulam sila Tita ng galunggong tapos nagulat ako sa mga pinsan kong gubat na nilagyan nila ng ketchup. Nakakadiri siya sa una pero, napilitan nalang din ako. Minsan hinahanap-hanap ko rin yun. Bukod yung taong gubat ako, mga pagkaing gubat.
  3. Corned beef at sabaw – I don’t know how possible this is but yes, oo. Masarap pala sabawan ang corned beef? Nadiskubre ko ito sa extended family ko lalo na ang Jewel in the Palace namin na si Tita Belen. Lahat ng niluluto niya masarap. Na-try na rin ito ng mga high school friends ko (pero yung sinigang pala niya).
  4. Magpapak ng noodles na hindi luto – Yes, gawawin ng batang 90s though nung hindi ko trip ito kasi parang skwatskwat ng dating pero masarap pala siya. Tapos, iinom ka ng Milo after. Super sarap! Huwag lang siguro siya iluto sa Milo.
  5. Kwek kwekRhymes with pekpek. Masarap siya guys – yung kwek kwek pls. Thrice na ako nakakain ng kwek kwek, salamat sa mga madaliang pagluto. Masarap pala siya!!!
  6. Dugo – Hindi ako kumakain ng atay pero yung dugong iniihaw (actually kahit anong inihaw gusto ko) ay bet na bet ko!!
  7. Lasog na fries – Kahit anong klaseng patatas ipakain mo sa akin sige game ako. Kahit yung galing pa sa basurahan… ng mayayaman dapat.
  8. Taba ng bangus – Di bale nang macholesterol, nasarapan naman. Parang di bale nabuntis, nasarapan naman.
  9. Peach mango pie, Jolly spaghetti, Chickenjoy, Burger Yum – Di kasi ako fan ni Jollibee. Talagang Mcdo ang forever ko pero nang dahil sa caravan, araw-araw Jollibee food namin, hindi na ako magrereklamo. Natutuwa ako at masarap naman siya. Tawid gutom. Charaught!
  10. Poke mo – Hindi ko talaga kaya guys. Mah heart, mah soul I kenat. Joke lang. Hindi ko ito kinakain. Baka ikaw ate girl, kumakain ka?

Ang mga hindi kaya ni Batman (ako) na kainin ay ang mga sumusunod:

  1. Saging tapos kanin
  2. Saging kape tapos kanin
  3. Saging na hindi galing kay Adan HAHAHAHA
  4. Magsasaw ng kahit ano sa suka YUCK TALAGA SORRY. I eat chicharon like plain lang ganyan
  5. Puto. Kumakain ako ng pandesal terno sa dinuguan
  6. Gabi. Kung Gabby Alipe sige kainin ko pero di ko gets thrill kapag kinakain ito ng mga tao.
  7. Ginataang something – basta yung iba iba halo. Wala siyang lasa for me.
  8. Hindi pagkain ito pero kahit sa malayo, sensitive ako sa pag-amoy ko Ferrous Fucking Sulfate. Uminom lang ako nung kailangan ko nung buntis ako but damn god never again.
  9. Dark chocolate or kahit anong pagkain nababalot sa chocolate or kahit anong dessert na mas dominant ang chocolate. Kahit titing chocolate, no thank you.
  10. Somewhat sometimes kindlikesorta tocino. Basta hindi siya yung hahanap-hanapin ko. Pero kung yan nalang ang ulam, sige pagbigyan. Wag nang choosy. Wala na ngang lovelife, wala pang pagkain? Nganga nalang ganyan?

So ikaw, ano yung mga kinakain at hindi mo kinakain?

Straight ka ba? Hahaha! Choke lang :D

Advertisements

12 thoughts on “Choker ni Batman

  1. Omigod nacurious ako sa titing chocolate hahahahaha. Kapag nakakita ka akin na lang pwede? Hahahaha.

    Siguro ang pinaka-weird na hindi ko masyadong gustong kainin, bacon. Ayos lang naman ang lasa, I just don’t get the hype. Hehe.

    Liked by 1 person

  2. WHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA ang dami kong gustong reakan. pero na naiwan ako sa tanong na STRAIGHT KABA? hahahhaa opkors! mehehehe. 😊😊😊

    hahahahahahahahhahaha talaga potek! nkakatawa. luto ng dyos, titing chocolate. may issue din ako sa sinabawang cornbeef jan ako inaway ng friend ko kasi nagulat ako may sabaw un cornbeef na niluto ng mom nya nun nandun kami sa kanila, sabi ko lang naman “ay ang galing may sabaw” na offend pala.

    nagkeketchup ako to almost everything, like cornedbeed na unusual sa iba, idk why?

    suka + bawang + sili is the best!
    (as well at toyo calamansi sili)

    tapos alam ko naman straight ako. 😂😂😂

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha ramdam ko yang kaligayahan mo. All caps para intense. Hahaha!

      Sarap siguro ng titing chocolate. Medyo malaki. Hahaha paano ba pagkasabi mo? Baka tinake nya na sobrang offensive perp you had no intentions naman siguro, naaliw ka lang :)

      Ketchup at kanin ganern? Hahaha shet unusual nga!

      Liked by 1 person

      1. yup! pag walang ulam dati ketchup ketchup na lang, madalas malasading itlog (gusto ko ung pula) mixed with ketchup halo sa kanin. solb!

        HAHAHAHAH d ko alam, hindi pa ako nakatikim ng chocolate na ganun, covered ko next time HAHAHAHAAHAHAH

        ay tska i love dark chocolates, pero hindi yung ano yung dark. hahahahaha ano daw? ate ang censored mo! ang aga aga

        Liked by 1 person

  3. muntik na kitang di kayanin ate girl hahaha dami ko tawa! di ako mahilig sa karne! di ako nakikipag-unahan sa liempo, barbecue, humba at lechon pag may party! saka ayaw ko din ng dinuguan or kahit anong may lamanloob. ayoko din ng spaghetti sa umaga. hmm. pero iba nga talaga ung GG with banana ketchup! kala ko ako lang nakapansin, hindi bagay ung tomato ketchup e haha!

    Liked by 1 person

    1. Hahaha! Seryoso?? Pero karne na tao kumakain ka ba? Aminin mo, masarap yun! Hahaha di ko lang kaya atay talaga. Gusto ko yung ayaw mo ng spaghetti sa umaga, scheduled ang pasta ganyan? Haha. Parang sarsiado with real tomato na di kinatas haha ah basta ganun ;P

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s