Where Are My Cookies? (Second Supply)

Thanks for the inspiration of your Happy Volume, Miera!

I think it’s in the cookie jar. So aside from my work right now being a recruiter and being a freelance writer na matumal ang projects lately, there’s still another activity that I’ve been wanting to do. I started searching for Airsoft venues and circuit training venues but I think it’s going to be expensive. I tried consulting an office mate regarding the Hit gym in BF (well they have other branches but this is the nearest to my place) where you have P2,000 unlimited for 1 month. I’d say it’s very affordable but when I asked my mom that I plan to do this exercise aside from swimming every Sunday sa clubhouse na umuulan naman so wala ring kwenta talaga plans ko ever she mentioned that I keep on forgetting we have a membership in Slimmers since bata pa pala ako and unlimited siya. Why do I keep on forgetting it? Siguro, mas masarap kasi kumain. So kumbaga, at some point, nadedevelop ang aking healthy living and willingness na magbawas ng timbang.

I think it’s still in the wax paper about to be baked. Well, now that I’ve learned my lesson when it comes to love, and now that I want to really stop turning on my landi mode, here comes another guy na I swear to God, and this is the first time hindi ako lumalandi pabalik. I thought, well, after all that I’ve been through, I deserve to be valued so at least alam naman niyang kailangan niya ako paghirapan. It’s the first time in 3 years na may legit at matinong nanliligaw sa akin. Huhuhu. Siguro kaya din dumating siya kasi hindi ko na ginawang priority ang lalake – nakakapagod na mga bes. Kumbaga dumating siya kasi natuto na ako sa lesson. We’ll see. As of now, I’m still enjoying my time with my daughter, work and friends. I think I need more time to figure things out when it comes to going into another relationship. Pahinga na muna ako. Diyan lang siya. Willing to wait naman daw, asus narinig ko na yan. We’ll see. Eh di kung matiyaga si koya, why not? Pero hindi ko na talaga gagawing priority ang lovelife. Like I said, natuto na ako. There are a lot of things I should be more focused on like fries, pizza and sushi.

I think it’s still in the store. I attended Ninong’s lecture last night as well as with the rest of my extended family and boy does it feel so good! It’s been I think, a month that I haven’t seen them so again I felt rehabilitated again <3 Whenever I’m with them, priceless talaga yung kasiyahan ko. Hindi ko alam kung bakit pero kahit hindi ko sila kadugo, ang sarap ng pakiramdam may mga kabarkada kang matatanda at bata at the same time, family talaga treatment namin sa isa’t isa. Nakakatawa mga conversations namin kagabi feeling ko namiss rin nila ako.

Na-mention ni Ninong na namiss na niya yung pagiging bata ng mga anak niya.

Ninong: Masarap may anak. Nakaka-miss lang kasi ngayon malalaki na kayo *while making gigil sa mukha ni Angel* Minsan, gusto ko kayong yakapin at halikan kaya lang Gel ang dami nang dinaanan na mga babae yang labi mo eh. Buti nung bata ka pa

*bigla akong sumingit*

Anje: Buti nung bata ka pa, labi lang ni Anje. Ngayon, wala eh.

*sabay apir si Ninong sa akin*

Ninong: Gusto ko yang banat mo Anje! Hahaha! Nung bata si Anje lang talaga hinahalikan mo eh. Ikaw naman kasi Anje, nilandi mo agad si Angel.

Anje: Hala siya. Si Gel nauna.

Angel: Anong ako ang nauna? Sinabihan niyo kasi kami na wag sumama sa mga usapang matatanda, sabi niyo mag Tekken lang kami ni Anje dun sa sala. Ayan. Nagumpisa tuloy sa Tekken.

Anje: Pokemon po nilaro niya. Hahaha

Diba? How can you ever see such a family, na kahit nanay ko nga nandun pero okay lang yung mga ganyang usapan?

I remember napagkwentuhan din namin yung situation ni Ate C (won’t mention the name), and then si Ninong and sila tita ay hiningan kami ng mga advice. Yes, kapag mga ganitong times hindi lang matatanda binibigyan nila ng chance magbigay ng advice, kung hindi mga bata din. Ganun ka-open yung family and yung friendship namin sa isa’t isa. Hindi lang puro kalokohan. Marami talagang matututunan. :)

I think I ate the cookies. Thanks to Globe they gave me a free trial of Spotify Premium kaya one to sawa ako the whole month! Since yesterday morning, wala na kaming ginawa ni Alessandra kundi kumanta ng mga Disney songs while reading the books. Nakakatuwa. At least lessened yung viewing time niya sa YouTube – more of reading and singing lang siya. Actually, yun talaga isa sa mga goals ko, malaman nya mga Disney 90s songs as well as the stories so every night iba-ibang stories binabasa ko sa kanya. Of course, priority ang The Lion King and The Little Mermaid – siyempre, Hakuna Matata and Part of Your World. Both my ultimate favorite.

More additional eating cookie feelings:

Mag-promote lang ako ng mga bloggers na nagpapasaya sa akin personally or kahit sa posts nila.

  • My office mates <3 whatever stress we encounter, we still have each other’s back
    • Cy -Bilib ako sa babaeng ito. Sobrang you can count on her whenever (Please update your site hahaha)
    • Shie– Kahit minsan nasusungitan or binunbully ko, mahal niya parin ako
  • Bloggers
    • Mike na nabuhay muli at kinausap ako galing sa “ermitanyo” mode kuno na ilang araw lang. Hindi niya ako natiis. Hahaha! Pero masaya parati ang usapan kahit alipin na ang pakiramdam niya sa trabaho niya. Lahat naman tayong nagtratrabaho ay alipin, kaya mo yan beshie. (promoting his site kahit matagal na siyang hindi nag-uupdate haha) Excited na ako sa paguwi mo at sa dami mong dalang pasalubong. Yay!!
    • Also, Jim kasi kahit super busy namin eh nakakatuwa na ako parin kinekwentuhan/tinatakbuhan niya when he feels blue. Minsan nakakatawa kasi kapag ako malungkot, masaya siya. Kapag ako naman masaya, siya malungkot. Tapos ang sinasagot ko lang sa kanya, “Gawin mo besh yung sinabi mo sa akin na gawin ko nung problemado ako.” Haha! Binalik ko lang sa kanya. Love you besh! (promoting his site kahit hindi na rin siya naguupdate)
    • Ang supportive na si Kim sa aking mga posts sa Instagram! It brought happiness kasi like ng like si ate girl, thank you! :)
    • Sa mga masusugid na mga bes na patuloy nagbabasa ng aking entries, sobrang saya ko dahil sa inyo! Kat, Gay, Jolens, Meg at Luna.
    • And may na-discover akong super galing magsulat, The Journal of Disposable Thoughts
    • Isa pang nakakatuwang experience, eh kilala pala ng ex ng pinsan ko si Pots. Kung hindi dahil sa Instragram, hindi ko malalaman! Ang liit ng mundo!
    • Kahit konti lang kayo, hindi matutumbasan yung binuo niyong maraming kasiyahan at friendship sa buhay ko. No joke ito.
    • Yes, masaya kasi I’ve built real and happy friendships with them – bloggers sila! :D Please follow them kasi mapapasaya ka rin nila tulad ng ginawa nila sa akin :D
    • And nag-link ako sa mga blogs nila kasi sobrang mababait talaga silang tao. Isang patunay na hindi scam ang WordPress, charaught! Hahaha! I’m very lucky to have even met them via passion sa blogging
    • Kung may nakalimutan mo akong i-mention, pasensya po. Nandito naman po kayo sa puso ko :)

So ang saya saya ko nanaman. :D

Siyempre, thank you Lord! <3

So I hope to share more to you and give you alatta sunshine –  until my next post, until my cookie supply lasts!

Cheers,

Anje

Advertisements

31 thoughts on “Where Are My Cookies? (Second Supply)

  1. awww. ang saya saya naman dahil ang saya saya mo!! niceee! natawa ako sa “legit na manliligaw” haha.. totoong totoo! dapat pala may ganung pang-categorize e. sa panahon ngayon kasi mas marami ung hindi legit! happy ako for you para sa maraming bagay :’)

    Liked by 1 person

    1. Thank you Mei! :’) Hahaha! Happiness is a choice diba, parang kain ka lang ng karne ganyan. Hahaha! Yep. Tska bilang nalang sila. Ngayon lang ako nakaranas sa loob ng ilang taon na alam niya dapat paghirapan ang babae. Tska kung di niya kaya mahalin anak ko, sorry nalang sya. Haha.

      Thank you Mei! :’) I wish you happiness din but please, always choose to be happy. Alam ko namang happy ka parati :D

      Liked by 1 person

  2. How about yoga, have you ever considered doing it?

    Tama, ‘wag muna masyado sa mga lovelife-lovelife na ‘yan. Ya know, just let time to run its own course and let destiny do its own work. But oh my god I wish I can tell that to myself. -_-;; And with what I do, people rely on me to help find their lovelife-related answers.

    Spotify is one of those apps I never mind spending some moneys to. :D Halos six months akong may free Premium access dahil sa monthly subscription ko sa mobile internet. (Halos) lahat ng mga weird unheard songs and genres, du’n ko maririnig.

    Liked by 1 person

    1. Not into those things, mga yoga keme. Haha Yoga Bear lang labas ko nun.

      Yep Jake, hindi ko talaga focus lovelife ngayon. Like I said, dadating nalang yan. And if okay naman sya, why not give it a try? Mukha naman syang gentleman and mukhang willing ako paghirapan the fact na may anak ako. :) at least hindi katawan lang habol di TULAD NG IBA DYAN (hugot)

      Ang saya ng Spotify premium huhuhu busog na busog ako everyday lalo na kapag weekends! :D yung plan mo, may Spotify premium na kasama? Globe ba yan? Haha

      Like

      1. Actually halos isang taon pala akong naka-free Premium. :D Last year may promo sa Globe na may kasamang free 3-month Premium trial Spotify for some of their GoSakto shiz. Nag-accumulate ‘yung mga free Premium trial ko kasi monthly ako nagsu-subscribe sa 1gb internet.

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s