Kakaiba Zambales

Lahat naman tayo may pagkakaiba. Sabi nga nila, we’re unique in our own special way.

Pero ang alam ko hindi tayo pareho ng tatay kasi pinanganak siya sa Zambales at apelyido ay lagayan ng leche flan. Wait unless may anak siya sa labas na hindi ko alam. And walang konek ang Zambales sa post na ito.

So dahil selfish ako ulit and wala nanaman kaming ginagawa sa trabaho sarap petiks pero bayad, ito yung mga weird things na sabi ng ibang tao, weird nga daw talaga ako at some point okay. Pwede ko rin siya i-describe as, Stranger Things? Ma-promote lang ang isa sa mga paborito kong tv series.

  • Hindi ako sumasakay sa left side ng escalator. Nanghihina ako kapag nasa left side ako. I don’t know, maybe because right handed ako? Hahaha! Basta hindi ko kaya. Kahit sa mall, kunwari diba nasa left side ako tapos nandun yung railing, hindi ko kaya kasi takot ako sa heights. Kung nasa right ako, keri ko. Pero gusto ko na hinahawakan ang left hand ko for landi purposes hahaha
  • Speaking of takot ako sa heights, mahilig naman ako sa mga matataas na lugar basta gumagalaw. Let’s say for example, rollercoaster, zipline, slides ganyan. Pero kung still lang like ferris wheel, nakatayo ka lang, etc. hindi ko kaya. Kailangan gumagalaw or tatalon ako. Or kapag on top ako bwahahah jk
  • Kahit anong timpla mo sa juice, sobrang tamis – sobrang pait – sobrang tubig, okay lang sa akin. Kaya nga kahit mapait o matamis ang relasyon, keri lang. Weird taste buds ko. Minsan kahit anong lasa ng juice nakekeri ko. Hindi ko alam kung bakit.
  • Kapag kumakain ako, kailangan sakto lahat. Kung may kanin pa ako, kukuha pa ako ng ulam. Kung may ulam pa ako, kukunin pa ako ng kanin. I’ll never stop, never give up.
  • I hate chocolates. Period. Like as I always say, kung meron mang chocolate kailangan may cream or vanilla with it. I like everything white uy ano nanaman yang kabastusang iniisip mo. Siyempre, yun din HAHAHAHA
  • I can eat unlimited fries without getting full and without drinking water. Cookies din pala.
  • Lahat ng household chores basta may tubig, gustung-gusto kong gawin. Hindi ako tinatamad. Kahit maglinis ako ng banyo wag lang yung super dumi mah heart mah soul pls
  • Hindi ko kayang walang ponytail sa right hand ko. Parang earrings din. Feeling ko nakahubad ako kapag wala iyon. Di bale nang walang panty, basta may ponytail. At dapat brown or black siya at Goody ang brand. Yun lang kasi yung ponytail na kaya humawak sa buhok ko. Makapal kasi buhok ko, sing kapal ng mukha mo.
  • Tamad talaga ako sa mall. Hindi mo ako pwedeng kasama lalo na kapag magiikot tayo buong araw. I’ll really just get bored. Mostly, ang ginagawa ko sa mall ay manuod ng sine, kumain, bilyar, tambay at kape, magbasa sa Powerbooks. Yun lang. But never expect me as a girly girl na humaling sa shopping ganyan – kahit window shopping pa yan. Nakakatamad!!! Tamad talaga ako maglakad. Gusto ko chill lang.
  • Speaking of chill lang, personality ko nga ay chill lang. Kahit siguro nagkakagulo or nagkakagera, chill lang ako.
  • Kaya ko lumabas ng bahay na walang make-up pero dapat, may nilagay akong lip balm kasi nga, chappy lips ko. As in kahit pupunta ako sa party ganyan. Hindi nga rin kasi ako mamake-up na tao.
  • Feeling ko I’m at my best beautiful face kapag bagong gising kasi, basta. Hahaha! Sikretong malupet!
  • Hindi ako nagsisimba. Mas naniniwala ako sa personal relationship with God kaysa pumunta sa simbahan na nasa loob ka lang naman ng building at paulit-ulit yung binabasa ng pari. Mas gusto ko actions in terms sa pagiging God-like DotA lang haha, helping other people. Kawang-gawa.
  • Gusto ko lasa ng beer. Never ever na ako ulit iinom ng hard. Naaamoy ko palang, nasusuka na ako.
  • Hindi ako masyado magaling uminom ng tablet. Hindi talaga ako umiinom ng gamot. Kapag malala na ang sakit ko, doon lang.
  • Nalaman kong buntis ako, 5 months na.
  • Gustung-gusto kong gumala sa CAMANAVA area. Hindi pa talaga ako nakakapunta doon. Anyone who wants to make my wish come true?
  • Gusto ko rin pala pumunta sa  Tondo. Basta, sa magugulong part sa Pilipinas na may mga nakawan, patayan. Ewan ko talaga kung bakit. Baka past life ko, baril ako ganyan
  • Kapag nakakakita ako ng aso, gusto ko ampunin. Kahit stray dog pa yan. Kahit may dumi sa katawan. Kahit pilay. :( <3 Mabilis rin ako umiyak sa mga dog movies. Hindi ko actually kaya manuod. Last movie I watched was Hachiko and hindi ko talaga kinaya. Kahit mga posts sa feed ko sa Facebook, hina-hide ko kaagad. Pero gusto ko manuod ng The Secret Life of Pets! Cartoon naman kasi. :)
  • Hindi ako kumakain ng atay. Lalo na patay.
  • Nakakita na ako ng multo. Dalawang beses na. Isa sa Tanay, kasi inikot namin lakas trip naming magkakaibigan nung time na yun, stations of the cross. Ang itsura niya is bata, may hawak na doll pero natatakpan ng mahabang buhok niya yung mukha niya. Everytime titingin ako sa kanya, palapit siya ng palapit. Second time nakakita ako is sa bahay, lumalapit sa akin na white lady habang nagdadasal kami ng rosary nung uso pa sa pamilya namin mag rosary tuwing October chenes
  • Ayoko ng anything menthol. Yosi na menthol. Ayoko rin yung candy na may laman sa loob. Ewwww. Pero gusto ko ng candy na maanghang kasi
  • Mahilig ako sa maanghang. Basta masarap
  • Masarap ako. HAHAHA jk. Wala na akong mailagay

Ikaw? Ano mga ginagawa mong tingin mo weird para sa ibang tao?

Lahat ito, based sa mga kaibigan ko. As in sinabi nilang, “Ang weird mo!”

Maganda naman na weird. Hindi na sila umapila.

Advertisements

21 thoughts on “Kakaiba Zambales

  1. waaaa 5 months?! totoo nga? congratsssss!! madalas din ako masabihan ng mga tao na weird haha. di ko lam kung baket e feeling ko normal naman ako. siguro minsan ita-try ko din sya isipin at isulat waha!

    Liked by 1 person

      1. ah kala ko ngayon hahaha! pero weird nga grabe, 5 mos!? kalurkey!! di rin ako nagsisimba! at pag may mass sa opis ung first friday every month di ko alam ung mga kanta at response sa pari. ung mga event na gusto ko gaya ng rock concert o kpop, comic at anime convention madalas tagsolo akong pumupunta kasi wala ni isa sa mga superfriends ko ang may trip nun. ewan ko kung mali ang circle of friends ko o nasa maling circle of friends ako. di rin ako matandain sa lugar, lagi akong naliligaw hehe. saka sabi nila parang anime daw ako magsalita at kumilos ewan ko kung bakit. okay lang naman siguro e kaso 31 na ko nyahahah

        Liked by 1 person

      2. Hahaha! 2 years old na siya! Ahhh. Mahilig din ako sa mga gig ganyan, pero never pa ako nakapunta ng talagang concert na bongga. Grabe, weird na sa kanila yun? Eh kung trip mo yun? Hahaha. Ay kalurky, akala ko 20s ka lang!! :)

        Liked by 1 person

  2. “On top.” Okay ‘yan! Choss! Pero, disdain for chocolates? Why? ¿Por qué? I mean, I’m a sucker for dark chocolates. The darker, the better, even if it means it starts to give me the sensation that my heart is burning. We’re on the same page though when it comes to not eating liver and loving spicy food.

    On the top of my head, one thing people find weird about me is that I love the color pink and Hello Kitty kahit na ako ay tunay na lalake. Bayaw na bayaw nga ako, pero color blood red ang nail polish ko. Look: https://www.instagram.com/p/BI_Ua_gjznO/

    Liked by 1 person

    1. I just don’t like the taste of dark chocolates :/ hahaha sorry po sa mga chocolate lovers!

      Sure talaga yan na tunay na lalake ha? Hahaha ako nga babae, I don’t like pink and Hello Kitty! :| hahaha! Bakit yung hand mo pang-girl? Seryoso ka ba dyan?? Hahaha!

      Like

  3. Ako nilalagyan ko ng ketchup yung pansit bihon o miki. Natutunan ko sa tatay ko. Masarap naman. Hahaha andami mong weird things. And nalungkot ako sa choc pero atleast you like cookies!!! Hahaha katakot yung mumu. Buti hindi ka kinausap. Andami ko na sinabi hahaha

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s