Utak Misyonaryo

Tuwing naiisip ko ang mga ginawa mo sa akin

Ang paghawak mo sa aking kamay

Ang pagtingin mo sa aking mga matang walang humpay

Ang paghalik mo sa aking patay na labi upang mabuhay

Ang pagsulat mo sa aking utak na mabilis mapanis parang laway

Nandidiri ako

 

Nandidiri ako sa mga ginawa mo

Hindi ko alam bakit kita pinatulan

Pangarap ko sana ari mo’y maputulan

Na wala nang masubo ang asawa mo

Na wala nang anak na mabubuo

Ngunit huwag kang magtaka

 

Huwag kang magtataka kung bakit malungkot ang buhay mo

Kung bakit hindi sang-ayon sa iyo ang mundo

Kung bakit hindi mo mahanap ang susi at kandado

Kung bakit walang magandang naidudulot ang pagtiyatiyaga mo

Kung bakit lahat ng kamalasan ay iyong natatamo

Hindi ka na nahiya

 

Hindi ka na nahiya sa bawat oras na sinayang mo

Oras para sa pamilya ko, sa pamilya mo

Oras para sa mga tunay kong kaibigan

Oras para sa nagiisang misyon ko sa buhay

Oras para sa trabaho ko

Dahil ako ang trinabaho mo

 

Dahil ako ang trinabaho mo at sila rin, at ginago mo at tang ina mo po

At ilang babae pa ang tratrabahuhin mo?

At ilang babae pa ang ipapakabit mo diyan sa sinturon mong hayok?

At ilang babae pa iiwanan mo para lang dumami pa ang matikman mo?

Sayang lang ang utak mo

 

Sayang lang ang utak mo at talento mo

Pagdating sa pananakit at pagaangkin ay isinugal mo

Pagdating sa paghawak ng suso at pagtingala sa langit nilaban mo

Sayang lang ang pamilya mong binuo

Dahil bukod sa pagwawasak ng sarili mong pamilya

Winasak mo na rin ang pagkatao nating pareho

 

Matalino ka sa ibang bagay

Sana ginamit mo

Matiyaga ka sa ibang bagay

Sana yoon nalang ang itinuloy mo

 

Dahil ang propesyon at edukasyon pwedeng mawala

Pero ang utak mong misyonaryo

Kahit lagyan mo ng saya

Kahit lagyan mo ng anghel

Kahit lagyan mo ng sabaw

Kahit lagyan mo ng iisa

Kahit lagyan mo pa ng babaeng nakapulang damit

Ay hinding-hindi na magbabago

Nakakasuka, nakakaawa at nakakatawa

 

Lahat ng isinulat mo “para sa akin” ay kaputahan

At itong isinusulat ko para sa’yo ay katotohanan

Hindi bilang ganti kung hindi bilang leksyon

Dahil ikaw mismo ay puta at wala nang direksyon

Advertisements

5 thoughts on “Utak Misyonaryo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s