The Puntold Story: Exorcism (I meant, Exercising)

So nandito nanaman tayo sa part kung saan, sana maabot ang mga pangarap. Well, yung pangarap kong kumain ng marami I think natupad naman though yung pumayat? Kailan pa? Walang forever sa pagiging mapayat! Hanggang may patatas na binabalat si Sarah at may bagong Potato Corner na walking distance lang sa bahay ko, wala na talagang forever sa pagpapapayat!

Kung matatanong niyo, sporty ako nung bata. Unfortunately, I tried going through almost all sports except Volleyball. Bakit ayoko ng volleyball? For me kasi, wala siyang thrill tapos sasakit ba braso mo. Unlike my favorite sport (swimming), naeexercise ka na nga, nakakaligo ka pa! (wala nga lang sabon).

Image result for volleyball

Since una kong sport ang swimming dahil sabi daw nila mayaman kami dati (porkit may pool sa bahay, mayaman agad? Hindi ba pwedeng kurakot lang mga kaibigang pulitiko ng tatay ko or KFR ang main business? Kidnap for Ransom btw) chos. Kaya 2 years old pa lang ako, nilunud-lunod na ako ng mga ate at kuya ko sa pool tapos dun actually nag-start ang sakit na poolmunya. Charcharchar.

Related image

Nung grade school naman, (bukod sa dance club and drama club nakakahiya haha – gusto talaga kasi ako pag-artistahin ng nanay ko – this story will be discussed for another The Puntold Story entry, wait lang kayo dyan) nag-venture na ako sa soccer, basketball and softball. Nag-chess din at badminton pero wala talaga volleyball sa listahan ko, just to be crystal about it hehe. High school came tapos puro dancing nalang talaga tska cheering (though di ako part ng PEP squad ng La Salle, kumbaga sa mga interbatch cheering keme lang). Pagdating ng college, inuman na ang naging sport ko. Hanggang pagdating ng working life na – wala na. Pag may pera, kain lang. So hindi na ako masyado naging active when it came to sports (unless mag-aya ang extended family ko mag-basketball or patintero). Active na lang sa bisyo – inom, yosi, kain ganerrrrn. Healthy living diba? Work-life balance. Hahaha!

Image result for dancing cheering black and white

Nung dumating ang December 3, 2016 – 2 days after my 16th birthday (oops typo, 26 pala). Aside sa niregaluhan ako ng nanay ko ng bagong rubber shoes, hindi niya rin ako tinigilan mag-remind na mag-exercise. Wala na akong excuse. Gabi-gabi na ako nageexercise pagdating ko sa bahay galing opisina – if tulod ang anak ko. If gising pa siya, siyempre playtime kami so kapag ganun, morning nalang ako nag-eexercise.

Paano ako mag-exercise? Well, bukod sa sexercise namin ni jowa, hindi ako yung tipo ng taong mahilig mag-running or jogging around the village with the Koreans na maiingay and mga conyo kids ng BF na naka Nike or Adidas original all around. Tamad nga ako mag-ikot sa mall eh diba? Paano pa ako mapipilit mag-jog or run. Hindi ko keri. And, tamad nga ako.

Image result for dancing cheering black and white

So thanks to YouTube, since hilig ko naman ang sumayaw – mayroon namang mas tipid way na magexercise na tubig lang at katawan ang puhunan. (Pati pala lakas at sipag at tiyaga at nilaga at bopis). I allot one hour a day talaga for exercise. At least, another change nanaman na ginagawa ko  para sa sarili ko. Masasabi ko talagang nagiging matino na akong tao! Health is wealth ika nga, but again, potato is life!!!

Image result for fries black and white

Hindi na naman talaga ako kumakain ng breakfast. Coffee lang talaga unless mayroong lutong pagkain with rice, (hindi kasi ako-mabread na tao). So ang kain ko nalang is lunch + meryenda. Dinner, wala na rin talaga. Tapos thrice a week I have to maintain na mag-veggies. Burger, ganyan. May veggies naman ang burger diba? Nyahaha!

Image result for fries black and white

So let’s see in 6 months kung ano na itsura ko. Kapag jubis parin, baka iwanan na ako ng asawa ko. Hahahaha! Joke lang. Siyempre, kailangan ko rin magpa-sexy para sa aking mahal baka palitan pa ako or mauntog pa siya. Pero alam ko naman hindi siya ganun. :) hehehe!

Teka, ano pala ulam namin sa Christmas break? Christmas Eve? Baka habang bakasyon ako sa office, pwede rin bakasyon sa exercise?

Ang goal ko ba sa Christmas ay kumain pa at maging sing-taba ni Santa?

Related image

Photos from Google

Advertisements

4 thoughts on “The Puntold Story: Exorcism (I meant, Exercising)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s